Chapter 58
At Bakit Isang Taon Lang
Zindy Rivera - CrushRead · about 6 min read · 1,406 words
31 : May Sanib - 2 +25 Points "Ah ... basta nalaman ko lang sa common friends , pero huwag kayong maingay ha , "eh "Grabe pala si Sir ? Kung ako ang asawa baka matagal ko na siyang nilayasan . Kahit napakayaman at napakaguwapo pa niya hindi pa rin tamang may babae siya kahit kasal na siya . Mali pa rin iyon . Kaluka ! Di ko na nga siya crush . "reklamo ni Emily . " ' Wag n'yong ipagkakalat ' yan ha ! Sekreto yan ,"kunway saway niya dito . Sa daldal ang tatlong babae , malamang hindi matatapos ang araw na parang apoy na kumakalat ang balita . Pasimple siyang ngumisi doon .
Anong masama totoo naman eh . Sabay sabay na silang sumakay ng lift at sinensyasan pa niya ang tatlong babae na tumahimik . "Mga bakla , may chika kami ! "natitilihang nilapitan ni Lotie ang mga katrabaho nitong abala . At nagsimulang magkuwento . Everyone was shock , nang ikuwento ni Lotie ang tungkol sa CEO ng Delamer , na pinatunayan naman nang dalawang kasama nito . Kaya ilang sandali pa panay na ang tunog ng notification ng mga gc ng bawat department . BUONG ARAW akong bala sa phone ko . Para magcheck ng updates ng mga detective . Pero lahat sila walang maibigay na balita sa akin .
"Punyeta ! Anong klasing trabaho ba ang pinaggagawa nila , "pikang saad niya saka tumayo para puntahan si Javier sa opisina nito . Nagulat pa ito habang abala sa pagsosort ng mga papel sa table nito . Pero napakunot noo ako nang makalapit na ako sa table nito . "May OCD ka ba ? ( Obsessive - Compul sive Disorder ) "kaagad kong puna kay Javier . His office more organized than mine . Dahil madalas ang mga inaayos nito sa table ko ay ginugulo ko dahil hindi ako mapakali kapag sobrang naka - align ang lahat . "Nagulat naman ako sa'yo Sir , nakasanayan ko lang . I like it that way .
Huwag mo na nga akong idamay sa paranoia mo . " "Sira ka talaga , kanina tinawag mo na akong baliw tapos ngayon may paranoia pa ako ? "Iritadong saad ko dito . "Oo malapit na nga akong magreport sa mental . " "Buwisit ! "sa inis ko ay ikinalat ko ang papel sa mesa nito . "Javier relax ! "sabi nitong pumikit pa at huminga ng malalim . "Kailangan mo nang trabaho . " "Kailangan mo pala ng trabaho pero kanina ka pa nakakapikon ? " # 00 DO 15 O 31 May Sanıb - 2 "Ano ba kasing gusto mo , Sir ? Gutom ka na ba magsnack ka kaya . " +25 Point "Ayaw ko ! Gusto kong ....
"kusa kong ibinitin ang sasabihin ko . saka inis na naihilamos ang palad sa mukha ko . "baliw na nga ba ako ? "wala sa sariling sambit ko . Lingid sa kaalaman niya nakangisi naman si Javier . "Umamin rin siya . "sa isip isip nito saka sinumulang pulutin ang nagkalat na papel . "Siya nga pala , kumusta iyong pinapagawa ko , "maya maya tanong ko kay Javier . Natagpuan ko ang sarili kong tinutulungan itong pulutin ang ikinalat kong papel . Kita kong saglit itong nag - isip "Kung tungkol sa paghahanap sa asawa mo , wala pa rin akong update .
Kung sa imbestigasyon sa pamilya ni Yuri , hinahanap ko ang dating katulong na nagpalaki kay Yuri . Puro bago kasi ang mga maids nila . Walang nagtatagal sa mga iyon ,"paliwanag nito . "Ha ? Bakit ? " "Ang sabi nang isang maid , isang taon lang ang kontrata nila sa mga Montefalco . Pero kapag may lumabag sa nakasaad sa kontrata tangal kaagad , "paliwanag nito . "Kontrata ? " "Yes sir , iyong kasunduan , "muli na naman akong na - asar kay Javier akala ba niya hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng contract . Buwisit talaga ! "What the hell , alam ko kung ano ang contrata !
Ibig kong sabihin bakit may kontrata pa ? At bakit isang taon lang ? "sunod - sunod na tanong ko dito na ikinangiwi nito . "Sir , kung alam ko di sana hindi na tayo nag - iimbestiga diba , "pilosopong sagot nito . Aktong ibabato ko ulit dito ang papel na pinulot ko nang magsalita ito . "Ang pinakaimportante daw na nakasaad sa kontrata , bawal silang magsalita ng kahit anong makikita o maririnig sa loob . " "Ano namang kakaiba doon unless may itinatago sila , "nasabi ko . "Iyon nga ' yon pero , ang tanong anong itinatago nilang bawal pag - usapan ng mga katulog .
At bakit kailangan papalit - palit sila nang maids ? Mas mabuti kung nagtatagal ang katulong dahil alam mong mapagkakatiwalaan mo diba ? Pero iba ang mindset ng mga Montefalco ."Naglakad ito patungo sa neat and organized nitong table na ikina - init nga mata ko . "See this , "anitong inilapag ang isang larawan sa mesa . "Yan iyong maid nila na umabot ng sampung taon sa mansion ng Montefalco . Mga sampung taong gulang pa lang ang asawa mo nu'n ng pinaalis daw ang babae . " "Anong kinalaman niya dito ? " "Ang sabi noong katulong ng kapitbahay ng mga Montefalco .
Pinalayas raw iyong katulong dahil 00 15 O OIN O May Sanib - 2 dinala niya iyong batang babae sa hospital na puro latay ang katawan . " +25 Points "Ano ? May iba pa bang anak ang mga Montefalco ? Sino ? "Kunot noong tanong kong habang nakatingin sa babaing nasa larawan . Sa hula ko na late thirties na ang babae . "Ang sabi isang batang babae lang daw ang walang nakakakilala kay Yuri sa lugar o sa batang gustong itakas ng katulong at dinala sa hospital . "madalas makita na kasama nang mag - asawa . Kaya "Si Atasha ? "Nasabi ko . "Ha ?
" "I mean baka si Atasha ang batang gustong itakas ng maid , dahil sa sobrang galit daw nang Mommy nila noon dahil sa maling sumbong ni Yuri tungkol sa paglabas nila nang campus . Madalas daw pagalitan si Atasha noon at napapalo pa kapag nagsusubong si Yuri sa mama nila . "Kaya sa takot niya minsan napunta siya sa simbahan , para magtago . lyon iyong unang beses kaming nagkita ni Atasha ,"pagkukuwento ko kay Javier . "Kawawa siya noon at gutom na gutom habang basang basa ng ulan .
Nagpabalik - balik rin ako sa Norton Village noon ng isang taon bago ako pinadala ng parents ko sa America para sa pagpapagamot ng mata ko . It was only five years ago nang magkita ulit kami ng batang ' yon , nang maisip kong maglibot sa Norton Village . " "Kaya ba gusto mong pakasalan si Atasha noon pa man ? " "Oo naman , naawa ako sa kanya . Muntik na siyang mapahamak dahil sa sarili niyang kapatid . Minsan nga noon may kalmot rin siya dahil daw kay Yuri . " "Pero mukha bang kayang mang - api ng asawa mo ? Parang baliktad pa nga eh , "di makapaniwalang saad nito .
"Ano ka ba , nakita ko na kung gaano katapang si Yuri , at wala siyang pagpapahalaga sa pamilya niya . Kaya alam kong si Atasha ang batang binigayan ko ng burger noon . Malabo lang ang mata ko noon pero hindi naman ako bingi no , "pag - amin ko . I had a rare eye condition back then . Hindi ko makilala nang malinaw ang mukha ng tao sa madilim or dim light . Pero ang hindi ko naisip , ay kunan ng larawan si Atasha noon , kaya nahirapan rin talaga akong hanapin ang batang hindi na nawala sa isipan ko . Kasi ang naisip ko lang noon , kailangan niya nang tulong .
Zindy Rivera Hello everyone maraming salamat po sa n'yong suporta . Please keep on supporting my story . # 0000 15 22 O Ang Plano - 1 32 : Ang Plano - 1 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.