Chapter 68
Nagtatangis Ang Bagang Tanong Ko Dito
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 883 words
! am Stupid - 2 36 : 1 am Stupid - 2 +25 Points "Pero hindi na ako nakabalik dahil pinagbintangan nila akong nagnakaw ng mga alahas at pera . At para iurong ang demanda sa akin . Kailangan kong manahimik at iwan ang bata . Tuluyan itong napahagulgol . Habang ako tahimik na kuyom ang kamao ko . "Puro latay ang katawan niya kapag nagsusumbong ang anak nilang bruha nang kung anu - ano . Kahit pagkain tipid na tipid ang para kay Ma'am Yuri . Hindi rin siya puweding sumasabay sa pamilya na kumain maliban kung may mga bisita . Sa basement lang siya at- pasensya na .
"saad nitong pinahid ang luha sa mata . "Hanggang ngayon inuusig pa rin ako nang konsensya kapag naiisip kong kinailangan kong umalis at iwan siya sa pamilya niya . " "Ganun sila kasama sa asawa ko ? "Nagtatangis ang bagang tanong ko dito . "Oo , sir . Sa basement lang madalas mamalagi si Ma'am Yuri kapag tapos na niya ang trabaho niya . Nag - aaral siya sa madilim na kuwarto gamit lang ang flashlight ng lighter dahil pinapatay nila ang ilaw sa basement kapag alas otso na . Ganun ka mesirable ang buhay niya noon - teka kumusta na siya ?
Mula nang makasuhan ako hindi na ako nakahanap ng matinong trabaho kaya kahit gusto ko siyang balikan hindi ko na magawa . Maayos ho ba siya ? Puwede ko ba siyang makita ? Ang tagal ko ring laging naalala ang batang iyon pero wala akong kakayahan para tulungan siya . " "Maayos ho si Yuri , pero hinahanap ko rin siya dahil nagkaroon kami nang hindi pagkaka - unawaan . Ipapaalam ko sa n'yo kapag nakita ko na siya . At maraming salamat ho sa oras , "dama ko ang nag - iinit kong mukha sa sandaling iyon .
Kahit ikinukuwento lang ni Aling Elisa ang nangyari nakikinita ko na ang paghihirap ni Yuri . Dahil nakita ko na rin ang hitsura ng basement na tinitirihan nito .. "Sandali , nasabi n'yong sinabi noong Ate Gina na ' yon na hindi anak ng mga Montefalco si Yuri ? Sinong magulang niya ? " "Pasensya na sir , pero kung may nakaka - alam si Ate Gina ' yon . Siya kasi ang nag - aalaga noon kay Ma'am Yuri noong sanggol pa siya . Mga ilang buwan pa lang siya noong ipasok ako ni Ate Gina para maging tagaluto .
Basta ang tanda ko noon , nagtalo sila ng bruha , ang narinig ko lang ' hindi daw iyon ang nakasaad sa kasunduan dapat daw alagaan at protektahan ang totoong may - ari ' . Pero kinabukasan hindi ko na nakita si Ate Gina . Ang sabi ni Sir Gener , umuwi na raw ng probinsya . Kaya ako na ang naging tagapag - alaga ng bata sa at quarter ko rin pinapatulog noon si Ma'm Yuri . "Nakaalis na kami sa bahay ni Aling Elisa pero para pa rin akong sinasaksak sa katotohanang nalaman ko . "Javier , paano nila ako nagawang pa - ikutin . Bakit hindi ko nakita ang totoo ? Bakit ?
"Nag - iinit ang sulok ng matang sambit ko dito . "Anong pinagkaiba ko sa mga taong nagpahirap sa kanya . Putang ina ! Anung klase nang tao ang gagawa nang mga ganun sa isang batang walang muwang ? 1/2 00 15 OON 36 Fam Stupid - 2 +25 Pomté "Dapat pala hindi ko na siya pina - uwi . Dapat pala sinamahan ko siya noon . Baka hindi siya nasaktan , baka hindi napaalis si Aling Elisa . Baka sakaling hindi naging ganun kahirap ang lahat para kay Yuri , dahil may kakampi siya kahit nasasaktan siya . Ang tanga ko . Kasalanan ko iyon . "Dama ko ang pagtulo nang luha sa mata ko .
"Sir , bata ka pa rin noon ? Hindi mo kasalanan . Kasalanan ng pamilyang iyon dahil masasama sila . " "Pagbabayaran nilang niluko nila ako . At sinaktan nila ang asawa ko . At magbabayad rin ako sa lahat ng ginawa ko sa asawa ko . "kuyom ang kamong sambit niya . Nakikita ni Javier ang matinding galit sa mata ng amo . Ilang taon na siyang nagtatrabaho bilang assistant nito . Kaya alam niya kung ano ang higit na inaayawan ng isang Zade Larzon Dela Merced Ang magamit at maluko ng kahit na sino . At lahat iyon ginawa ng mga Montefalco . "Hindi nila ko puweding gamitin ng ganun - ganun lang .
"Nagtatangis ang bagang na saad nito . Zindy Rivera Naihabol . Salamat sa nag - aabang . Nagising na sa katotohanan si Zade ... at mukhang may may maniningil ng mahal .. Paano kaya makakabayad si Zade kay Yuri ? Too late na ba o may pag - asa pa ? Good night mga ka reader , pa #VOTE sa mga naka dreame app salamat ng sagad . 17 37 Comments LUCK DRAW > Vote 2.2K 015 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.