Chapter 100
Emma Na Lang Kasi
Zindy Rivera - CrushRead · about 7 min read · 1,552 words
54 : Admirer 54 : Admirer "AKO NA niyan Miss - I mean Ma'am Yuri ."nakayukong bawi ni Susy sa mga files na nakatambak sa table ko . Dahil nakaleave ako bago ang party . Inaasahan ko nang marami akong trabaho pagdating ko . At hindi nga ako nagkamali na maraming files na nakatambak sa table ko . Apat na patong ata ng rim bond paper ang mga ' yon . Lahat ' yon for sorting and filing . Kapag wala kasi si Mister Oliver tambak ang files sa mesa ko kaya inaagahan ko na talaga ang pasok . "Ayos lang , sabi n'yo as newbie ' yan ang trabaho ko kaya , ako nang bahala diyan , "ani ko dito .
"Naku hindi na ho ,"magalang nitong saad . Samantalang noong mga nakaraang araw . Panay ang pagsusuplada ni Susy sa akin . Halos lahat naman sila . Maliban lang kay Miss Emma na tinuturuan talaga ako sa trabaho . At hindi rin niya ako minamaliit dahil undergraduate ako . "Hindi , kami na nito . Ahm ... antayin mo na lang si Sir Oliver baka may ipapagawa sa'yo ."giit nito sabay kuha ng mga files . Nagulat akong nabuhat niya iyon . Noong last time dalawang rim lang ng bondpaper galing sa office supplies hindi raw nito kaya . Kaya tinawag pa ako para ako ang magbuhat .
At ngayong nalaman nilang anak ako ni Senador Gaston . Para itong hiyang hiya . Ilang minuto pa ang lumipas nang nagsidatingan na ang mga co - employee namin . Ang dating maiingay pagpasok ay biglang natahimik at nakayukong bumati pa sa akin . Kaya napailing na lang ako . Di nagtagal ay dumating na rin si Miss Emma . Malapad ang ngiti nito dala ang paborito nitong lunch bag . Hindi ito kasama sa list ng nag - attend sa event ng Gala De Manila dahil isang taon pa lang ito sa kompanya . "Good morning , Yuri . "Excited na bati pa nito na ikinatingin ng lahat dito .
Kaya natigilan ito sa aktong pag - abot sa akin ng isang di kalakihang brown paper bag . Brownies iyon hula ko . Ilang araw na niya akong binibigyan ng brownies , malapit daw kasi ang condo nito sa kilalang Sweet Cakes shop . "Anong mayroon , para silang natuklaw ng ahas , "pabulong nitong saad at dumukwang pa sa akin . "Hayaan mo na sila . Salamat di Miss Emma . "Not aver "Hay bakit ba napakaformal mo . Emma na lang kasi . Kaunti lang naman ang tanda ko sa'yo eh . " "Sige , salamat dito Emma . " "Welcome , "nakangiting sagot nito saka pumuwesto na sa katabing cubicle ko .
"Sabay ulit tayo maglunch ha , alam mo naman ayaw nila sa akin dito . "mahinang dagdag pa nito . Nalaman kong si Emma ang nakakita nang madaming error sa financial record , dahilan para ma - terminate ang dating manager . Para kasing may scanner ang mata nito . Ang bilis tumingin kapag numero ang pinag - uusapan . Kaya kapag nahihirapan ako dito ko na itinatanong . "Ah ... Emma puwede mo bang tingnan ulit ito ? " "Teka , ipakita mo muna kay Madam Susy alam mo namang intrimitida ' yon .
Saka ko i - check para ma bluff ulit natin kapag may mali akong nakita na di niya nakita ,"ngumisi pa ito sa sinabi . Nagtungo naman ako kay Miss Susy para ipakita ang summary na ipinapagawa nila sa akin noong isang araw . "Excuse me pa - check ko lang sana ito ."Magalang kong saad dito . "Ah ... ano , okay lang kung si Emma na ang magcheck siya naman ang assistant ni Sir Oliver eh . Okay lang . "nahihiyang saad nito at alanganing ngumiti . Wala akong nagawa kundi ang umalis na lang . Halatang ilang kasi ang mga ito . Maging ang ibang empleyado hindi makatingin sa akin .
"Sis , ano bang mayroon , bakit parang ang bigat ng tensyon dito kanina pa nanakit ang balikat ko eh ,"sambit ni Emma nang makabalik ako sa puwesto namin . "Ikaw na lang daw mag - check ,"sagot ko na lang dito . "Talaga ano bang nakain niya ? Saka feel mo ba ang tensyon dito , nakakastress . " "Oo nga eh . "Alanganing saad ko dito . Alam kong dahil sa announcement iyon . Pero ayaw kong sabihin kay Emma dahil baka pati ito umiwas na rin sa akin . "Magandang araw , flowers delivery for Ma'am Yuri Ann , "napalingon ako sa may pinto dahil doon .
Isang malaking bouquet ng bulaklak ang dala nang deliveryman . "Sir dito si Yuri , "excited na saad ni Emma . "Wow grabe ang ganda naman nito . May boyfriend ka ? "usig na baling sa akin nito . "Ako ? Wa - wala ah . " "Ah sus , eh bakit ' wa - wala ' at namumula ka pa ha . Kilig ka no ,"tudyo nito sa akin na ikina - init ng mukha ko nakatingin kasi ang lahat sa napakagandang bouquet . "Pa pirma na lang dito Ma'am , "anitong inabot na sa akin ang dala nitong receiving form . "Kanino ho galing ito , sir ? "usisa ko nang wala akong makitang pangalan ng sender .
Pero pinirmahan ko na rin naman . "Naku , tawagan n'yo na lang ang office namin Ma'am , sa delivery lang ho ako . Salamat ho , "paliwanag nito saka umalis na . "Ang mahal siguro nito . Ang ganda at ang laki oh , sa boyfriend mo galing ? " "Wala akong boyfriend , "giit ko . "Ah baka sa admirer mo . Maraming single dito sa building ang nagkakagusto sa'yo kaya malamang sa isa sa mga officemate natin . "ani Emma na inamoy pa ang flowers . Hindi ko rin maiwasang maisip kong kanino galing ang bulaklak ? At sino naman ang magpapadala sa akin ng bulaklak sa opisina .
Kung kay Martin galing iyon siguradong ito mismo ang magdadala . Pagkatapos ng lunch ay naging abala na kami sa trabaho . Pinadalhan rin kasi ako ni Mister Oliver ng mga gagawin . Pagsapit ng alas singko ay isa - isa nang nagsi - alisan ang lahat . Nakaleave kasi ang manager namin kaya maaga kaming uuwi . "Mauna na kami Ma'am Yuri ,"anang ni Letty kasunod sina Susy at Alexa . "Teka tinawag ka ba nilang M'am ? Ano bang mayroon ? "Nagkakamot na saad ni Emma . "Magbasa ka kasi sa gc girl , "pairap na sagot ni Alexa dito sabay talikod na nang mga ito . "Taray , ano ba kasi iyon ?
" "Sige , pero promise mo hindi ka tulad nila na hindi na rin ako papansinin ha . Kasi nakakailang eh ."Paki - usap ko dito . "Ang oa , ano nga , sis . "panungulit nito kaya napilitan na rin ang sabihin at muntik nang mapanganga ito . "seryoso ! "naiilang na napatango na lang ako dito . At mukhang ayaw pang maniwala kaya binuksan pa nito ang phone nito . "Seryoso nga sis - ay Ma'm pala-- " "Mas okay na sa akin ang sis o kaya girl , ayaw ko nang Ma'am , empleyado rin ako dito . Kaya sana huwag kang tumulad sa kanila na gusto na lang akong iwasan . "Saglit itong nag - isip .
"Buti na lang pala hindi ako salbahe no . Huwag kang mag - alala hindi ka 54 Admare nila iniiwasan dahil naiilang sila na anak ka nang may - ari . Umiiwas sila kasi naging salbahe sila sa'yo , "seryosong saad nito . "Pero okay lang ba na close tayo nakakahiya naman . " "Kalimutan mo na lang ulit na anak ako ng may - ari . Empleyado rin ako , okay . Halika na uwi na rin tayo , "ani kong hinila na ito . Wala namang nagawa si Emma kundi ang sumama sa akin . "Akala ko ang mayayaman matapobre at maarte . "Napalingon ako kay Emma dahil doon .
"At least hindi naman pala lahat ,"nakangiting saad nito kaya napangiti na rin ako dito . Palabas ako ng entrance nang matigilan ako sa lalaking nakatayo at nakasandal sa malaking poste sa may hagdan . "Ang pogi naman niya ? Sino kayang hina - antay niya ? Sa tingin mo , girl ako ba ? "Kinikilig na tanong sa akin ni Emma . Noon naman nag - angat ng tingin ang lalaking tinitingan namin . "Yuri ,"anang tinig sa aking likuran kaya napalingon ako doon . "Oh lala ...
anong mayroon at nagkalat ang mga yummy fafa dito sa building , "dinig kong sambit ni Emma habang dama ko pag - iinit ng batok ko dahil sa mga matang nakatingin sa akin . Zindy Rivera Hello everyone ... .Mag - ingat po tayo sa paglalakad baka matapakan ang buhok ni Yuri .... hehehe . Salamat sa support 27 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.