Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 115 of 422 · Wala Na Siyang Pera

Chapter 115

Wala Na Siyang Pera

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 889 words

64 : Regrets - 1 64 : Regrets WALA AKONG nagawa kundi ang umalis nang sabihin ni Yuri na gusto na nitong magpahinga . Nagleave pala ito sa trabaho para lang makipagkita sa parents ko . Hindi ko alam kung bakit pero ang init ng dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang playpen sa bahay ni Clarence . Mukhang tama si Javier gusto rin magkaanak ni Yuri . Kaya ngayon ako labis na nagsisisi na hindi kami nagkaroon nang anak . Kung sana may anak kami - alam kong mas magiging madali ang lahat . Mabigat ang pakiramdam kong naka - uwi sa bahay . Naabutan ko pa doon si Javier na nakahilata sa sofa .

Habang tulog naman si baby Zen sa crib nito . Ibang iba ang hitsura nang playpen sa bahay ni Clarence kaysa sa playpen ni baby Zen . "Bakit parang mas gusto ko ang nandoon sa bahay ni Clarence ? " "Ano Sir ? "usisa ni Javier na napabangon pa . Akala ko tulog ito . "Wala , wala ka bang planong pumasok ? " "Sabi mo wala tayong pasok ngayon diba , akala ko ba gusto mong ka bonding si baby Zen . Huwag mong idamay ang bata sa galit mo sa nanay niya ." "Sira ka ba , kung gusto ko siyang idamay tatangapin ko ba ang bata . Baka hindi lang talaga ako ganun kabuting magulang .

"Nasabi ko saka ako naglakad palapit sa batang mahimbing ang tulog . "Ayaw ko nang nararamdaman kong parang naaawa lang ako sa bata . Kaya gusto ko siyang mahalin . " "Ayos lang ' yon . Sir . Hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo . Hindi naman kasi naipipilit ang pagmamahal . Pero puweding matutunan ,"makahulugang saad nito . MEANWHILE "ANO HO ? PERO- "gusto kong magprotesta sa sinabi nang ama ko . Nakipagkasundo umano ito sa magulang ni Zade para maayos namin ang pagsasama namin .

"Ayaw ko mang hilingin sa'yo ito pero sa tingin ko may punto naman sila kung magkakasundo kayo ni Zade , anak ." "Dad kasi- " 64 Regrets 1 Claim "Huwag kang mag - alala . Magtatrabaho ka lang sa kompanya ng Delamers , hindi ko naman pinayagan ang gusto nilang magsama kayo sa iisang bahay . At itatago pa rin natin si Mia ayon sa gusto mo . Unless ikaw mismo ang magsabi kay Zade . "kita ko ang nakaka - unawang titig nito sa akin . "Magiging masaya ako para kay Mia kung magkakasundo kayo ng ama ng bata . Pero kung talagang wala na kayong pag - asa .

Sapat na ang tatlong buwan para malaman n'yo ang bagay na ' yon . " "Baka magalit sa akin si Clarence , nangako akong - " "Ayos lang , "anang tinig sa likuran ko . Naroon ang madilim ang aura na si Clarence . Mukhang hindi naging effective ang paglilibang nito kasama si Zayu . "Naisip kong tama rin naman diba . Para mas lalong magalit si Atasha . Bigyan mo nangpagkakataong iganti ang sarili mo sa pamilyang iyon . Kung makikita ni Atasha na nagkakasundo kayo ni Zade malamang lalong mabaliw ang babaing tulad niya . Those people deserve to be in jail , ikaw lang itong ayaw .

" "Puwede bang pag - isipan ko muna kasi -"ayaw ko na sana nang gulo hanggang maari . Kaya nga hinayaan ko na lang ang kinalakhang magulang ko . Matapos ang party naging tahimik na ang mga ito . Lalo't laman ng balita ang Montefalco Royal dahil na rin sa malaking pagkaka - utang nang mga ito sa mga banko . Dalawang araw ang matuling lumipas pero hindi ko magawang magpasya . Paano ako magpapasya kong kailangan kong makasama si Zade araw - araw sa trabaho . Ilang ulit kong pinag - isipan , pero isa lang ang dapat kong isipin . Hindi ako mahal ni Zade kaya hindi kami maaring magsama pa ..

Mariin akong napapikit pagkalipas ang ilang sandaling pagtitig ko sa sarili ko sa harap ng salamin . Hindi ko tatangapin ang paki - usap ni Dad at nang magulang ni Zade . Karapatan ko naman iyon dahil ako ang magpapasya sa buhay ko . Inayos ko ang sarili ko , pupuntahan si Zade at personal na kausapin . SA DELAMER's building . "Anong hindi ako puweding pumasok ha ? I need to see Zade Larzon , NOW ! Ako ang ina nang anak niya kaya bakit hindi n'yo ako papasukin . "hysteria ni Atasha nang sumugod ito sa opisina ni Zade . Ilang lingo siyang nanahimik dahil iyon ang gusto nang magulang niya .

Pansamantala lang naman daw . Hanggang makuha nila ang share's ni Yuri . Pero hindi na siya makapag - aantay pa . Wala na siyang pera . Naibenta na rin niya ang kotse na tanging hindi binawi ni Zade sa kanya . "Kapag hindi n'yo ako pinapasok magwawala ako dito , "banta ni Atasha sa mga security . Kanina dalawang security lang ang naroon ngayon may dalawa pang dumating para pigilan 64 Regrets 2 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.