Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 30 of 422 · Alas Dos Na Hang Madaling Araw

Chapter 30

Alas Dos Na Hang Madaling Araw

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 858 words

Panaginip - T 18 : Panaginip PIKON NA PIKON na ako kay Yuri , pero wala akong nagawa kundi ang sundan na lang ito ng tingin nang talikuran ako nito . Kailangan kong magpigil dahil nag - aalala akong baka lumayas na naman si Yuri . Ayaw ko lang namang madisappoint sa akin ang mga magulang ko kapag nalaman ng mga ito na umalis si Yuri dahil kay Atasha . Kaya siguro gusto kong manatili pa si Yuri sa bahay ko . Until we settle things . lyon lang naman ang dahilan kaya ako nagagalit at hindi mapakali ngayon . Ilang ulit nang pabalik - balik sa utak ko ang mga sinabi ni Yuri kanina .

"Ginawa pa niya akong aso . "Inis na napaupo ako sa kama ko . Para lang mairita lalo ng mapatingin ako sa wall clock ko . Alas dos na hang madaling araw . "Lintek ! "Marahas kong naisuklay ang kamay ko sa buhok ko . "Hindi ka maapektuhan kong walang kang feeling sa asawa mo , Sir . Yang galit mo senyales ng mga selosong lalaki . "Lalong nag - init ang ulo ko nang mula kong saan ay dinig ko ang sinabi sa akin ni Javier kanina . Habang panay ang follow up ko kay Dan ang isa sa mga bodyguard ng asawa ko . "Mukha ba akong seloso . Sira ulo ! Pasalamat ka hindi pa kita sinisisante .

"Natampal ko na lang ang noo ko saka ako bumangon . Sa tingin ko kailangan ko nang kape . Nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko para makapagkape . Pero sa kung anong dahilan natagpuan ko ang sarili ko patungo sa silid ni Yuri . "Huwag mong sabihing naglilihi ka Yuri ? "Parang bell sa utak ko ang sinabing iyon ni Atasha . Matagal na rin ng huling may mangyari sa amin ni Yuri . Sukat doon ay napa - iling ako . She's taking her pills alam ko . Dahil iyon ang utos ko sa kanya . Wala akong planong magkaroon kami ng komplikasyon kapag naghiwalay kami ni Yuri .

Alam ko naman sa sarili kong hindi ako ganun kasamang tao . It's just that I don't love Yuri . "Nasabi ko . Pero natagpuan ko ang sarili kong pinipihit ang door knob ng pinto ng silid . Kahit alam ko namang laging r nakalock ang pinto ng kuwarto ni Yuri . Kaya ganun na lang ang gulat ko ng bumukas ang pinto ng silid nito . Ang pag - ingit ng pinto nang silid ay tila ba musika sa pandinig ko . Marahas akong napa - iling . "Baliw ka na ba Zade Larzon ! "sermon ko sa sarili ko . Pero nagawa kong pasadahan ng tingin ang madilim na silid .

Tanging ang liwanag mula balcon ang nagsisilbing liwanag sa kuwarto ni Yuri . Pero sapat upang makita ko ang bulto ng katawang nasa paanan na ang kumot . Marahas akong napalunok nang mapatitig ako sa nakahantad na hita ni Yuri na tila ba nagliliwanag sa paningin ko . "Lintek ! "asik ko sa sarili ko . Hinamig ko ang katinuan ko upang muling isara ang pinto at iwan na lang ito doon . "Huwag .... tama na po ... di ... "natigilan ako sa tinig na iyon ni Yuri na tila umiiyak . "Di na ako uulit Mama , tama na , di na po sorry na ... "sumisinck pa ito na tila ba kanina pa umiiyak .

Natagpuan ko ang sarili kong napalapit dito . "Hindi na po , tama na masakit na po ... maawa ka mama sorry sorry na po ... "palahaw nito sa impit na tinig habang tila batang pilit inihaharang ang kamay sa mukha nito . "Maawa ka na po Mama ... tama na ! Malakas nitong sigaw na biglang napabalikwas ng bangon . At sa hinihingal na paghinga ay nagawa nitong umiyak . "Tama na ! "Malakas na sambit nito sabay takip ng tainga nito "Yuri ! "Tarantang nilapitan ko ito saka ko hinawakan ang braso nito kaya muli itong itong napasigaw dala nang labis na gulat .

Sabay layo sa akin at hinila ang kumot at nagtalukbong habang umiiyak . "Yuri it's me , nananaginip ka lang . "Nagawa kong sabihin sa kabila nang labis kong pagtataka . Tila noon lang ito natauhan dahil tumigil ito sa pag - iyak . Mairigat kong hinila ang kumot nito . Saka ko binuksan ang lampshade sa tabi ng kama . Kaya kitang kita ko ang mukha ni Yuri na basang basa ng pawis at luha . Humarang din sa mukha nito ang ilang hibla nang buhok nitong nabasa nang luha at pawis nito . May kung anong habag ang umataki sa akin dahil doon . "A - anong ginagawa mo dito ?

"Nauutal pang saad nito sabay pahid ng luha sa mukha nito . Comments LUCK / DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.