Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 110 of 422 · Napabuntong Hininga Ito

Chapter 110

Napabuntong Hininga Ito

Zindy Rivera - CrushRead · about 5 min read · 1,206 words

Claim 61 : It's A No ? -2 "Kanina pa ho . Tungkol nga pala sa issue sa foundation . Wala pa ring resulta sa mga nawawalang fund . Pero ginagawa ko ang lahat dad , "pag - aassure ko dito . "Alam ko ' yon . Pero tandaan mong may mga taong interesado sa posisyon mo . Kaya mag - iingat ka . Kahit tayo ang may - ari nang kompanya ang mga shareholder mababalisa ang mga ' yan kong nagkakaproblema sa pera ang kompanya . Lalo't ang pera sa foundation ay nagmumula sa kita nang Delamer's . " "Nauunawaan ko ho Dad . Nagsisikap akong pantayan ang husay mo sa pamamalakad ng kompanya .

Kaya aayusin kon ang problema , "pag - aassure ko dito . Kung bakit kasi hanggang ngayon wala pa ring matrace na account na dahilan ng malaking perang nawawala sa foundation . Napabuntong hininga ito . "Tutulungan kitang ayusin ang problema . But you need to make sure na magiging maayos kayo nang asawa mo . Kung si baby Zen ang magiging problema huwag mo nang isipin . Kami na nang mommy mo ang bahala sa bata , hindi natin masisi si Yuri kung ayaw niyang tangapin ang anak ninyo ni Atasha . Pero sana maging maayos rin ang lahat . " "ANO BANG Problema mo Clarence , baliw ka na ba ?

"asar na singhal ni Moira nang panay ang sunod sa kanya ni Clarence . Dalawang araw siyang hindi umuwi sa apartment niya dahil nag - aalala siyang naroon si Clarence . At hindi nga siya nagkamali . "Bakit ba kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ko , pati sa sa social media account ko blinock mo na rin ako ? Hindi ako sanay ng ganito okay ,"pikang saad ni Clarence na napahilamos pa . "Kasi sanay ka na kahit nag - aaway tayo , ako na lang laging nakikipagbati sa'yo . Pero lately narealize kong nakakasawa ring magpamper ng mga isip batang tulad mo .

"Mataray na saad ni Moira kaya't napatitig si Clarence dito . "Ikaw naman kasi ang may kasalanan at - " "Kaya nga ! "paismid na sagot ni Moira . "Kahit kailan talaga napakaself - centered mong ampalaya ka ! Makinig ka Clarence . I'm done with you . Sa tingin ko mas better talaga sa'yo si Javier . His nice and gentleman . At higit sa lahat , caring din siya . Exactly the man I want , "pagmamalaki niya dito . "Kung bakit kasi late ko siyang nakilala . "dagdag pa nito . Kaagad na namula ang mukha ni Clarence dahil doon .

"He's nothing compare to me Moira kaya huwag mong -- " "Excuse me , his better than you are , Clarence . Oo mas mayaman ka . But you know what ? bl Its A No ? 2 Claim Hindi lang naman yaman at pera ang basehan para maging masaya . At ayaw ko na rin pala sa mayabang , "dagdag pa nito sabay irap . "Kung wala ka nang sasabihin , umalis ka na . At huwag mo na rin akong lapitan pa , okay . Ayaw kong magselos si Javier . "ani pa niya . Aktong tatalikuran niya si Clarence ng hilahin nito si Moira , sukat doon ay muntik na itong mapasubsob .

Pero maagap namang nakabig ni Clarence ang dalaga kaya sa didbib nito tumama ang mukha ni Moira . "Buwis- " "Naiinis na talaga ako Moira , puwede ba , itigil mo na ' to . "May diing paki - usap ni Clarence . Saka mahigpit nitong niyakap ang dalaga . Lihim namang napakagat labi si Moira , upang itago ang totoong nararamdaman niya . Sa mahigit isang taong relasyon nila ni Clarence she had break all her rules in life . Kinalimutan niya ang pride niya para lang maging sila ni Clarence . Oo , siya ang nanligaw kay Clarence kahit nangako siya sa sariling hindi niya gagawin ' yon .

But she loves him , at dahil wala itong ginagawa para makompirma niya ang feelings nito . Kinailangan niyang siya na ang kumilos . And it worked naman , dahil gusto rin naman siya nito . But lately they been on different roads . At mahirap unawain ang taong tulad ni Clarence . Ayaw nitong maging masaya ang sarili nitong kapatid . Kahit halata namang hindi pa rin nakakamove on si Yuri sa asawa nito . "Let go , Clarence ! "utos niya dito matapos ang ilang sandaling pakikipaglaban sa kanyang damdamin . Sinubukan niya itong itulak pero mas humigpit lang ang yakap ni Clarence sa kanya .

"I said let me -" "No ! " "Ano ba ! Sabi mo hindi ikaw ang taong ipipilit ang sarili sa taong ayaw sa'yo . Then why are you doing the opposite , "aniyang pilit itinutulak si Clarence . "Ano bang gusto mong gawin ko , Moira ? "Nakiki - usap nitong saad . "Mula ngayon wala ka nang ibang gagawin pa . I'm officially breaking up with you Clarence . "Biglang lumuwag ang pagkakayapos ni Clarence sa kanya kaya sinamantala niya iyon upang lumayo dito . Kita niya ang pait sa mata nito . "From now on .... I'd like to date and feel like I'm a woman , instead of chasing the man I care for .

Kaya huwag ka nang makulit . Break na tayo Clarence "ST It's A No ? 2 "Pero ... "Clarm "No ! Huwag ka nang lalapit sa akin , kainis ka ."Iritadong reklamo ni Moira saka mabilis na nilampasan si Clarence na walang magawa kundi ang magkamot na lang nang ulo . He was confident that Moira would come back to him . Kaya bakit ? At mula kung saan dinig niya ang tinuran ni Zade . "I'll give you a good deal , help me get my wife back , and I'll help you get your girlfriend back . " "Deal ? Sira ba siya ?

"Subalit natagpuan niya ang sariling hinahanap ang contact number ni Zade Larzon sa phone niya . Nang mahanap ay mabilis ring pinindot ang call button . Isang ring lang ay sumagot naman ito na parang sadyang hinahantay ang tawag niya . "Are we having a deal now ? "Kumpiyansang bungad nito habang dinig niya ang ingay ng bata sa background nito . "Why the hell am I talking to you ? " "Dahil alam mong tama ako , malaking mawawala sa akin Clarence . Kailangan kong traydorin ang taong pinagkakatiwalaan ko para dito ."kompiyansang saad nito na tumawa pa .

"Ganun ka talaga ka confident na papayag ako ? " "Hindi , ganun ako ka desperado , Clarence . "anitong biglang sumeryoso ang boses . Zindy Rivera Naku Zade talaga bang ilalag - lag mo Javier..Lagot ka sa mga fans niya hehehe . Hi everyone marami pong salamat sa walang sawang support ... Bukas ulit mga madam ... 28 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.