Chapter 117
Kaya Maraming Napapahamak Dahil Sa Akin
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 912 words
65 : Blame - 1 65 : Blame Claim PARANG ROLLER coaster ang pakiramdam ko ngayon . Wala nang malay si Zade ng makarating kami sa hospital . Mabilis naman itong inasikaso sa emergency ng St. Joseph Medical Hospital . At ngayon nga ay nasa operation room na ito . Bakit ba kasi hindi ako naka - iwas ? At bakit niya ako iniligtas ? lyon ang paulit - ulit na tanong sa utak ko . Habang nag - aantay ako sa labas ng OR . Hindi ko na rin pinansin ang mga dugo sa damit ko . "Yuri ! "ang humahangos na tawag sa akin ni Mommy Azra . Bakas ang labis na pag - aalala sa mukha nito .
At nahahabag na tinitigan ako . "Nasaktan ka ba ? "dama kong nag - init ang sulok ng aking mata at ang muling pagbilis ng pintig ng puso ko . "I'm sorry po , kasalanan ko ? "mabigat ang dibdib ko sa sinabi kong iyon . "Kasalanan ko po , pasensya na . "napapayukong saad ko . At mula kung saan parang naririnig ko ang tinig ni Mama Natasha na sinasabing kasalanan ko ang lahat . Na ako ang malas at buwisit . Kaya maraming napapahamak dahil sa akin . "Ano bang kasalanan mo anak ? Wala kang kasalanan . "anitong naupo sa tabi ko .
"I can't believe na kayang gawin ni Atasha ang ganung bagay ,"anitong hinaplos ang buhok ko . "Kung alam ko lang na mangyayari ' yon . Hindi na sana ako pumunta . Hindi sana - "dama kong pagtulo nang mainit na likido sa aking mata . Para akong bumabalik sa panahong paulit - ulit na sinasabi sa akin ni Mama Natasha na ako ang dahilan kaya madaming nawawalan ng trabaho sa mansion tulad na lang ni Manang Elisa . "Yuri , don't blame yourself . Hindi ka namin sinisi . Ang Daddy Zen mo nagpunta na sa presento . Alam naman namin hindi mo kasalanan .
It's alright magiging okay rin si Zade , "basag ang tinig na saad nito . "Huwag ka nang mag - alala pa , "pag - aassure nitong hinawakan pa ang palad ko . Hindi naman nagtagal ay dumating si Clarence kasunod ni Dad Gaston . Si Clarence kasi ang tinawagan ko kanina habang papunta kami sa hospital . "Nasaktan ka ba anak ? "Ang nag - aalalang tanong ni Dad sa akin . "Hindi po , pasensya na kasalanan ko kaya - " "Ano bang hinihingi mo ng tawad , Yuri . Ikaw itong muntik nang masaktan dahil sa babaing ' yon . Sabi ko na kasi sa'yo ipakulong mo na lang si Atasha pati na ang magulang niya .
"Gigil na sermon sa akin ni Clarence . 65 Blame 1 Claum "Huwag mo nang pagalitan ang kapatid mo , hijo . Zade will be fine . He will ."pag - aassure ni Mommy Azra pero bakas ang pag - aalala sa mata nito . "Mabuti pa , umuwi na muna tayo , "ani ni Dad Gaston sa akin . "Mamaya na ho , hintayin nating magising si Zade Dad , "paki - usap ko dito . Alam kong kasalanan ko kaya nangyari ito . At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may iba na namang mapapahamak dahil sa akin . NAGKATINGINAN naman sina Gaston at Azra dahil sa nakaka - awang kalagayan ni Yuri .
Paano nito naiisip na kasalanan nito ang lahat gayong biktima rin ito . "Mabuti pa padalhan n'yo na lang nang damit si Yuri , mas mabuti ring makita siya ni Zade paggising niya . Siguradong nag - aalala ' yon , "ani Azra sa dalawang lalaking nakatingin kay Yuri . Napatango naman si Gaston at saka tinawagan si Thelma para utusang ipagdala ang ang anak nito ng damit . "Naipaayos ko na ho ang private room para kay Sir Zade ,"ani Javier na kadarating lang . Pero hindi nakaligtas dito ang masamang tingin ni Clarence . Ilang araw na siyang nabubuwisit sa assistant ni Zade Larzon .
And seeing him now . Make his jaw tighten . "Paano ako magagawang ipagpalit ni Moira sa lalaking tulad nito ? A mere assistant below my status hmmp . "matiim na saad ni Clarence sa isip nito . Hindi nagtagal ay dumating rin si Moira . At basta na lang siyang nilampasan nito . "Girl , okay ka lang ? "tanong ni Moira dito . "Ito ang bihisan mo ."anitong lumapit na kay Yuri . "Paano - " "Tinawagan ako ni Javier dalhan raw kita nang bihisan . "sagot nitong tila nababasa ang iniisip ni Yuri . "Sige na magbihis ka na , anak . "taboy ni Azra dito .
"Mukhang labis siyang nag - aalala kay Zade , "anito pa nang makaalis na si Yuri . "Gaston sa tingin ko tama naman ang pasya natin hindi ba ? I just hope my son will be alright , "naroon ang pag - aalala sa tinig ni Azra . "Ang totoo ho , pupunta siya kay Zade para sabihing hindi siya papayag na magtrabaho sa kompanya nang Delamer's , "sabat ni Moira . "Siguradong nagiguilty siya ngayon . " 65 Blame 2 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.