Chapter 103
Parang Hindi Ka Pa Nasasanay Sir
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 902 words
56 : Panghihinayang - 2 "Sir , hindi ko first time iyon . Pero first time akong magkakagirlfriend kung sakali . Huwag kang judgemental . " "Goodluck rin kung ganun , kilala ko ba ' yan ? " "Hmm ... "sagot nitong ngumiti lang saka ako nilampasan . "Baby Zen , may pasalubong si Tito pogi ,"kausap nito sa batang abala sa paglalaro na kaagad namang ngumiti dito . Pansin kong mas natutuwa si Zen sa presensya ni Javier . Hindi naman sa ayaw ko sa bata , siguro dahil anak ito ni Atasha . Pero anak ko rin si Zen kaya nahihiya ako ditong hindi ko makita ang sarili ko bilang ama niya .
But I am trying . Tulad ngayon bumili rin ako ng pasalubong nito . Napalapit ako sa mga ito . "Zen , you want chocolate , baby ? "tanong ko sa batang kaagad na ngumiti pagkasabi ko nang chocolate . Mahilig ito sa chocolate na hindi ko naman gusto noong bata pa ako at kahit ngayon . "Ikaw Javier gusto mo ring ng chocolate ? " "Sir , alam mong allergic ako sa matamis . No thanks . " "Bahala ka , halika na pogi ."tawag ko kay Zen na kagad namang binitawan ng laruan at nagpakarga na sa akin . "Pasalamat ka na lang talaga cute ka ."Nasabi ko saka ko ito dinala sa kumerdor .
"Javier sumabay ka na sa amin , "aluk ko dito na kaagad na rin namang sumunod . But the moment he reach the table , nagsimula itong ayusin ang puwesto ng kubyertos sa pantay na pagkakahilira . "Hindi ka ba napapagod sa OCD mo ? "Naiiling kong puna dito . "Ito lang talaga ang hindi ko naaalis sa katawan ko . Parang hindi ka pa nasasanay Sir . "sagot nito saka naupo na . Ipinuwesto ko naman si Zen sa high chair sa kanan ko . "Siya nga pala sir , kumusta iyong lakad mo kanina ? May pag - asa ka pa ba ? " "Concern ka ba o nang - iinis ka ? "asar kong sita dito .
"Concern lang ako , inaalala ko lang kung tatangapin ni Ma'am Yuri si baby Zen ? Diba nga hindi naging mabuti sa kanya ang pamilya ni Miss Atasha ? " "Hindi naman ganun kasama si Yuri . Yes , I was wrong judging her pero kung talagang masama siyang babae , sana hiniling na niya sa ama niyang ipakulong ang kinilala niyang S6 Panghihinayang 2 Claim pamilya diba . Puwede niyang gawin iyon , madali namang hanapin ang mga naging katulong ng mga Montefalco . " "Kung sa bagay . Gusto rin sigurong magka - anak ni Ma'am Yuri . "anang ni Javier na kumakain na . "Ano ?
Paano mo naman - " "Kasi nakita ko noon si Ma'am Yuri sa OB clinic , tanda mo noong umuwi ako para ipabunot iyong wisdom tooth ko kasi sobrang sakit . Nakita ko siya noon sa kataning clinic ." "Talaga ? Nagpunta siya sa ganung lugar , bakit ? " "Ewan ko , hindi ko naman na naitanong saka hindi naman niya ako nakita . Mukha siyang malungkot paglabas niya sa clinic , "baliwalang kuwento nito . "Kaya naisip kong gusto rin niyang magkaanak . Masama kasi talaga ang side effects ng mga contraceptives . At kung nagkaanak sana kayo eh di sana mas may dahilan ka para habulin si Ma'm Yuri diba .
" "Puwede ba Javier tumahimik ka na nga , imbes na good mood ako . Sisirain mo pa eh . "Inis kong singhal dito . Dahil may bahagi sa pagkatao kong gustong sumang - ayon na tama ito . Subalit mula kung saan ay tila agos ng tubig ang mga salitang sinabi ko noon kay Yuri ng bigyan ko itong ng pill . "Hindi ikaw ang gusto kong maging ina nang magiging anak ko , so take that . Ayaw ko ng komplikasyon kapag naghiwalay na tayo , Yuri Ann . "para iyong malakas na suntok sa sikmura ko . Dahil hindi lang iisang beses kong sinabi ang mga salitang iyon kay Yuri .
"Bakit ang lakas mong manira ng magandang mood ? Lintek ka talaga , Javier sana huwag kang sagutin nang nililigawan mo , "pikang singhal ko dito . Zindy Rivera HI everyone , maraming salamat lagi sa walang sawang support . Thank you po ng Sagad sa mga napakagenerous sa MT at sa lahat ng nakadreame app na nang bibigay ng #VOTE kay Zade .. Nasa top 6 na siya kahapon at number 2 sa daily rank . Please keep supporting my Story . Sana madala natin sa top 1-3 si Zade and YURI hindi lang sa SNR pari sa SPARKING LONGFORM until next month .
Next month rin pala ang sagarang update..Salamat ng Sagad sa lahat ng nahook ng Aking Story . Sa mga di pa nakakabasa Mister Billionaire's Rejected Wife , James Leviste : Chasing His Kept - Lover , Lorenzo Alegre : Chasing His EX - Wife My Dad's Bestfriend is my Lover Secret Affair basahin n'yo na din po . I Married Mr. Stanger 25 Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.