Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 83 of 422 · Kaso Nga Lang Madalas Hindi Magkasundo

Chapter 83

Kaso Nga Lang Madalas Hindi Magkasundo

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 885 words

44 : New Beginning - 1 44 : New Beginning ONE YEAR LATER .... Claim "HAPPY BIRTHDAY baby Mia , napakaganda talaga nang apo ko . "nagmamalaking saad ni Senador Gaston , habang karga ang batang ayaw na rin humiwalay dito . Siguro dahil sobrang mabait ang mga Saavedra sa akin kaya naman kahit si Zayu talagang gustong gusto si Senador at si Clarence . "Grabe ma - i - i - spoiled ang inaanak ko ng bongga , oh ang daming gift at toys pa . "Naiiling na saad ni Moira na nakatingin sa ilang malaking box ng laruan na dala ni Clarence kanina .

Si Martin nagpadala na rin at hahabol na lang daw dahil may biglaang kausap. Isang taon na si Mia ngayon . At sobrang daldal natatawag na niya ako nang Mama mula nang 8 months pa lang ito . "Ako naman ang kakarga dad , kanina ka pa baka mapagod ka naman . "Ungot ni Clarence . Akala mo talaga concern sa ama nito pero gusto lang kargahin si Zayu . "Para namang hindi mo araw - araw nakikita ang bata , "tudyo ni Moira dito . So far mukhang nagkakaigihan naman na ang mga ito . Kaso nga lang madalas hindi magkasundo .

"Bakit ba , busy ako lately kaya hindi ko nakikita ang paborito kong pamangkin . "Hirit naman nito . Pamangkin ang tawag ni Clarence kay Mia , si Senador naman apo . Kaya hindi na nakapagtatakang spoiled ang bata sa mga ito . Wala namang kaming bisita . Ang gusto ko kasi ang mga taong pinagkakatiwalaan ko lang ang kasama namin ng anak ko sa special na araw na ito . "Sorry late ako . "Kapwa kami napalingon sa nagmamadaling si Martin , may dala pa itong bulaklak . "Oi Kuya , ang bata ang may birthday hindi ang ina . "sita ni Clarence dito . "Nauna na ang gift ko kay Mia .

Para sa'yo Yana . "Nakangiting inabot nito sa akin ang dalang bulaklak . "Lakas maka - efforts , sana naman sagutin na ' yan ,"tudyo ni Moira . "Pasaway ka talaga ,"sita ko dito saka binato ko nang balat ng orange . Magkaibigan kami ni Martin . Kahit sinabi nitong handa ako nitong antayin . Ayaw ko pa ring paasahin si Martin . Alam kong may mas tamang babae para dito . Hindi ang katulad ko . 44 : New Beginning ! Claim "Handa na ang pagkain .. "anunsyo ni Manang Tess , kasunod nito si Ate Rita at si Ate Thelma Dala ang mga bagong lutong handa para kay Zayu .

Hindi ko alam kung bakit pero kami lang ni Moira ang tumatawag kay Mia sa pangalang Zayu . Maya maya pa ay sabay sabay na kaming kumain sa mahabang mesa sa labas ng malawak na garden sa bahay ni Clarence . Pagkalabas ko ng hospital , dito na kami dumiretso . Kasama si Ate Rita . At pagkalipas nang lang ilang linggo dumating na rin si Manang Tess . Pribado ang subdibisyon at mahigpit rin ang seguridad . Kaya naipapasyal ko si Zayu sa mini park ng subdibisyon . "Siya nga pala anak . Malapit na ang company anniversary . Gusto kong bago iyon magsimula , bahagi ka na nang kompanya .

At huwag mo nang alalahanin si Mia . Sina Tess at Rita na ang bahala sa kanya . " "Opo Sir . "sagot ko . Dapat noong anim na buwan pa lang si Zayu magsisimula na akong magtrabaho sa kompanya ng mga Saavedra , pero dahil naging sakitin si Zayu ng simulan kong magstop ng breast feeding dito , kaya naudlot ang trabaho ko . Pero ngayong malakas ng kumain at nakabottle feed na lang ang anak ko . Handa na kong sumabak sa panibagong buhay . Ang sabi naman ni Sir Gaston , simpling office job ang magiging trabaho ko kaya excited na rin ako . lyon kasi ang unang magiging trabaho ko .

Masaya kaming kumakain nang magring ang phone ni Sir Gaston . "Hello honey , nasaan ka ba ? "Dinig ko ang tinig ni Ma'am Daisy sa kabilang linya dahil nakaloudspeak ang phone nito . Mukhang nag - aalala ang ginang . "May mahalaga lang akong inaasikaso , bakit ? " "Anong bakit , ngayon ang uwi nang anak at apo mo . Bakit wala man lang kayo ni Clarence , "sermon nito . "Kadarating lang nila , umuwi ka na , "paghihimok ni Daisy dito . "Ah ganun ba ? Sige pagkatapos namin dito uuwi na kami . Ikaw nang bahala kay Atasha . "lyon lang at tinapos na nito ang tawag .

Nakalimutan kong anak nga pala ni Sir Gaston si Atasha . Sa isiping iyon hindi ko maiwasang mag - alala . Kasama nito ang anak nito at ni Zade . Sa hula ko mag - aanim na buwan pa lang ang anak nito . Natupad na ang pangarap ni Zade na magka - anak sila ni Atasha . Comments H Vote 2.3K 44 New Beginning 1 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.