Chapter 99
Cla Tama Siya Sir Zade
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 810 words
Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero hindi naman daw ito humihindi . Sukat doon ay napangiti ako . "Bakit ba ang daming alam ni Javier ? "Nasabi ko saka ako muling bumalik sa loob . Nagulat pa akong karga - karga na ni Javier ang bata . "Marunong ka pala n'yan ? "puna ko dito . OC si Javier at ayaw nito ng makalat at maingay . Pero panay ang daldal ng bata sa sarili nitong lenguwahe habang nakatitig at nakikipag - usap kay Javier . "Oo nga eh , hindi ko rin alam . Parang gusto ko na rin tuloy magkaanak .
" "Maggirlfriend ka muna bago ka mangarap ng ganyan , "baliwalang sagot ko dito . Pero sa totoo lang mukhang bagay nga dito ang may kargang bata . "Magkaanak kaagad eh takot ka pang karagahin siya kanina eh . "Pambubuko ni Manang Elisa dito . "Ayos lang ' yon -"natigilan ang sasabihin ko nang magring ang phone ko . Napakunot noo ako nang makita ko kung sino ang caller . "Hello ... " "Ako ' to . Kailangan nating mag - usap , tungkol sa apo namin ."Anang ni Gener Montefalco sa seryosong tinig . "Magkita tayo . " "Okay pero hindi ngayon , madami akong appointment Sir .
Patawagan kita sa assistant ko bukas . "sagot ko dito saka tinapos na ang tawag . "Set me an appointment kay Mr. Montefalco . " "Sir , bakit ka pa makikipagkita sa kanya ? Baka mamaya kung anong plano ng pamilyang ' yon , "paalala ni Javier . "Hindi naman ako pupunta sa bahay nila . Besides alam ko kung anong dahilan niya . He want my money . lyon lang naman ang dahilan para tawagan pa niya ako . "Nag - offer na ako nang pera sa mga ito kapalit ng gusto ni Atasha na panagutan ko ang anak namin . At alam kung sa laki nang utang ng mga Montefalco kailangan nila nang pera .
"Siya nga pala Javier , iyong condo at bank card ni Atasha ?" "Naayos ko na ' yon sir , pinoproseso na nang banko ang cancelation . Ipapadala ko pa rin ba ang bagong bank card kong mapupunta na sa'yo ang custody ng bata ? Sa tingin ko wala ka nang dahilan para sustentuhan pa si Miss Atasha . Besides hindi maganda ' yon sa image mo kay Ma'am Yuri kapag ginawa mo pa rin ' yon . "Cla "Tama siya Sir Zade . Kapag binigyan mo pa nang pera si Miss Atasha , baka lalo siyang mamihasa . Kaya mabuting huwag na . Gahaman ang pamilyang ' yon .
Marami silang empleyadong pinaalis na hindi na nila binayaran noon . Hindi naman makapagreklamo dahil nagbabanta silang magrereport sa police ng pagnanakaw kahit hindi naman totoo . "Nagpalipat - lipat ako ng tingin sa mga ito . Pakiramdam ko obligasyon ko pa rin si Atasha dahil sa anak namin . Pero nasa akin naman ang bata kaya sa tingin ko tama sila . "Sige huwag mo nang ibigay , cancel all her account . Iyong kotse hayaan mo na , luma na rin naman iyon . Siya nga pala Javier , kumusta ang imbestigasyon sa fund ng foundation ? " "Wala pa Sir , tinitrace pa namin ang missing fund .
Bigyan mo ako ng ilang araw pa . " "Okay pero madaliin mo na rin . Magiging busy ako sa mga susunod na araw . "seryosong saad ko dito . "Kaya gusto kong bawasan mo ang work loads ko . Iwasan mo rin ang biglaang meetings at - ahmm dapat wala akong weekend appointment . " "Ha ? "Salubong ang kilay na tanong ni Javier . "Ano namang gagawin n'yo ? " "Manliligaw , "baliwalang sagot niya na ikinatawa ni Javier , masamang tingin ang ibinigay ko dito . "Sige , goodluck kong ganun , Sir. Para naman makapagdate ako kapag weekends .
Malapit na akong ubanin saka may lakad rin ako sa weekends ."nakangising saad nito . "Akala ko allergic ka sa babae ? Ang tagal na nating magkasama pero wala akong nabalitaang nagdate ka . " "Personal ko ' yon bakit kailangan kong sabihin . Goodluck sa panliligaw mo , sana sagutin ka kaagad . Pero kung ako kay Ma'am Yuri huwag -" "Ituloy mo ' yan .... wala kang trabaho bukas . "banta ko dito na ikinatikom ng bibig nito . Zindy Rivera Hello everyone ... 2 update po ulit today . Tuloy mo Javier hindi ka masisisante nang boss mo na yan hahahha ...
26 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.