Chapter 113
Are You -pikang Sikmat Ko Dito
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 954 words
63 : As Planned - 1 63 : As Planned NAGPASYA AKONG kausapin si Zade . Kaya iniwan namin ang magulang namin sa restaurant . Naroon kami sa kotse nito . "Ano bang ginagawa mo ha , Zade ? " "Wala akong ginagawa , sinabihan ako ni Dad na magkikita kayo kaya nag - insist akong sumama . Alam mong - " "Zade Larzon ! "malakas kong baling dito . "Nagsikap akong layuan ka para maging malaya ka at makuha mo ang gusto mo . Para maging masaya na rin ako . Kaya bakit ganito ? Bakit mo ginugulo ang sitwasyon ? "Hindi ko maiwasang magtaas ng boses dito .
Pero lalo lang akong napipikon dahil nakangiti pa si Zade na parang isang kakatwang bagay ang sinasabi ko . "Bakit akong pinagbibintangan ko , Yuri ? Wala akong alam diyan , "anito pero kita kong nag - iwas ito nang tingin . "Alam mo namang conservative ang parents ko saka ... " . "bumuntong hininga ito . "Pabor sa akin ' to . Sinabi ko sa'yo I want you back Yuri . Kaya sundin na lang natin ang gusto nila . At huwag mong pilitin na gumawa pa ako nang hindi maganda para lang mapilitan ka ulit diba , "banta nitong ikina - init ng mukha ko . "Zade ! Are you -"pikang sikmat ko dito .
"Pagod na akong sumunod sa mga gusto nang tao sa paligid ko kaya hindi mo akong mapipilit na sumunod sa gusto mo . Hindi na ako uuwi sa bahay mo at hinding hindi na ako babalik - ahhh ... "nanlaki ang mga mata ko nang walang babalang kabigin ako ni Zade . He bend closer to my face at halos gahibla na lang ang pagitan namin . Kaya hindi ko alam kung paano iiwasan ang titig nito . "Should I kiss you then , Yuri . "Makahulugang saad nito sabay lunok . Pero nanatiling magkahinang ang aming mga mata . "Sundin natin ang mga magulang natin . Magpakasal rin ulit tayo kong gusto mo .
" "Baliw ka ba ? "Gigil kong usig dito sabay tulak dito bago pa ito maka - isip ng kabaliwan . "Siguro , nakakabaliw ang maghanap sa taong magaling magtago . Kaya kung kinakailangan talian kita para hindi ka na makawala pa sa akin . Gagawin ko , Yuri . Kaya kung puwede huwag mo akong piliting gawin ko ang bagay na ' yon . " "How dare you Zade treathened me . "nag - iinit ang mukhang sumbat ko dito . "Noon halos isumpa mong ako ang pinakasalan mo . Ngayon para kang sira - ulong gusto akong balikan .
"Baliw na kung baliw , masama na kung masama , sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin . Pero gagawin natin ang plano . Sundin mo ang ama mo . And I'll do the same , "bakas 63 As Planned - 1 ang kombiksyon sa mukha nito . "Bakit masyado kang makasarili Zade ? " "Am I ? When you came to the guestroom and decided to sleep with me , hindi ba naging selfish ka rin . "Claim "I ... "mariin akong napapikit . Bakit ba hindi ito maniwalang wala akong kasalanan doon . Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa guestroom nang gabing ' yon .
Pero kahit naman sabihin ko ' yon never naman naniwala si Zade . Matatag ang paniniwala niyang sinadya ko ' yon . But I never did . Oo nanghihinayang akong hindi niya ako nakilala . Pero hindi ko gustong makipag - agawan kay Atasha para lang mapansin ni Zade . "Hindi na ako papayag na makisama pa sa'yo . Kaya tigilan mo na ang kalukuhang ito . "Matiim kong saad saka walang paalam ko itong iniwan . Nagmadali na akong bumalik sa loob nang restaurant para kausapin sana ang magulang ni Zade at si Dad Gaston . Pero wala na ang mga ito doon .
"Umalis na sila , nag - aya raw ang Daddy mo na maggolf sila kaya , ihatid na raw kita . "ani Zade na nasa likuran ko na pala . "No thank you . Madaming taxi , "baliwalang sagot ko dito . Mabilis na akong tumalikod . At kung kailan palabas na ako nang restaurant saka ko napansing wala ang purse bag ko . Sigurado akong nakasabit iyon sa balikat ko paglabas ko at - natampal ko ang noo ko . "Halika na , tawag sa akin ni Zade . Walang libreng taxi , babes . "kumindat pa ito . Gusto kong maasar dahil wala man lang ang pati ang phone ko .
"Akin na iyong bag ko , "utos ko dito saka ako napalapit sa kotse nito . "Kunin mo , "nakangising utos nito . Habang prenting naka - upo sa driver seat . "Give me my bag ? "giit ko dito , pero lalo lang itong sumandal sa kotse nito . Sabay sara nang bintana . Sa inis ko ay binuksan ko ang passenger seat . "Get in , ibabalik ko sa'yo ang bag mo . "Mariin akong napapikit trying to calm my self . Pero pagmulat ko naka - ipit na sa pagitan ng hita nito ang bag ko . Hinahamon pa ako . Akala ba niya hindi ko kukunin ' yon . Walang pagdadalawang iisip na sumakay ako para kunin ang bag ko .
Subalit nagulat ako nang maglock ang pinto sa tabi ko . Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.