Chapter 126
Pero Ang Weird Nito Ngayon
Zindy Rivera - CrushRead · about 7 min read · 1,604 words
70 : Ihip ng Hangin 70 : Ihip ng Hangin TWO DAYS Later "KANINA KA PA , "inis na baling ko kay Zade . Nasa kuwarto ako para ayusin ang gamit nito . Lunes ngayon kaya may pasok na kami ngayon . Ako naman bilang PA ni Zade . Sabi ni Dad Gaston isipin ko na lang daw na training ko ang pagtatrabaho ko kay Zade . "Tahimik lang ako dito , bakit ba ? "nakangising tanong nito . Habang hawak ang phone at prenting nakasandal sa head board ng kama . Natuwa akong lingo na ako ng gabi tinawagan ni Zade kung anong oras ako babalik . Akala ko nga pababalikin niya ako nang weekends .
Kaya ngayong umaga na ako bumalik para ihanda ang gamit ni Zade . Kahit noong nagsasama pa kami ako ang personal na naghahanda ng gamit nito . Dahil gusto kong matutunan rin akong mahalin ni Zade bilang asawa na hindi naman nangyari . Pero ang weird nito ngayon . Wala na kasi ang masungit nitong aura . At kanina pa ako naiilang dahil panay ang titig nito sa akin . "Matagal ka pa ba ? Maliligo na ako ,"anito pa saka bumangon at napangiwi . Sabay hawak sa balikat nito . "Mag - ingat ka kaya . "sermon ko dito pero nagawa ko pa ring lapitan si Zade . "Nag - iingat ako .
Kahapon kasi nahirapan akong magbihis kaya sumakit ang balikat ko , "paliwanag nitong naupo na sa gilid ng kama . Sinalubong nito ang titig ko kaya napa - atras ako . "Sana kasi nagpatulong ka kay Aling Susan , "asar na sermon ko pa rin dito upang itago ang kabang muli na namang bumangon sa dibdib ko . Mukha naman kasing hindi ito nagbibirong nasaktan ito kaya parang nakonsensya naman ako . "Alam mong hindi ako sanay na umaasa sa iba pagdating sa sarili ko , Yuri . " "Eh bakit umaasa ka sa akin ngayon ? "tuya ko dito para kumalma ang puso ko . "Hindi ka naman iba , asawa kaya kita .
"sagot nitong ikinalunok ko . "Hmmp ! "nasambit ko sa kawalan ng sasabihin . "Bakit kasi nag t - shirt ka pa alam mong hirap kang itaas ang braso mo . " "Ganyan ka ba magalit Yuri ? Ngayon ko lang napansin . Ang lambing pala ng boses mo kahit galit ka . "nakangiting saad nito kaya napatitig ako sa mukha ni Zade . Nakangiwi ito pero bakit parang masaya naman ang mga mata nitong nagkikislapan pa . Claim tup my Hangin "Ang weirdo mo , nagpapangap ka lang atang masakit ang balikat mo eh ,"akusa ko dito . "Masakit nga , "ungot nito .
Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa titig nitong hindi ko alam kung nagpapacute o totoong nasasaktan nga . "Fine , "isang malalim na paghinga ang ginawa ko . No'ng nasa hospital kami hindi naman ako nahihirapang palitan damit . Kung bakit kasi nag t - shirt pa , alam namang mahirap isuot at hubarin ' yon . Marahan akong yumuko upang simulang itaas ang damit nito . Ilang beses ko nang nakikita ang katawan ni Zade . Pero hindi ko pa rin maiwasang pagpawisan . "Ah .. aray dahan dahan naman , "reklamo nito nang naitaas ko na ang damit nito .
Kung puwede lang takpan ko na nga lang ang mukha nito ginawa ko na . "Yuri , ang tagal masakit na ang balikat ko . "reklamo nito . "Sa susunod kasi mag - polo ka na lang para hindi mahirap hubarin , "sermon ko na lang dito subalit napasinghap ako nang hapitin ng isang kamay nito ang baywang ko . "Ano- " "Lumapit ka kasi ,"mando nito sabay kabig sa akin . Muntik na tuloy akong matumba dito mabuti na lang napahawak ako sa balikat nito . "Puwede naman kasing lumapit . "dagdag pa nito ng tuluyang mahubad ko ang damit . "Okay na bitiwan mo na ako .
Naihanda ko na ang tub kaya maligo ka na ,"mabilis naman ako nitong pinakawalan kaya kaagad akong humakbang palayo . Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Zade bago nagpasyang tumayo at magtungo sa banyo . Pero napahinto ito nang nasa may pinto na . "Yuri ... "tawag nito sa akin na ikinagitla ko pa . Sinusubukan ko kasing kalmahin ang puso kong napakabilis ng pintig sa sandaling iyon . "Ano na naman ? "asar kong sagot pero muli na naman itong ngumisi .
"Itong shorts at boxer ko pala paano - " "Eh di maligo kang nakashorts kung hindi mo ' yan mahubad mag - isa , "paangil na sagot ko dito sabay irap . "Baliw ba ako para hubaran ka , "monologue ko saka ako tumalikod . "Kaya mo nang i - sout ang polo mo kaya magbibihis na rin ako . "Nasabi ko bago ako lumabas ng kuwarto . Mabilisan na rin akong kumilos para makapaghanda . Siguro kong pumayag na lang akong magtrabaho sa kanya , hindi ko sana kailangang tumira ulit dito . "Hay Yuri Ann . Tanga ka lang kasi talaga . "Nasabi ko saka ako tumapat sa shower para maligo .
Thiping Hangin Claim Nang matapos ay nagbihis na rin ako nang office attire ko . Pencil cut cream skirt na pinarisan ko nang beige short sleeve blouse at light brown na coat dahil siguradong malamig sa office . Bitbit ko ang LV bag na regalo sa akin ni Clarence last year . Sabi ni Moira limited edition daw ang bag . Ipinasok ko lang doon ang phone ko at wallet . Hindi ko maiwasang mapatitig sa sarili ko sa harap ng salamin . Hindi pa rin ako makapaniwalang isa akong Saavedra . At lahat ng bagay na tinatamasa ni Atasha noon . Walang - wala sa ibinibigay sa akin ni Dad Gaston at ni Clarence .
"Expensive chick , "iyon ang madalas sabihin sa akin ni Moira lately . Kasi naman karamihan sa mga damit kong pang - araw - araw lang , personal na design ni Mrs. Alejeros ang ina ni Martin na may - ari ng Pinks and Gown . Pero tulad nang pangako nito simple lang ang lahat tulad ng gusto ko . Nang makuntento saka ako bumaba . But to my surprise naroon na pala si Zade sa paanan ng hagdan nag - aantay , looking so handsome on his suit na ako mismo ang pumili . He too had expensive brand at kadalasan na damit nito ay mga Milano .
Isa sa dahilan kung bakit pinagalitan ako nito noon , dahil sa malaking gastos ko sa damit . Pero hindi alam ni Zade na damit nito ang binili ko . "Ang ganda n'yo Ma'am , "ani Aling Susan ng makababa na ako . Habang si Zade ay nakatitig lang sa akin na parang natulala na . "Yeah , gorgeous ! "tila wala sa sariling sambit nitong nakatitig sa mukha ko . Nag - iwas na lang ako nang tingin dito . "Sa labas na tayo magbreakfast . "agaw pansin pa nito . "Hindi ka pa ba nag - almusal ? "takang tanong ko na ikina - iling nito .
Nakahanda na ang almusal kanina pero hindi na lang ako nagkomento . Naging tahimik ang biyahe namin . But to my surprise sa basement ng A - hotel kami patungo . "Bakit dito ? "Kunot noong tanong ko . "Breakfast . "Tipid nitong sagot na kusa nang binuksan ang pinto ng kotse sa tabi nito . Bumaba naman si Ivan para ipagbukas pala ako ng pinto . "Enjoy kayo Sir ,"magalang na saad ni Ivan na nakangiti . "Breakfast , tapos dito pa ? Ang mahal kaya dito , "paalala ko kay Zade . Ganun ba , nakapagpareserve na ako sa restaurant . Sayang naman kung hindi tayo tutuloy .
" "Ang dami naman kasing ihinanda ni Aling Susan , hindi ka pa doon kumain . "Thiping Hangin Claim Tumawa ito . "Ang sabi ni Javier kuripot daw ako , pero mukhang ikaw ata ang kuripot my wife . " "Ano !"Pinanlakihan ko ito nang mata . Nagtayuan na naman kasi ang balahibo ko sa batok . Ano bang problema ni Zade ? "Halika na nga , "nagitla pa ako nang hapitin nito ang baywang ko nang papasok kami sa lift . Kaya mabilis ko itong tinulak sabay layo dito . Pumuwesto ako sa sulok nang lift . Kaso sumunod naman ito sa tabi ko .
"Zade ang laki nang elevator , hindi mo kailangang dumikit sa akin ,"sita ko dito . "Hindi ah . Kasalanan mo ' yan , kusa mo akong hinila kaya napapadikit ako sa'yo . Para ka kasing magnet na hinihila ako palapit . "muntik nang umawang ang bibig ko dahil sa hirit ni Zade . "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo Zade Larzon . "nag - iinit ang mukhang saway ko dito . Kulang na lang kasi siksikin ako nito sa sulok nang lift . "Stop complaining ako nga hindi nagrereklamo na dinidikitan mo ako . I'm fine with it . Just relax , wife . "anito sabay kindat pa .
Zindy Rivera Happy holidays sa lahat .. Bukas po 1 update lang tayo until Friday . bawi ako nang Saturday at Sunday .. Maraming salamat po sa walang sawang support .. Enjoy reading . 21 Comments LUCK DRAW > Vote 2.3K admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.