Chapter 108
I'm Talking to You Moira
Zindy Rivera - CrushRead · about 5 min read · 1,165 words
"Hayaan mo na girl , baka magbabanyo lang ,"baliwalang saad ni Moira saka binalingan si Javier na nagkakamot ng kilay nito . Saka ito lumipat sa tabi ni Clarence . PAG - AKYAT pa lang namin sa second floor ay kita ko na kaagad si Martin na nagmamadali nang umalis patungo sa exit door . Dahilan para mapangiti ako . Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni Javier para umalis si Martin . Pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon . Napakaganda ni Yuri kaya hindi ko na napansin ang nagmamadaling si Clarence . Kita kong pagkagulat sa mata ni Yuri sa biglang pagsulpot ni Clarence .
Wala iyon sa plano namin ni Javier . Pero bahala na . Mabilis akong naglakad palapit sa mga ito at lalong nagulat si Yuri ng makita ako . "Anong ginagawa mo dito ? "Matalim ang boses na saad ni Clarence kay Moira na katabi ni Javier sa mesa . Kaya sinamantala ko ' yon para maupo sa tabi ni Yuri . "Teka , ako bang kausap mo ? "kunot noong tanong ni Moira na kumapit pa sa braso ni Javier . Halata namang gusto lang galitin si Clarence . "Ikaw bakit ka rin nandito ? "takang baling sa akin ni Yuri at kita kong pagkailang nito .
"Gusto ko lang maglibang - kaso hindi raw ako masasamahan ni Javier , kaya pala . "Palusot ko . "May ka - date si Yuri kaya huwag kang eksena . "Pataray na sabat ni Moira pero nakangisi naman . "I'm talking to you Moira ! Umalis na tayo . At ikaw rin , "baling nito kay Yuri at masamang tumingin pa sa akin . "May date kami okay . Hindi mo ako kailangang utusan at isa pa break na tayo baka nakakalimutan mo lang naman , "paasik na sagot ni Moira na lalong ikinadilim ng mukha ni Clarence . Kulang na lang sumabog ito sa galit . "Baby Javier pasenyahan mo na ang ex ko .
Ganyan talaga ' yan ang grumpy kaya ayaw ko na sa kanya eh . Buti pa ikaw mabait . " "Baby- "muntik na akong masamid ng sarili kong laway dahil doon . "Anong nakakatawa ? "saway sa akin ni Yuri , natigilan ako nang magsalubong ang titig namin . Naisip kong ang corny ni Moira para tawaginng baby si Javier . Pero parang ang sweet naman ng ganun . "Gusto mo rin bang baby ang itawag ko sa'yo ? Pero ang korny na noon , babe na lang kaya o kaya- "So Mua Talunan - 2 "O Kaya umalis ka na . "Claim "Oo tama , umalis kana Dela Merced . Let's go Yuri , Moira ! "Gigil pa ring mando ni Clarence .
Pero baliwalang umiling lang si Moira . "Isama mo si Yuri , dahil kapatid mo siya . But I'll stay here with my baby Javier . " "Huwag mo akong inisin Moira ! " "Huwag mo siyang sigawan Mr. Saavedra! She's my date . At kusa naman siyang sumama so walang dahilan para pilitin mo siya kung ayaw niya sa'yo . Kapag iniwan na huwag na kasing maghahabol pa . "Napalingon ako kay Javier dahil doon . "Loko ! "mahinang usal ko dito saka ko tinitigan ito ng masama , pero hindi naman pala nakatingin sa akin ni Javier . Mukhang seryoso itong nakikipagtigan kay Clarence .
Hindi ko pa ito nakitang ganun ka seryoso . Lalo na kaharap ang isang babae . "Hinahamon mo ba ako ? "Tiim bangang saad ni Clarence , kita kong pagkuyom ng kamao nito . Wala naman akong dapat ipag - alala . Si Javier ang ka - sparing ko pa - minsan - minsan sa boxing at aminado akong mas mahusay ito sa akin . "Teka sandali ha ... ano bang ginagawa mo Clarence ?. Nangugulo ka na okay . Iwan mo na kami dito dahil date namin ' to ni Javier . " "Oo umalis na kayo ! "sabat ng lalaking hindi ko na napansin ang paglapit nito . "Puwesto ko ' yan pare ! "anitong masama ang tingin sa akin .
Akala ko ba pinaalis na ni Javier si Martin ? Bakit bumalik ? "Anong puwesto mo ? Sa akin pa rin ' to . At walang sa'yo ! "giit kong kay Yuri nakatingin . Gusto kong iparating dito na hindi ako basta magpapatalo . Subalit blankong tingin lang ang ibinigay nito sa akin kaya parang umurong naman ang dila ko . "Okay sige , kayo na lang dito . Uuwi na ako . "Napapabuntong hiningang saad ni Yuri saka ito tumayo . Ganun rin ang ginawa ni Moira at ni Javier na nagkamot pa nang sintido . "Ngayon lang ako nakikipagdate eh . "Dinig kong monologue ni Javier .
"Ganun ba pasensya na baby kasi naman may epal eh . Lipat na lang tayo ng place- " "Moira ! "singhal pa rin ni Clarence habang kuyom ang kamao nito . "Isa pang sigaw mo sa akin sasapakin na talaga kita . Break na tayo kaya goodbye . "Asik nito Moa Talunan - 2 kay Clarence saka kumapit na sa braso ni Javier . "Hatid ko na kayo ? "presenta ko pero masamang tingin ang ibinigay sa akin ni Yuri . Claim "No , alam mo Zade . Tama si Javier kapag iniwan na huwag mo nang habulin pa . "Talo ko pa ang sinikmuraan ni Yuri dahil doon . Kaya para akong naestatwa na lang .
"Huwag nang habulin pa , "paismid ko saad pero parang nag - echo ang boses ko kaya napatitig ako kay Clarence na halatang gustong manapak . "Sa tingin mo ba dapat bang sumuko ? "tanong ko dito . "Malamang , sinaktan at niluko mo ang kapatid ko kaya hindi mo deserve ang second chance , "tumaas pa ang ibabang labi nito . "Hindi para sa akin ' yon , para sa'yo ' yon . Sa tingin ko mas bagay si Javier kay Moira . Mabait rin si Javier . Hindi kasing yaman mo pero marami ' yang pera . At may investment rin ' yan at sariling bahay na . " "Iniinis mo ba ako? " "Hindi .
Pero sige , I'll give you a good deal , help me get my wife back and I'll help you get your girlfriend back . Deal ? " "Ano ? "Zindy Rivera Taba ng utak mo Zade .. Pumayag kaya si Clarence .. Pagkakataon na ba para sa'yo Zade ? Magkasundo kaya ang dalawang talunan ? Hi Everyone maraming salamat sa walang sawang support .. Sagad na salamat rin po sa mga Nagpapa - ulan ng MT .. God Bless po sa n'yo . 35 Comments LUCK DRAW > H Vote admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.