Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 98 of 422 · Ayos Lang Sa Akin

Chapter 98

Ayos Lang Sa Akin

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 882 words

53 : The Kid - 1 53 : The Kid "NAKU SIR , ito ba ang anak ni Miss Atasha ? "ani ni Aling Susan ng makarating kami sa bahay . Kinuha ko ang bata sa mansion ng mga Saavedra . Mukhang alam naman ng Yaya nito na ako ang ama nang bata . Dahil wala ring kahit na sino ang tumutol . Nauunawan ko naman dahil hindi isang Saavedra ang bata . Pero napakabata pa nito para makaranas ng rejection . Kaya hindi ko maiwasang maawa dito . Pilit kong kinakapa sa sarili ko ang sinasabi nilang lukso ng dugo pero hindi ko mahanap sa puso ko ang ganung pakiramdam . Pero magaan naman ang pakiramdam ko dito .

His a cute little baby anyway . Napakaamo nitong tingnan habang tulog na tulog sa stroller nito . Ayon sa DNA test anak ko ang bata . Sa US ginawa ang paternity test kaya alam kong mapagkakatiwalaan ang tauhang binayaran ko para doon . "Ang guwapo naman ang batang ' to . "puri ni Aling Elisa . Dahil naawa ako sa kalagayan nito nagpasya akong bigyan na rin ito ng trabaho pati na ang asawa nito . "Oo nga eh at mukhang masayahin . "Napatingin ako sa dalawang ginang na nakatitig sa bata na nasa stroller . "Ayos lang ho ba kung kayo na munang mag - alaga sa kanya .

Wala akong alam sa bata , pero sa tingin ko kasi mas safe siya kung nandito sa akin si Zen . " "Ay sige Sir , at ito namang si Susan akala ata eh senyorita ako dito . Ayaw akong patulungin sa gawain niya , "nakatawang saad ni Manang Elisa . "Naku Ate , ikaw ang tagapag - alaga ni Ma'm Yuri noon , kaya gusto kitang maging komportable . Saka kaya ko pa naman ang gawain sa kusina . May mga on call naman na tagalinis ng bahay kaya magrelax ka lang . Pero dahil may munting prinsipe na tayo tama nang relax mo . "lintaya nitong tumawa pa . "Ayos lang sa akin .

Nakakamiss din mag - alaga ng bata . " "Pansamantala lang ho , kukuha pa rin ako ng magiging Yaya ni Zen Larzon . Baka mahirapan na kayong habulin siya kapag naglalakad na siya . " "Zen ? Aba kapangalan pala siya ni sir Zen ano . Tiyak matutuwa si Sir pagka - uwi nila . " "Uuwi na rin naman sila next week . "ani ko . "Sige ayusin ko na iyong isang kuwarto , para makapahinga na ang bata , "presenta ni Aling Susan na kaagad na ring kumilos . Maya maya pa ay dumating naman si Javier . Dala ang mga pinabili ko dito .

CAR "Mali naman iyong mga pinabili mo sir , buti may magandang babae na tumulong sa akin . Nakangising kuwento nito . Nahawa rin ako sa ngiti ni Javier na excited na nilapitan ang bata . "Ang cute naman nitong bubwit na ' to . "ani Javier na nilaru - laro na ang kamay ng bata . Naging abala ang mga ito kay Zen , habang ako naman ay tumayo para kontakin si Gaston Saavedra . Hindi ko alam kung anong nangyari na naging si Yuri ang totoong anak ni Gaston Saavedra . Pero isa lang ang malinaw sa akin ngayon . Kailangan kong lapitan si Gaston para makalapit ako sa asawa ko .

I'll set things right . Naka - ilang ring bago ito sumagot . "Hello ,"anang malalim na tinig sa kabilang linya . "Ahmm ... Sir , "magalang na bati ko dito . Nainis akong bigla na lang parang gustong umurong ang dila ko . Kaya tumikhim ako . "Kung puwede ho sana payagan n'yo akong maka - usap ang asawa ko kasi - "Katahimikan . "Sabihin mo nga , Dela Merced . Ano pang dahilan para habulin mo ang anak ko ? Annulment na lang naman ang kulang sa n'yo at opisyal na kayong hiwalay pagkatapos . Bukod ro'n may anak ka kay Atasha - " "Alam ko hong komplikado na ang sitwasyon dahil sa bata .

At wala akong tamang dahilan , but I still want my wife back , Sir ! "Matiim kong saad dito . Yes that's all I want . I want Yuri back to me . I want her and no one else . Hindi ko kailangan ng ibang dahilan para gustuhin kong bumalik sa akin ang asawa ko . Isang pagak na tawa ang pinawalan nito . "I like your conviction Dela Merced , pero wala ako sa posisyon para pumayag o humindi sa'yo . Pasalamat ka na lang nagustuhan ko ang mga sagot mo noong araw na ' yon . But - you can't force my daughter na sumama sa'yo . Patunayan mo munang karapat - dapat ka sa anak ko .

At hindi kita pipigilan kung kusang sasama sa'yo ang anak ko ."Matapos noon ay beep tone na lang ang narinig ko . 1 Comments LUCK DRAW > 2.3K M Vote admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.