Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 28 of 422 · Presenta Nitong Ikinagulat Namin Ni Moira

Chapter 28

Presenta Nitong Ikinagulat Namin Ni Moira

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 894 words

17 : Some Secrets - 1 17 : Some Secrets "BAKIT MO naman kasi sinabi ' yon ? "saway ko kay Clarence rig sa wakas ay umalis na si Zade at Atasha patungo sa ikalawang palapag ng restaurant . Kung hindi pa ito sinaway ni Javier mukhang gusto pang makipag - away kay Clarence . Hindi ko maunawaan kung bakit - nag - iiba rin ang ugali ni Zade . Hindi naman ito dating ganun . At may parte sa utak kong pilit umaasa . Pero alam kong mali ' yon kaya inignora ko na lang . Ayaw kong masaktan na naman sa huli . "Anc ka ba ? Maganda na nga 'yon .

Para kung sakaling malaman man niya at wala ka talagang planong sabihin sa asawa mo . Puwede mong palabasing anak ko ' yan . "Presenta nitong ikinagulat namin ni Moira . Muntik pa nga itong masamid dahil umiinum ito ng ice tea . "Baliw ka ba , eh di lalong nagwala ' yon , kita mo ngang umuusok na ang ilong sa selos . "Napapaubong sambit ni Moira kaya ako naman ang nagulat sa sinabi nito . Si Zade nagseselos ? Kanino ? Pero hindi na lang ako nagkomento , alam kong affected lang si Moira dahil sa gusto nito si Clarence . "Halata naman , pero mukhang hindi niya alam na nagseselos siya .

Kaya parang ang sarap lalong asarin eh . Alam mo dapat buwisitin pa natin iyang asawa mo Yuri . " "Ano bang sinasabi n'yo ? Hindi ako gusto ni Zade . Kita mo nga kahit ang sama nang ugali ni Atasha hindi niya makita ' yon dahil si Atasha ang babaing mahal niya . Kaya imposible at - " "Isa pa din ' to eh . Sarap batukan . Dapat sa n'yo ni Zade pag - untugin ng pareho kayong matauhan ,"Inis na hinila ni Moira ang ilang hibla nang buhok ko . "Nagseselos man siya o hindi . Hindi pa ring tamang mas pinipili niya ang ibang babae kaysa sa asawa niya , "asar na saad ni Clarence .

"Nga pala mukhang hindi makakapunta si Yuri sa party , paano yan ? "Pag - iiba ni Moira ng paksa . "Siya ang nasa invitation paanong hindi ? "Kunot noong tanong nito saka ako binalingan "Malamang may malanding kapatid itong si Yuri na feeling entitled . Anong gagawin natin ? " "Makakapunta ka . May bodyguard ka naman , ako nang bahala . "Kompiyansang saad ni Clarence . Kahit ako napapahanga talaga ni Clarence . Magka - edad lang kami pero pakiramdam ko sobrang mature nitong mag - isip at magpasya . "Ang suwerte ko siguro kong may kapatid akong tulad mo Clarence .

"Di ko napigilang sabihin dito . "Ano bang sinasabi mo , diba nga pamilya mo na ako . At ang pamilya nagtutulungan sa abot ng kanilang makakaya , "seryosong saad nito saka hinaplos pa ang buhok ko na para akong bata . Pakiramdam ko tuloy ang init nang puso ko . Ganitong pamilya ang gusto kong magkaroon ako . Iyong mararamdaman kong ligtas ako "Kung magkapatid kayo , sinong mas matanda sa n'yo ? " "Mas malaki ako kay Yuri kaya dapat ako diba . March 22 ang birthday ko ." "Talaga ? "Gulat kong baling kay Clarence . "March 22 rin ako . " "Oh ! Si Moira . "Ano kayo twins ?

Pero okay lang mas bet kong magkapatid nga kayo . "MONTEFALCO MANSION "GENER SIGURADO ka ba ? "Kabadong tanong ni Natasha sa esposo nito matapos sabihin ni Gener ang tungkol sa imbitasyon ni Gaston Saavedra na ikinatango naman nito . "Kung ganun hindi dapat pumunta ang batang iyon sa party . "hininaan pa nito ang tinig dala nang pag - aalang may makarinig sa sasabihin niya . "Kausapin mo si Zade , hindi dapat maisama si Yuri sa kaarawan ni Gaston . Kundi baka mapahamak tayo "Halos pabulong ring sagot nito . "Pero kung wala naman siyang alam , bakit tayo mapapahamak .

Hindi natin kasalanan ang nangyari ."giit ni Gener . "Kung bakit naman kasi- " "Huwag mo na nga akong sisihin , ano bang malay ko na ang lalaking iyon ang - " "Ang ano Mom ? "Kapwa nanlaki pa ang mga mata ng mag - asawa nang marinig ang ni Atasha na mukhang good mood dahil sa malapad na ngiti nito . "Wala anak . Iyong main investor kasi ng company ng Daddy mo eh , nag - invite . At VIP tayo kaso nga kami lang nang daddy mo ang puwede baka magtampo ka ,"mabilis na palusot ni Natasha sa anak . "Mom , don't worry makakasama ako dahil ako ang date ni Zade !

"Excited na deklara nitong inangat pa ang dalang paper bag . "Zade even bought me new dress for the soiree ,"may pagmamalaking saad nito . "Oh really ! "Napahawak pa si Natasha sa dibdib nito na tila narelieve sa narinig . "Akala ko magtatampo ka kapag nalaman mo . Teka ibig sabihin hindi isasama ni Zade ang kapatid mo ? "Paniniguro nito . Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.