Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 96 of 422 · Tangapin Natin Ang Offer Ni Zade

Chapter 96

Tangapin Natin Ang Offer Ni Zade

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 896 words

52 : At Ruins - 1 52: At Ruins "NO ! "NAPAPAHAGULGOL na sigaw ni Atasha habang pinagtatapon ang lahat ng nasa kanyang kama . Her body was shaking . Paanong sa isang iglap nawala ang lahat ng para sa kanya . At hindi man lang siya dinamayan ni Zade . "You'll pay for this Yuri ! You will , kasalanan mo to lahat ! Buwisit kang babae ka ! "sigaw niya saka walang tigil na nagwala at pinagtatapon ang lahat ng mahawakan niya . Nang mapagod ay pasalampak na napaupo siya sa kama . "This can't be happening to me , no .... hindi ako puweding malamangan ni Yuri she is nothing .... ampon lang siya !

"Luhaang kuyom ang kamay na nakakapit sa dress niya . SAMANTALA "HONEY anong gagawin natin , siguradong hahabulin tayo ng mga banko ngayon . Mawawala sa atin ang lahat ,"hindi mapakaling palakad lakad si Natasha at panay ang kagat ng kuko nito . "No ! Hindi natin puweding hayaan mawala ang lahat . Hindi na tayo puweding maghirap Natasha . " "Sa tingin mo ba gusto ko rin ' yon ? Hindi ko naman gagawin ang lahat ng ito para lang bumalik sa putikan . Ayaw ko na sa mabaho at sira - sirang bahay natin sa squater at hindi kakayanin ni Atasha ' yon . "Napasabunot pa ito sa buhok nito .

"Mag - isip ka nang paraaan , honey . Iyong share's ni Yuri na lang ang pag - asa natin . Kailangan nating makuha 'yon ,"tarantang napa - upo ito sa tabi ng asawa sa sofa . "Bayaran na lang kaya natin si Atty Fortunato ? Baka makombinsi natin siya . Patay na rin naman ang ama niya at wala na si Charlene kaya para saan pa ang loyalty niya diba? " "Kung sana lang hindi pa niya nakita si Yuri madali lang sana ang lahat . Ang mga Saavedra na ' yon pinaglaruan nila tayo . Sa simula pa lang pala alam na niya ."umigting ang panga ni Gener sa tinuran . "Paano ako na uto nang mag - amang ' yon .

At si Yuri alam rin ba niya ang totoo ? " "Anong alam ng bobong batang ' yon . Dapat kasi ipinadala na lang natin siya sa ampunan noon pa man . Buwisit kasing kasunduan na ' yan eh . " "Sige na tumahimik ka na , may pag - asa pa tayo . "Hinawakan nito ang kamay ng asawa . "Si Zade Larzon . May anak sila ni Atasha kaya hindi niya tayo mahihindian . "A Cum "Ano bang hindi , hindi nga ba kinuha niya ang investment niya- isa pa ang lalaking iyon . Wala ring pakinabang . Buwisit ! "gigil na sambit niya . "Pero wala na tayong choice .

Ang bata- gusto niyang kunin kay Atasha kapalit ng malaking halaga hindi ba ? "Saglit na natigilan si Natasha . "Pero baka magalit ang anak mo ? " "Sa tingin mo ba gusto niya ang batang ' yon ? Malay ba natin kung anong klasing lalaki ang totoong ama ng bata . "Inis na tumayo si Gener . "Kumbinsihin mo ang anak mo . Sa tingin ko mas makakabuting hayaan muna niya ang bata kay Zade Larzon . At kapag napamahal na ' yong lalaki sa bata . Mas madali na ang lahat . Tangapin natin ang offer ni Zade . Kailangan natin ang pera . " "Anong sinasabi mo Dad !

"Bulalas ni Atasha nang marinig ang pag - uusap ng magulang . "Hindi ko ibibigay ang anak ko kay Zade , dahil lalo lang mawawalan ng saysay ang lahat . "Namumula ang mukhang usig niya sa magulang . "Atasha si Zade , hindi na siya interesado sa'yo dahil mukhang mas gusto na talaga niya si Yuri . At ito ang consequence na hindi natin napaghandaan noon- " "No , Dad ! May pera naman ako . May credit card ako , iyong condo at kotse . I have jewelries iyon na lang ang gamitin natin . O kaya itong bahay , ibenta n'yo na lang .

Ang mahal ng value nito for sure - " "Kahit maibenta natin itong bahay hindi pa rin sapat para bayaran ang mga utang natin sa banko ." "Then sell the company ! "Inis na sigaw ni Atasha . "Huwag ang anak ko ! " "Atasha ! Huwag kang tanga , anak . "anitong pilit ikinakalma ang sarili . Sa ngayon mas kailangan ni Zen ang mayaman niyang ama . Kaya mag - isip ka muna bago ka magpasya . "Ano - mas mahalaga pa ba ' yon ? Anak ko si Zen dad ! "Napapadyak na protesta niya dito . "Ang company at itong bahay .

Sapat na iyon para maayos natin ang lahat- " "Hindi natin maibibenta ang bahay at ang kompanya Atasha ! "Asar na sabat ni Natasha . Naiinis itong nagiging matigas ang anak dahil lang sa bata . "Why ? Sa atin naman ' to diba ? "Naguguluhang tanong niyang nagpalipat - lipat ng tingin sa magulang . Comments 2.3K H Vote admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.