Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 47 of 422 · Tumaas Kasi Ang Boses Nito

Chapter 47

Tumaas Kasi Ang Boses Nito

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 874 words

26 : Pamilyar - 2 Maya maya pa ay lumapit Dalawang chicks ang aran sa table namin si Martin . "Ang lupit mo naman , Clarence Dalawang chicks ang date mo . Ipaubaya mo na kaya sa akin si Yuri . " "No way , I told you she's not someone you can play with Kuya . She's my family ,"seryosong saad ni Clarence . May playboy image daw kasi si Martin ayon na rin kay Moira . "Alright , but seriously . I like Yuri . I fell for her the first time I saw her . "seryosong saad ni Martin na ikinagulat naming lahat at ikina - init ng mukha ko .

Ang daming first time na ang ipinararamdam sa akin ni Martin . He was the first man who tells me I'm gorgeous . And now his indirectly telling me that he fell for me . Kaya naman hindi na ako nagulat ng sikuhin ako ni Moira na ito ata ang kinikilig . "Fine , but you need to prove yourself worthy of her . I can't let her get hurt anymore . It's my warning , seryosong saad ni Clarence dito. " "Kung hindi kita kilala , iisipin kong magkapatid kayo masyado kang overprotective . " "Talaga ? Mas bagay silang magkapatid? "sabat ni Moira na malapad ang ngisi . "Yeah ...

kasi mas bagay kami ni Yuri , "hirit ni Martin na ikinaawang ng bibig ni Moira . "Akala ko seryoso , hay kainis ka . " "Anong oras ba lalabas ang dad mo ? "pag - iiba ni Martin ng paksa dahil walang natawa sa joke nito . Paano ako matatawa kung pakiramdam ko malapit na akong lumubog sa kinatatayuan ko dahil dama ko ang mga matang matalim ang titig sa akin . P "His supposed to be out now ,"sagot ni Clarence na patingin sa relong suot nito . "Girl palapit ang asawa mo ,"senyas sa akin ni Moira .

At bago pa ako makahuma ay ramdam ko ang pagtabig ng kung sino sa kamay ni Clarence na nakaalalay sa may likuran ko . Hinila kasi ako nito dahil panay ang dikit ni Martin sa akin . "Kailangan ba talagang hawakan mo ang asawa ko ha ? "matiim ang tinig na saad ni Zade kaya napalingon kami dito . "Oo nga pare , masyadong protective itong si Clarence ,"hirit naman ni Martin pero nakangisi . "Nagseselos tuloy ako . " "Bakit boyfriend ka ba nang asawa ko ? "singhal ni Zade kay Martin na nagulat pa . Tumaas kasi ang boses nito . "Bakit nandito ka Mr. Dela Merced , this my visitors table ?

And please don't raise your voice , "saway ni Clarence dito . "mukhang mali ata ang mga sinasabi ng ilan tungkol sa'yo . Sabi nila kalmado at 00 15 OONN THE O Pamilyar pasensyoso ka raw . Pero mukhang mali ang pagkakakilala nila sa'yo . "Masamang tingin ang ibinigay ni Zade dito bago ako , binalingan . "Nag - eenjoy ka bang pinag - aagawan ka nang mga lalaki dito ? "pikang usig nito na ikinainit ng mukha ko . +25 Points "Watch your manner , Dela Merced . "Kita kong nagdilim nang tinging ibinigay ni Clarence kay Zade kaya napahawak ako dito .

"Puwede bang si Atasha na lang ang intindihin mo Zade , "paki - usap ko dito , kinabahan / pa ako dahil may mga taong malapit sa amin ang napatingin na rin . "Pare , sa tingin ko hindi tamang magalit ka sa asawa mo ngayon kung may ibang lalaking nagbibigay ng atensyon sa kanya . Ikaw dapat ang gumagawa noon pero ibang babae ang nasa tabi mo , "sabat ni Martin na nakangiti pero kita kong tinamaan si Zade sa sinabi nito dahil kumislot ang balikat nito . "I agree more , "hirit ni Moira . "Sa CR lang kami gentlemen , "paalam nito sabay hila sa kamay ko . Kaagad naman akong sumunod dito .

Ngunit nang palapit na kami sa banyo , bigla na lang humarang sa amin si Atasha at matalim ang tinging ibinigay sa akin . "Alam mo sinasadya mong maging papansin sa mga lalaking nandito ano ? "Namumula ang mukhang usig nito . "Will you stay away from Zade ! "bulyaw nito na ikinatigil nang tatlong may edad na ginang na palapit rin sa banyo . Hula ko mga asawa rin ito ng politiko . At hindi ko na kailangang hulaan na gusto akong ipahiya ni Atasha . She looks smug and confident .

"Sinasabi mo bang layuan ko ang asawa ko ?"Walang gatol kong saad na ikinawala nang kulay nang mukha ni Atasha , muntik pa itong mapanganga . Hindi ata inaasahang sasagutin ko ito . "Wait dear , akala ko siya ang asawa ? "sabat ng ginang na may malalaking pearls sa leeg . "You told us earlier right ? "nanunuri ang matang binalingan nito si Atasha . Comments 0 LUCK DRAW > Vote 2.2K O admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.