Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 72 of 422 · Walang Annulment Na Magaganap

Chapter 72

Walang Annulment Na Magaganap

Zindy Rivera - CrushRead · about 6 min read · 1,374 words

38 : If I Find Her ? -2 "Ang totoo hindi ko pa ho alam ? Pero napapanaginipan ko ang lugar na ito noon pa mang bata pa ako . Kapag malungkot ako , naka - upo ako sa swing sa ilalim ng malaking puno at pinapanood ko ang pagsayaw ng mga bulaklak sa malawak na parang na iyan . Kung mahahanap ko ang lugar na ito . Dito na ako titira , baka doon ang lugar para sa akin . " "Ang painting , " "Ano ? "nagsalubong ang kilay ni Javier dahil sa sinabi ko . "Iyong painting ni Yuri , iyong mga- "nagmadali akong kunin ang phone ko para ipakita kay Javier Nakita ko na ang painting ni Yuri .

At nagandahan naman ako kaya kinuhan ko iyon ng larawany "Dito ! Hanapin mo ang lugar na ' to , Javier . Magbibigay ako nang malaking bunos kapag nahanap mo ' yan ."Literal na napanga - nga si Javier . Gusto nitong sabihing parang sintu - sinto na ata ang amo nito . "Sir painting lang ' yan , imposible - " "Hanapin mo muna bago ka magreklamo . At kahit saan pa yan hanapin mo . "Determinadong saad ko na ikinakamot nito . "Malala na ang tama mo Sir , magkano ba ang bunos nito ?

Kahit limang milyon pa ata walang tangang maghahanap ng lugar na nasa painting , unless may address man lang diba . Saan ba ito nakita ni Ma'am Yuri ? " "Sa panaginip niya ! "Walang prenong sagot ko na ikinamura nang malakas ni Javier . "Gago ka minumura mo ba ako ? " "Pasensya na , pero ... dapat ko na bang tawagan ang parents mo at pauwiin sila ? Malala na ang tama mo Sir , "umiiling ito . "Alam mo bang mukha kang desperado sa ginagawa mo ? " "Ganun na , pero paano kung totoo ang lugar na ' to ? Paano kong nandiyan nga si Yuri ? "Nanlulumong saad ko dito .

"Sa dami ng connection mo , imposibling makapagtago ang asawa mo . Unless protektado siya ng mga Saavedra . Sila lang ang posibling makapagtago sa asawa mo . Kaya malabo ' yang painting na ' yan . Alam mong never akong nagkamali ng hula sir . "Nasa seryoso kaming pag - uusap ng magring ang intercom sa table ko . Kapag kasi hindi nasagot ni Javier ang tawag mula sa labas didiretso na sa line ko ang call . "Sir , may mga abogado ho dito mula raw sa Saaverdra , "imporma nang security . "Let them in . "Utos ko . Investor ng Delamers ang mga Saavedra dahil na rin sa mga magulang ko .

00 OO 15 If ! Find Her ? -2 "Bakit sila nagpunta ? " +25 Points "Malay ko ? "baliwalang saad ko kay Javier . Ilang minuto ang lumipas at kaharap ko na ang dalawang abogafo ng Saavedra . "Para saan ba ito ? "usisa ko nang ilapag nito ang documento sa harapan ko . "Kailangan n'yo hong pumirma sa annulment n'yo ng asawa mo , order ito mula kay Sir Clarence kapag hindi kayo pumirma , magpupull out ng investment ng Saavedra ,"kumpiyansang / saad ng abogadong hindi ko na inalam ang pangalan . "Pinagbabantaan mo ba ako Atty ? "Di ko mapigilang umalsa ang boses ko .

"Naku , sir hindi ho , "depensa nito . "Sumusunod lang ako sa utos . Iyon ho kasi ang utos ni Sir Clarence . " "Talaga bang hinahamon ako ng Clarence Saavedra na ' yan . Sabihin mo sa amo mo , i - pull out na niya ang investment niya kung gusto niya . Walang annulment na magaganap ! "Deklara ko na ikinabigla ni Javier at ng dalawang abogado . "Pero sir , " "Hindi mo ba ako narinig . Take all your investment I don't fvcking care , I'm taking my wife back ! Kung tapos na kayo magsi - alis na kayo puwede , "iritadong taboy ko sa mga ito .

Wala namang nagawa ang dalawang abogado kundi ang umalis . "Schedule mo ako ng meeting sa matandang Saavedra . Gusto talaga akong buwisitin ng Clarence na ' yon ."NAPATINGIN AKO sa labas ng marinig ko ang parating na helicopter . "May bisita pa po ba tayo Manang Tess ? "tanong ko sa matandang katiwala nang bakasyunan . "Wala namang abiso Ma'am . Kaalis lang nila Sir Martin kahapon eh . " "Pero ayos lang iyon Manang Tess , madalas tayong may panauhin mula nang dumating si Ma'am Yuri diba , hindi na nakakabagot . Nananaba lang tayo dito eh . "saad ni Ate Rita .

"Ikaw lang ang tabain , kita mo nga't sexy pa rin ako kaya baliw pa rin ang kuya mo sa alindog ko , "nakatawang saad ni Manang Tess . Asawa kasi nito si Mang Lito na siyang driver namin . Magkakasunod na kaming lumabas para salubungin ang bagong dating . Sa malawak na parang lumapag ang helicopter . Kaya nagulo na naman ang mga bulaklak na daisy dahil sa malakas na hangin . "Oh .. si Sir Gaston pala , Manang Tess . " "Ay siya nga , aba'y ilang taon nang hindi napunta ' yan dito , "sambit ni Manang Tess . Ako naman ay 0015 O 38 If Find Her ?

-2 +25 Points naguguluhan kong bakit naroon ang ama ni Clarence . Kinabahan pa ako dahil baka magalit itong pinatira ako ni Clarence sa bakasyunan ng pamilya nito . "Tingnan mo silang mag - ama parang magkapatid lang , napakakisig pa rin kasi ni Senador eh , "puno ni Ate Rita . "Ang swerte , ni Ma'am Daisy sa kanya eh . "Saglit akong natigilan ng makita ko si Senador Gaston , seryoso ang mukha nito . Habang si Clarence ay kababakasan ng masayang ngiti . Malaki ang pagkakahawig nila pero palangiti si Clarence ayon sa pagkakakilala ko dito .

"Kumusta na hija , "bati sa akin ni Senador Gaston na sinulyapan pa ang tiyan ko . Halata na kasi ' yon . May kung anong emosyon akong nakita sa mga mata nito . "Lalo kang gumaganda ah ? "Bati sa akin ni Clarence na nakangiting lumapit sa akin . "Kumusta ang baby ,"anitong hinaplos ang tiyan ko . "Ang bilis naman lumaki ng anak mo , Yuri . " "Ang sarap kasi lagi ng luto ni Manang Tess , "totoong saad ko . "Mabuti ' yan ana - hija . Para malusog ang anak mo paglabas niya sa mundo . "Kita ko ang kislap sa sulok ng mga mata ni Senador Saavedra na nakatingin sa mukha ko .

Pakiramdam ko pinag - aaralan nito ang mukha ko . "Pasok na kayo mga Sir sa loob , magluluto ako ng meryenda , minatamis na saba kasi ang nandito ngayon eh , request po ng buntis . " "Ayos na yan Manang Tess , nakalimutan mo bang poborito ni Dad ang minatamis na saging , "paalala ni Clarence sa matanda . "Ay siya nga ano , "tumawa ito . "tumatanda na talaga ako , buti pa itong si Sir , ay ka pogi pa rin hane ? " "Huwag mo na akong bolahin Tess , sige na maghanda ka nang meryenda . Marami pa bang isda sa fishpond natin ?

" "Ay oho , kalalaki na , malapit na nga kaming magbenta ng tilapia sa bayan sa sobrang dami . " "Kayong bahala , basta siguruhin n'yong maayos ang kalagayan ng Ma'am Yuri n'yo . Tumawag ka sa opisina kung may kailangan kayo dito . "Bumaling ito sa akin . "Maayos ba ang aircon sa kuwarto mo anak ? " "Ho ? "biglang nag - init ang dibdib ko sa tawag sa akin ni Senador . Maliban kay Aling Elisa , ngayon lang ulit may tumawag sa aking anak . At hindi ko maipaliwanag kung bakit parang huminto saglit ang puso ko sa salitang ' yon .

0015 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.