Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 106 of 422 · Oo Naman Dapat Malaki Yan Ha

Chapter 106

Oo Naman Dapat Malaki Yan Ha

Zindy Rivera - CrushRead · about 7 min read · 1,606 words

59 : Para - paraan 59 : Para - paraan "WALANG HIYANG- buwisit na Martin na ' yon , "asar na monologue ko . Kanina ko pa gustong magwala sa inis . Wala atang epekto sa lalaking iyon na kasal pa rin kami ni Yuri . "Sir , ang init ng panahon pero ganyan ka pa ka - init , baka ma - heatstroke ka niyan ,"noon ako napatitig kay Javier na abala sa phone nito at pangiti - ngiti pa . "Oras ng trabaho nagse - cellphone ka ,"iritadong sita ko dito . Pero matamis na ngumiti lang si Javier . "Pag - inaway mo ako hindi kita tutulungan kay Ma'am Yuri , "baliwalang sagot nito .

"At paano mo ako matutulungan sa asawa ko , aber ? 'Wag mo na nga akong asarin . Badtrip na nga ako sa lintek na Martin na ' yon eh ."Napangiwi ako nang biglang kumalam ang sikmura ko . "Ah iyong karibal mo . Mahirap nga ' yon . Nalaman ko noong mga panahong nababaliw ka sa kakahanap sa asawa mo . Madalas kasama niya si Martin nakasuport kay Ma'am Yuri . " "Ano ? "Mabilis na napalapit ako dito kaya naitulak ko ang nakasalansan na files sa table nito . "Paano mo nalaman ? " "Sir ! Ano ka ba ! "Pikang sermon nito at kaagad na inayos ang nagulong files .

He carefully check the position of files , na parang may sira sa utak . "Mag - ingat ka naman . " "Alam mo kapag ako nainis , guguluhin ko lagi ang mesa mo . Subukan mo kayang maging normal na tao . " "Normal sa akin ' to . " "Fine , paano mo nalaman ' yon ? " "Ah .. doon sa magandang babaing sinasabi ko sa'yo , "anito saka naupo ng tuwid at inayos ang damit nitong laging well - pressed . "Sino? " "Iyong kadate ko simula noong isang araw , "pamesteryosong sagot nito kaya lalo akong naasar . "Wala akong paki - alam - " "Talaga ba , eh paano kung ito ang kadate ko ?

"Buong pagmamalaking ipinakita nito ang 54 Para paraan picture sa phone nito kasama ni Moira at sa gulat niya hinablot niya ang phone ni Javier . "Ito iyong ... bestfriend ni Yuri ! Alam mong girlfriend siya ni Clarence diba ? "kunot noong tanong ko dito . "Gusto mo ba nang gulo ? "Claim "Nagbreak na sila , niyaya niya ako ng date kaya pumayag ako . Siya pala iyong tumulong sa akin sa grocery last time , "nagmamalaking saad pa nito . "May hang out date sila ng kaibigan niya mamayang gabi kaya maaga akong lalabas ha . Sasama ako sa gimmick nila . " "Iyong kaibigan niya - si Yuri ba ?

"Tila lumukso ang puso ko sa balita ni Javier . "Oo daw . Wala naman daw siyang ibang friend . Magce - celebrate raw sila nang break - up nila ni Saavedra . " "Sasama ako ! "Mabilis kong sabat dito . "Eh baka magalit si Ma'am Yuri , "anitong nagkamot pa nang sintido nito . "Di huwag mong sabihing kasama ako . Sagot ko na ang pandate mo . "Presenta ko na ikinatawa nito . "Talaga ba ? Galante ka na rin ngayon sir . Kaso sasama rin ata si Martin kaya baka hussle , double date kami eh . " "Then gumawa ka nang paraan para makaalis si Martin . Dahil ako ang magiging date ni Yuri .

Kuha mo . Gamitin natin iyong bagong bili kong kotse . At kapag napaalis mo si Martin , may bunos ka sa akin ." "Aba , sir mukhang magpapa - impress ka nang husto ah . Mamahaling cake , flowers . Bagong luxury car tsk ... tsk ... Hindi ka na kuripot ngayon , "nakatawang saad nito habang naiiling . "Dati ang tipid ng budget mo sa asawa mo eh - " "Kailangan mo pa bang sabihin ' yan ? Gagawin mo ba o hindi? "pikang sita ko dito . "Oo naman , dapat malaki ' yan ha . "naninigurong saad nito . "Sige isasama na kita , pero dapat hindi magmukhang inaya kita .

Baka di pa ako nagsisimula e mabasted na kaagad ako . " "ANO BANG NAKAIN mo at gusto mong magbar tayo ? "reklamo ko kay Moira . Naroon ako sa apartment nito . Ayaw na kasi nitong magpunta sa bahay dahil break na daw ang mga ito at si Clarence . Bagay na hindi ko na ipinagtaka . Madalas silang mag - away sa kung anong dahilan pero kalaunan nagkakabati rin naman . "Ipinaalam na kita kay Baby Zayu at ay Senador G kaya huwag ka nang tumangi , kung ayaw mong pati tayo magbreak na din , "nakasimangot na banta nito .

Kaya wala naman akong nagawa kundi tangapin ang s3xing dress na ihinanda nito para sa akin . Makintab na old rose fitted dress iyon at sa tingin ko hindi aabot sa tuhod ko . Pareho ang style ng dress namin 59 Para paraan Claim magkaiba lang ang kulay at ang cut . Pero backless ang dress nito kompara sa damit kong simpling sleeveless na may v - neckline . Wala akong nagawa kundi ang magbihis na rin at pagkatapos nag - apply na ako ng light make - up . Hinila ko pa ang dress para umabot sa tuhod ko pero bumaba naman sa bandang cleveage ko kaya ibinalik ko rin sa dati .

Pagbaba namin ng building ay siya namang pagdating ni Martin . Naguguluhan ako sa sinabi nito kahapon . "Nakangiti ang mga bituin kahit malungkot ang puso ng mga tao ,"hindi ko alam kung bakit pamilyar sa akin ang mga ' yon . "Wala na akong kotse kaya , hiniram ko na muna si Martin DJ . Siya ang date mo kasi nakakahiya naman kong third wheel ka diba ? "pabulong na sambit nito kaya nawala ang isipin ko tungkol doon . "Ang ganda mo Yuri ,"kita ko pang humahangang titig sa akin ni Martin . At ipinagbukas pa ako ng front seat . "Salamat , "sagot ko na lang .

"Sino nga pala ang ka - date mo ? "Maya maya usisa ko kay Moira nang nasa biyahe na kami . "Malalaman mo rin later . "anitong ngumisi lang . Sa unahan ako naupo dahil ayaw ko namang magmukhang driver namin ni Martin . "Hindi ba masyadong sexy ang suot mo , Yuri ? "Hindi nakatiis na puna ni Martin panay kasi ang sulyap nito sa direksyon ko . "Sisihin mo ang isang ' yan . " "Huwag ka ngang masyadong conservative Martin , karapatan ni Yuri na ipagmalaki ang kasexyhan niya sa madlang earth .

Saka kasama ka naman ni Yuri kaya safe siya at -- "natigil ang sasabihin ni Moira nang magring ang phone . Pero kaagad na tumaas ang sulok ng labi nito . At baliwalang hinawi ang imaginary long hair nito . "Bakit hindi mo sinagot ? "puna ko dito . "Hindi na ako nakikipagchika sa mga ex ko , kaya walang dahilan para sagutin ko ang tawag ng ampalaya mong kapatid ,"pairap na sagot nito . "Don't you dare tell him na magkasama tayo okay , "banta pa nitong nakaingos . "Okay ... "napapakamot kong sagot . Mukhang seryoso na nga itong tapusin ang relasyon nila ni Clarence .

"Ano ba kasing pinag - aawayan n'nyong dalawa ? "On the other side . Pikang ibinaba ni Clarence ang phone niya . Ilang ulit na niyang tinatawagan si Moira pero 50 Para paraan panay ang reject nito ng calls niya . "Mister Oliver sa tingin mo bakit niya ibinalik sa akin ang kotse ? "Asar na tanong nito kay Oliver na abala sa ginagawa nitong report . "Badtrip ang babaing ' yon ah . "Claim "Baka naman desidido na nga siya sa break - up n'yo ? "baliwalang sagot nito na ikinalaglag ng hawak niyang ballpen . "Ano ? Seryoso ka ba ? Moira likes me , kaya bakit niya seseryusuhin ang break up .

Kasalanan naman niyang iginigiit niyang magkabalikan sina Yuri at ang tanga - tangang Dela Merced na ' yon . " "Sir Clarence hindi naman lahat ng tao masama at walang paki - alam . Baka naman totoong desidido na si Zade Larzon na ayusin ang relasyon nila ni Ma'am Yuri . Suportahan mo na lang ang kapatid mo . " "Come on Mister Oliver , hindi basta basta magbabago ang mga taong masasama ang ugali . Pare - pareho lang sila ! "Pikang giit niya na ikina - iling nito . "Ikaw ang bahala , pero sa tingin ko nasa bar sila ngayon ,"anitong ipinakita pa ang larawan sa socmed nito .

Kaya nagmadali siyang hanapin ang post ni Moira . Pero hindi na niya ito mahanap . "What the hell blinock ba niya ako ? Sira ulong babae 'yon ."pikang saad niya sabay tayo . "Send me the address , humanda siya sa akin . Seryoso ba siyang hiwalayan ako ! "gigil niyang sambit saka iniwan ang napapangiting si Oliver . "Kung mahal mo , huwag mo nang pakakawalan . "makahulugang saad ni Oliver . Zindy Rivera HI Everyone , salamat po sa support , later na po ang isa at bz ako kanina . Thank you .. May Ampalayang susugod ...

28 Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.