Chapter 97
Tila Naistatwa Si Atasha Sa Narinig
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 905 words
52 : At Ruins - 2 Saglit na hindi nakapagsalita ang mga ito . "Hindi ba ? "gumuhot ang takot sa mukha ni Atasha . "Ang- "si Natasha . Bakas ang labis na frustration sa mukha na iihilamos ang kamay . Hindi nito akalaing darating ang araw na kailangan nitong aminin sa sariling anak na hindi sa kanila ang lahat . "Ang ano Mom ! " "Ang kompanya at itong bahay , pag - aari ng totoong ina ni Yuri at si Yuri ang - beneficiary ng lahat ng ito . Kaya hindi natin maibebenta sa legal na paraan . "Tila naistatwa si Atasha sa narinig ! Kulang pa ata ang naunang kahihiyan na naranasan niya .
Now this .... "Si ... sinasabi n'yong kay Yuri ang lahat ng ito ! "tila bombang sumabog sa mukha ni Atasha ang sariling tinuran . Tuluyang nawasak ang mundo niya sa nalaman . Kaya may malaking shares si Yuri . Kaya kahit halatang ayaw ng pamilya niya kay Yuri , nanatili ito sa bahay nila dahil- "sa kanya ang lahat ng ito ? "Tila asido ang mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata . "Kaya nga anak , sa ngayon pabayaan na muna natin si Zen kay Zade . Kailangan muna nating ayusin ang lahat ." "So ... paano tayo , ano ang sa atin ? Ano ang sa akin Mom , Dad ? All this - everything !
"Nanginginig ang tinig ni Atasha . Habang kuyom ang sariling kamay . "This is why I hate her so much - dahil ...... .. No ! No ! "pasigaw niyang sambit . "Anak , ipapaliwanag namin ang lahat .... "panic na paki - usap ni Natasha dito . Bakas ang labis na pag - aalala sa anak na tila binagsakan ng buong mundo . "Kung ganun ,"saad ni Atasha na nagtatangis ang bagang . "kunin natin kay Yuri ang lahat ng ito , Dad ! Hindi - hindi tamang nasa kanya ang lahat ng para sa akin .... "matalim ang garalgal na tinig nito ..
"Bakit kailangan ganito ang kalalabasan ng lahat , ang sabi n'yo magiging maayos ang lahat . Kaya bakit ? "humahangos na usig niya sa magulang .. "I'm sorry anak , pero hindi pa tapos ang lahat . Magtiwala ka , "pag - aalo ni Natasha dito . "Hindi tayo maghihirap , hindi ko papayagang maghirap ka . " "HINDI PA RIN ako makapaniwala , "di ko mapigilang saad habang nagpalipat - lipat ang tingin ko kay Clarence at kay Sir Gaston . Naroon ang parting masaya siya sa nalaman . "Kung alam n'yo ang kasinungalingan nila bakit - " "Revenge , Yuri . Hindi maaring gawin nila kaming tanga .
At hindi ako titigil hanggang hindi nawawala sa kanila ang lahat . Alam na namin ang lahat ng pinagdaanan mo sa kamay nang walang hiyang pamilyang 'yon . "ani Clarence sa seryosong anyo . "Kaya ba ang bait n'yo sa akin ? Sa amin ng anak ko ? " "I didn't know that until Dad told me about it . Kamukha ka raw kasi ng mommy natin . " "This belong to you anak , diba ? "seryosong saad ni Sir Gaston . Nagulat pa ako ng makita ko ang kuwentas na regalo sa akin ng matandang lalaki noong 18th birthday ko na kinuha sa akin ni Atasha .
"I'm glad you had our mom's pictures at least nakilala ko man lang ang mukha niya ,"may himig tampong saad ni Clarence sa ama . Maingat kong kinuha kay Sir Gaston ang kuwentas . "Ang totoo po , hindi ko pa nakita ang laman ng pendant o kung may laman ba ito . Kinuha kaagad sa akin ' to ni Atasha pagkaalis ng matandang lalaking nagbigay nito sa akin . " "Matandang lalaki ? "kunot noong usisa ni Sir Gaston . "Opo Sir - " "Dad , "sansala nito sa akin . "from now on , pag - aralan mong tawagin akong Dad or Daddy . Please , anak . "namula pa ang mukha nito sa sinabi .
"Ang tagal ko ring gustong sabihin sa'yo ang totoo , pero naisip kong mas mabuting maging mas especial ang pagpapakilala ko sa'yo anak . At tandaan mo mula ngayon . Gawin mo ang lahat ng gusto mo . At tulad ng sinabi ko , poprotektahan kita anak . " "Tama si Dad , kung gusto mong ipakulong natin ang mga Montefalco . Sabihin mo lang . "saglit akong natigilan dahil doon . "At isa pa anak , gusto mo pa rin ba ang asawa mo ? " "Ho ! "Muntik na akong masamid ng sarili kong laway dahil doon . "Dad , ano ka ba ?
Sinaktan at binaliwala niya si Yuri kaya walang dahilan para makipagbalikan pa siya sa lalaking ' yon . We'll take good care of Mia . Hindi niya kailangan si Zade Larzon . "ang anak madiing tangi ni Clarence . "Tumawag nga pala si Thelma , kinuha na raw ni Zade niya sa mansion . "May gumuhit na pait at ingit sa dibdib ko dahil sa tinurang ' yon ni Clarence . 53 : The Kid - 1 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.