Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 17 of 422 · Anong Gusto Mong Sabihin

Chapter 17

Anong Gusto Mong Sabihin

Zindy Rivera - CrushRead · about 5 min read · 1,173 words

11 : Messed Up - 2 At dala nang pagkaasar ko ay hindi ko hagawang pansinin ang makahulugang tingin ni Javier sa akin . "Kung ganun , palayain mo na ang asawa , sa tingin ko bagay naman sila ni Mister Saavedra . Pansin ko parang may something in common kasi sa kanila . "Palatak nito na ikina - alsa nang galit sa aking dibdib Galit na hindi ko alam kong para saan . "Javier kasal kami ni Yuri , at ayaw ko lang na masira ang pangalan ko at ng pamilya ko dahil sa katangahan ng babaing ' yon . Mas nauunawaan ko na ngayon kung bakit sa loob ng tatlong taon ngayon lang siya naging matigas .

Mukhang nakatagpo na siya nang bagong pagkakaperahan niya , "may diing saad ko . "Kasasabi ko lang sa'yong hindi magastos ang asawa mo ? Bakit siya magiging interesado sa pera nang iba . Nalaman ko malaki ang kinita niya mula sa gallery event na sinalihan niya ." "Ano ? Teka - " "Ah ... noong sinabi mo kasing alamin ko ang bank details ng asawa mo . Inalam ko rin kung maglilipat siya ng pera mula sa account mo . Pero wala naman akong nakitang bank transfer pero may account siya sa parehong bangko kaya nalaman kong may higit sa isang milyon na rin ang asawa mo .

" "Lintek ka bakit ngayon mo lang sinabi ? "Bulyaw niya dito . "Akala ko hindi naman importante kasi sabi mo iyong expenses lang naman ng asawa mo ."Nagkakamot ang batok na paliwanag nito . "Kaya pala ang lakas na nang loob niyang makipaghiwalay ? Akala ba niya sasapat nang pera niya para mabuhay siya ng marangya dahil may isang milyon siya . "Tiim bagang saad ko . "Para sa mga ordinaryong tao , malaking pera na ' yon . Magandang opurtunidad para makapasimula . Baka iyon rin ang gustong gawin ng asawa mo ? " "Bakit pakiramdam ko ang dami mong alam tungkol sa asawa ko ha ?

" "Trabaho ko ' yon . Pero ipinagtataka ko kung bakit tinatawag mo siya ngayong asawa mo ? Madalas ' babaing ' yon ' o kaya Yuri Ann lang . "Nakangising saad nito . "Anong gusto mong sabihin ? " "Wala naman Sir , naisip ko lang na sa pagbabago ng asawa mo mukhang apektado ka . "Mapaklang tawa ang biglang kumawala sa akin sa sinabi ni Javier . "Wala akong paki sa gusto niyang gawin . Fine ! Paalisin ko na siya . I'll prove you na wala akong paki sa babaing iyon . Magsama sila ng Clarence Saavedra na ' yon . "Naisuklay ko pa ang kamay ko sa buhok ko . "MAAM AALIS ba talaga kayo ?

"Nag - aalalang saad ni Aling Susan sa akin . "Baka ho ... "Kaya nga ho huwag n'yo nang sabihin kay Zade . Paki - usap . "Samo ko sa ginang na tumango naman . "Wala ho akong dadalhin kahit ano ? Babalik ako kapag dumating na ang parents ni Zade . Ang sabihin n'yo lang lumabas ako . lyon lang ho . "Pass nine am na . Late kasing umuwi si Zade . Siniguro kong nakalosk ang pinto ng silid ko dahil ayaw kong pumasok pa siya sa kuwarto ko . Malupit si Zade sa akin pagdating sa kama , lalo na kung lasing ito . At iyon ang ipinag - aalala ko .

Siguro hindi talaga tadhanang tuparin ko pa ang ipinangako ko noon sa sarili ko . Na mamahalin ko si Zade kapag nagkita ulit kami . Bilang kabayaran sa pagsagip niya sa buhay ko noon . Hindi pa rin nawawala sa alaala ko ang araw na iyon .... Sukat doon ay mabilis akong napa - iling . Baka dahil rin doon kaya takot akong sumuko noon sa relasyon namin ni Zade . Baka sapat na ang mga pagpapahirap niya sa akin para makabayad ako . At babawiin ko na lang siguro sa anak namin . Sisikapin kong maging mabuting ina sa anak ko . Hindi ko hahayaang maranasan niya ang lahat ng naranasan ko noon .

Wala nang nagawa si Aling Susan nang umalis na ako . Nag - aantay na rin ang taxi na binook ko kanina bago ako bumaba . Late gumigising si Zade kapag lasing ito . Kaya dapat kong samantalahin na makaalis na . Isang oras ang lumipas at nakarating na ako sa Apartment ko . "Ito na ang magiging tahanan natin anak ko ."Hinaplos ko pa ang tiyan ko ng sabihin ko ' yon . Dito tayo magsisimula ulit . Excited akoang nagtungo sa kuwarto . Maayos na ang bed . Si Moira ang nag - ayos ng lahat para sa akin . Samantala . Sapo ang ulo ni Zade ng bumaba ito ng hagdan . "Yuri kape nga !

"tawag niya dito habang naglalakad pababa . "Buwisit na alak ! "reklamo niya nang muling kumirot ang kanyang sintido . "Yuri Ann ... "muling tawag niya sa kanyang asawa . This time mas malakas na ang boses niya . Maaga laging gumigising si Yuri kaya alam niyang nasa kusina na ito . Pero narating na niya ang dining wala siyang narinig na sagot . "Nasaan ... " "Good Morning ho Sir ? "Bati sa akin ni Aling Susan . Mukhang galing ito sa laundry area dahil dala nito ang r laundry basket ? "Si Yuri tulog pa ba ? " "Ah..e ano ho ... "nauutal pang saad nito .

"Talagang wala na siyang planong - "asar na tinalikuran ko si Aling Susan at muli akong umakyat para puntahan si Yuri sa silid nito . "Yuri Ann kape- "kusa akong natigilan ng katahimikan ang sumalubong sa akin ng buksan ko ang pinto . Napatitig ako sa napakaayos na kama na akala mo hindi man lang nagalaw . "Ahh ... sir , maaga hong umalis si Ma'm my pupuntahan daw siya , "anang tinig sa likuran ko . Kaya napalingon ako kay Aling Susan . "Ipapasok ko lang ito sa loob Sir . "paalam nito kaya napilitan na akong umalis sa may pinto .

Th : Meused "Kailan pa siya natutong umalis ng ganito kaaga ? "Usig ko sa kawalan na ikinatigil ni Aling Susan sa paglalakad . "Talagan gusto niya akong subukan ! "lintaya ko saka ako mabilis nang tumalikod at bumalik sa kuwarto ko . Para tawagan si Yuri . Pero nakailang dail pa ako hindi ko na makontact ang phone nito . At sa kung anong dahilan may isiping pilit umuukilkil sa akin . Bagay na nagpapa alsa ng galit sa dibdib ko . 縣 Zindy Rivera Kape daw Yuri , magtago ka na girl ... Galit na naman ang asawa mo . #VOTE sa my mga moonticket po palambing salamat .

T admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.