Chapter 119
May Diing Saad Ko Dito
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 877 words
66 : Paid Off - 1 66 : Paid Off NAGISING akong maliwanag na puting kisame ang nakita ko . Saglit na napaisip ako kung nasaan ako . Subalit pagkalipas ang ilang sandali ay bumalik sa isipan ko ang ginawa ni Atasha , dahilan para atakihin ako ng labis na pag - aalala . Palabas kami ni Javier noon nang mapansin ko ang ingay sa lobby . Napangiti pa ako nang makita ko si Yuri na papasok nang building . Subalit ang ngiting iyon ay napalitan ng takot nang makita ko ang pagsugod ni Atasha kay Yuri . May hawak pa itong patalim . Kaya hindi na ako nagdalawang isip na iligtas si Yuri .
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng balikat ko nang subukan kong bumangon . "Anong ginagawa mo ? "anang tinig na ikinabaling ko sa kaliwa ko . Para makita ko si Yuri na naka - upo sa tabi ng kama ko . Para akong umahon mula sa isang malalim na balon dahil sa presensya nito . And I was able to smile at her . Muli sana akong babangon pero pinigilan ako nito . "Sabi nang doctor huwag puwersahin ang balikat mo ,"paalala nitong inalalayan ako kaya napangiti na naman ako . Mukhang nagbunga naman ng maganda ang nangyari . Dapat pa ata akong magpasalamat kay Atasha . Sa isip ko .
"Nga pala hindi ka ba nasaktan? "tanong ko dito na ikina - iling nito . "Salamat sa'yo . Pero sa sana hindi mo na ginawa . Ikaw tuloy ang muntik nang mapahamak , "seryosong sagot nito . "Ayos lang , kaysa naman ikaw ang masaktan . Dapat maghigpit na ang security personnel ko , para hindi na maulit ang nangyari ,"nasabi ko . "Pumunta ka ba sa office para - para sa pagsimula mo sanang magtrabaho sa kompanya ? " "Hindi ,"seryoso nitong sagot .
"Pumunta ako para sabihin sa'yon hindi ako sang - ayon sa gusto n'yo , but this happened kaya wala akong choice kundi ang gawin ' to , "walang mababakas na emosyon sa mata nito kaya bigla na lang umurong ang dila ko . Parang tinakasan ako nang sayang saglit kong nadama . "Nandito ka pa rin ba para lang sabihin ' yan ? "nanlulumong tanong ko dito . Pard Offi Clam "Tatlong buwan lang Zade . Sabi nang doctor in one or two months makakarecover ka na . Magtatrabaho ako bilang personal assistant mo at ... "kita kong lumunok ito na nagpasikip na naman ang lalamunan ko .
It pains me to see her , na nahihirapan si Yuri na tangapin ulit ako . Napangiwi ako ang wala sa sariling nakuyom ko ang kamao ko . "Pumayag na akong manatili ulit sa bahay mo sa loob ng tatlong buwan . Pero hindi ako puweding laging nasa bahay mo , kailangan ko ring umuwi sa bahay ni Clarence for some reason . "maya - maya turan nito pero nag - iwas ng tingin . "Kasalanan ko ang nangyari kaya - " "This was not your fault Yuri . "May diing saad ko dito . Dama ko ang kirot sa loob ko dahil sa nakikita kong sitwasyon . Kung hindi ako nasaktan dahil iniligtas ko si Yuri .
Hindi siya papayag na bumalik sa bahay . Gusto kong sumbatan si Yuri , pero alam kong wala akong karapatang gawin ' yon . Ako ang dapat sisihin kaya ganito kami ngayon . Kaya nahihirapan ang kalooban ko ngayon . "Three months will be fine , "napipilitang sagot ko dito . "Mukhang wala na naman na akong choice , kaysa tumangi pa ako , "di ko maiwasang makadama nang sama na loob . Hindi sapat ng tatlong buwan para bumawi dito , pero sisikapin kong magagawa ko . I want her back . lyon lang muna sa ngayon .
"WALANG HIYANG Javier na ' yon hinahamon pa ata ako , "lintaya ni Clarence habang kaharap nito si Martin at nag - iinum sa bar . "His a cunning guy . "ani Martin na ikinalingon ni Clarence dito . Para makitang seryoso ang mukha nang kaibigan . "Bakit kuya may ginawa siya sa'yo ? " "Hindi ko sigurado , pero siya lang naman ang nagbigay nang alak sa akin tapos biglang nasira ang tiyan ko . Saka ko kayo nakita ni Zade nang gabing iyon . Ganun siya kaloyal sa amo niya ,"pikang palatak nito .
"Loyal , pero willing niyang traydorin si Javier para lang mabawi si Yuri , "paismid nasagot niya na ikinabitin ng alak na hawak ni Martin sa ere . "What do you mean ? "eager na tanong nito kaya ipinaliwanag ni Clarence dito ang lahat . "Pinuntahan niya rin pala si Dad para lang makasiguro , pero ayaw ko pa rin siya para kay Yuri . Pagkatapos kong malaman ang lahat hindi deserve ni Yuri na masaktan pa . Bakit kasi hindi mo galingan ang panliligaw mo .
" 56 Pack Off 4 Claim 66 : Paid Off - 2 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.