Chapter 90
Nagkita Sila Bago Ang Party
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 892 words
47 : Heartfelt - 2 "Anong gagawin natin ! "kabadong sambit ko pero ngumisi ito . "Magshopping tayo after natin dito . Samahan mo akong bumuli ng gown para sa party . Gusto ko iyong mapang - akit sa mga boys . "anang nitong kumindat pa . "Ah , sa tingin ko ... ahhh mas bagay sa'yo iyong kita iyong cleavage mo . "Totoong suhesyon ko . May kalakihan kasi talaga ang hinaharap ni Moira . "Naku inggit ka naman sa aking b00bs , kailangan kasi ng lamas para lumaki eh . " "Ano ! "di ko napigilang sabihin , pero tumawa lang ito .
"Lumaki lang ang didbib ko noong - "natawa ako sa usapan namin . Para lang magkatopic kami pati b00bs naisama na sa usapan . Buti na lang wala kaming katabi sa dalawang malapit na table . Nagsimula nang magjokes si Moira kaya di ko mapigilang matawa dito . Kahit dama ko ang pares nang matang nakatitig sa akin , nagawa kong ignorahin iyon dahil sa mga biro ni Moira . Ilang sandali na kaming nagtatawanan at nagbibiruan nang biglang tumigil si Moira at napatingala sa taong tumayo sa tabi ko . The tension rise in my entire being . Kaya humugot ako nang malalim na paghinga .
Saka unti - unti kong tiningala ang lalaking sa amoy pa lang kilalang kilala ko na . "Zade ! "nakabibinging sigaw ng utak ko . "Yuri ! "Mahinang sambit nitong tila ba naniniguro . "Iyong ex mo ba ' yan girl ? "salamat sa tinig ni Moira natauhan ako sa pagkakatulala ko kay Zade . "I think so ... "nagawa kong sabihin hindi nautal . "Yes ? "I ask him . "You - "sambit nito sabay lunok . Kita kong namumula ang mukha nito , kung bakit hindi ko alam . "Where have you been all this time Yuri ? "tila wala sa sariling saad nito na ikinakunot noo ko .
Kung makapagreact ito parang hinanap nga niya ako . Isang bagay na alam ko namang napaka - imposible . May anak na ito at si Atasha . Kaya bakit niya ako hahanapin ? "Well , it's good to see you again Mr. Dela Merced , "nasabi ko sabay lunok . Buti hindi ako pumiyok dahil sa lakas ng pintig ng puso ko . Para na nga akong natutunaw sa titig nito kaya mabilis na akong nagbawi ng tingin . Baka magkastiff neck na ako sa kakatingala dito . 1 Heartfelt - 2 Claim "Sorry ladies I'm late , "ang tinig na ' yon ni Clarence ang umagaw sa atensyon namin , kaya para akong nakahinga ng maluwag .
"O isn't it Mister Dela Merced , natanggap mo na ang invitation para sa company anniversary . Ipapakilala namin ang asawa mo bilang Saavedra kaya dapat dumalo ka ,"preskong saad ni Clarence . Salamat doon kaya muli na naman akong natauhan . Clarence and Atasha are siblings at ito na marahil ang asawa ni Zade . Mula nang umalis ako sa poder ni Zade . Nagawa kong tuluyang kalimutan ito at huwag tumingin sa social media para alamin ang tungkol dito . Wala itong personal socmed account dahil hinahandle ng mga Marketing team nito ang pagpopost tungkol sa buhay at activity ni Zade noon .
And probably hanggang ngayon naman . "Hindi ko - "sambit nitong kusang natigilan . "Kung tapos na kayo , ihahatid ko na kayo pauwi ."presenta ni Clarence na mukhang alam na hindi ako komportable . Hindi ko alam kung bakit naroon rin si Clarence , pero masaya akong dumating ito . "Bibili pa kami ng dress para sa party , "si Moira . "Hindi na kailangan , may dress kayo sa party , si Dad mismo ang kausap ng may - ari ng Pinks and Gown . " "Talaga , wow naman ! The best ka talaga Clarence . So tara na girl ."excited na saad ni Moira sabay tayo . "Okay .. "nagawa kong sabihin .
"Sandali ... "nagulat pa ako nang aktong hahawakan ako ni Zade , pero mabilis na natabig ni Clarence ang kamay nito . "Kakausapin ko lang si Yuri .. "tiim bagang giit nito . Pero ang nang - iinis na ngisi ang namutawi sa labi ni Clarence . "Ano namang karapatan mong kausapin si Yuri ? May anak na kayo ni Atasha kaya dapat siya ang pagtuunan mo ng pansin . "umiling ito . "Mukhang dapat may body guard ka na mula ngayon , "baling nito sa akin . Zindy Rivera Hello everyone , maraming salamat po sa walang sawang suppport .
Simula na kaya nang pagkakataon para kay Zade at Yuri ?Mukhang maghihigpit pa si Clarence na magiging kontrabida pa ata sa love story ng kanyang kapatid . #VOTE . Nagkita sila bago ang party ... Abangan ang kaganap sa susunod na chapter . Please be reminded again po na alternate lang ang 2 chapter natin at wala po akong update every Sunday .. Salamat sa pag - unawa . Please keep on supporting my story A Heartfelt - 2 15 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.