Chapter 85
Bumalik Kaya Ulit Tayo Doon Javier
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 904 words
45 : Sumbat NAHILOT KO ang sintido ko saka ako sumandal sa back rest ng swivel chair ko . "Sir ayos ka lang , wala ka pang pahinga . Sabi ko naman sa'yo matulog ka muna ,"sita sa akin ni Javier . Kababalik ko lang galing sa isang three days conference sa Hong Kong . "Baka magkasakit ka naman sa ginagawa mo , "paalala pa nito . "Ayos lang ako ."tipid kong sagot dito . Sa mahigit isang taon kong paghahanap kay Yuri ni anino nito hindi ko na nakita . "Gusto kong naman malaman ang totoo ? "Nanlalambot kong saad dito . Ilang araw na rin akong kulang sa tulog dahil sa trabaho .
O baka mula nang malaman ko ang lahat mas ginusto ko na lang na maglaho . Wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko . ** Halos paliparin ni Javier ang kotse marating lang namin ang address na sinabi nang lalaking kausap ko . lyong kaninang excitement at kabang umalipin sa akin at munting pag - asa na makita ko ulit ang asawa ko . Lalong naging malinaw ng makarating kami sa lugar na iyon . Palubog na ang araw . At talagang napakaganda ng lugar , higit na maganda kaysa sa painting . Nakakarelax at nakakapagpakalma nang pagod kong pakiramdam ang magandang view na natatanaw ko .
Isinasayaw ng mabining hangin ang mga bulaklak sa malawak na parang . Mas lalo pang gumanda dahil sa cinematic effects ng sunset . Kahit si Javier na pa - wow na lang sa ganda ng simpling tanawin . Pero hindi iyon ang higit na nagpapasaya sa akin , kundi ang pag - asang baka nga naroon si Yuri . Wala namang bakod kaya tuloy na kaming naglakad sa pathway patungo sa magandang bahay bakasyunan . "Tao po ? "Ilang ulit rin kaming tumawag ng mayroong lalaking lumabas mula sa likod ng bahay . "Sino ho sila ? "Kunot noong tanong ng lalaki .
Mukhang bata pa ito para maging katiwala sa ganung lugar . "Itatanong ko lang sana kung may nakatira ba ditong babae ang pangalan Yuri Ann Dela Merced , "hindi man lang ako nagdalawang isip na gamitin ang pangalan ko to address my wife . 45 Sumbat ! "Yuri ? "Claim "Ah sandali ... "mabilis kong inilabas ang phone ko para ipakita ang larawan ni Yuri . "Ito siya . " "Ay oho si Mam . Nakita ko nga siya sa kotse noong dumating kami . Paalis na sila noon kaya di ko rin sila naka - usap , kasama niya ata iyong asawa niya ." "Asawa - anu ?
"para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi ng lalaki . "Sandali ako ang- " "Sinong asawa niya ? "sabat ni Javier . "Naku hindi ko ho alam eh , kanina lang rin kami dumating . Naisip ko lang na asawa niya iyong lalaking kasama kasi ang sweet naman nila sa kotse eh . Hindi ko na nga lang masyadong namukhaan kasi naka - shades iyong lalaki . Nakasakay na rin kasi sila sa kotse nang dumating kami ng asawa ko dito ,"paliwanang ng lalaki . "Sino bang may - ari ng lugar na ito ? " "Ay yan ho ang hindi ko alam .
Si Manang Tess ho na lang ang tanungin n'yo at siya talaga ang katiwala dito . Kaso nga eh walang cellphone ' yon . Mag - iwan na lang kayo nang contact para ibigay ko sa kanya pagbalik niya dito ."Pero hanggang sa kasalukuyan walang tumawag na Manang Tess sa akin . Nang bumalik ulit kami ni Javier sa lugar . Iba na nakatira . Bagong katiwala na at hindi raw kilala si Manang Tess . "Bumalik kaya ulit tayo doon Javier ? "Wala sa sariling saad ko . "Malabo na ' yon Sir . Kita mo nga't nakulitan na iyong matanda last time . Gusto mo bang i - report tayo nu'n sa police ?
" "Sa tingin mo ba aabutin ng ilang taon bago ko makita si Yuri ? 2 , 3 , 5 taon ? Paano kung totong nag - asawa na nga siya? Pano kung wala na talaga akong magagawa pa ? Dapat ko na ba siyang palayain , Javier ? "Oo mukha na akong tangang paulit - ulit na itinatanong kay Javier kung dapat ko na bang palayain si Yuri . Pero sa huli isa lang ang nagiging sagot ko . Kailangan kong makita ng sarili kong mata at malaman ang totoo , kung sino ang lalaking kasama nito ? Kung nag - asawa na nga ba ito ? Kasal pa rin kami kaya malabong makapagpakasal ulit si Yuri .
"Ikaw pa rin ang makaka - "hindi na natapos ni Javier ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto ng opisina ko . 45 Sumbat 1 Claim "Zade Larson ! "paangil na bungad sa akin ni Atasha . "How could you ignore us , Zade ? Dumating na kami ng anak mo pero itong assistant mo lang ang ipinadala mo para sunduin kami , "sermon nitong nakaturo pa ang daliri kay Javier na napakamot na lang ang ulo at pasimpling umalis . Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.