Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 104 of 422 · Teka Single Ka Pa Diba

Chapter 104

Teka Single Ka Pa Diba

Zindy Rivera - CrushRead · about 7 min read · 1,542 words

57 : Date Me "BAKIT BA ang grumpy mo ha , Clarence? "Usig ni Moira sa boyfriend niyang sala sa init at sala sa lamig ang utak . Hindi na nga niya alam kung may relasyon pa ba sila . Wala namang araw na hindi sila nagtatalo ni Clarence mula nang sabihin niya ang tungkol sa post ni Zade sa paghahanap nito kay Yuri . She accidentally saw Zade's post asking someone kung alam ang lugar sa painting . Sobrang na touch siya sa mensahe ni Zade . Hindi niya inaasahang mabuting tao rin pala ito . At base sa mahabang kuwento nito sa post .

She felt sorry for Zade kaya kahit inis siya sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan . Nagbago ang pananaw niyatungkol dito . Dahil dama niya ang sincerity sa bawat salitang nabasa niya du'n . That's when Clarence started to get angry at her . Nang tanungin niya ito kung puwede na lang nilang tulungan na magkabalikan sina Zade at Yuri . Noon niya naisip na buohin ang pangalan ni Baby Zayu . Sa tingin kasi niya deserve rin ni Zade ang second chance dahil nag - eefforts rin talaga ito . Lalo na nang makausap pa niya ni Javier when she accidentally meet him at the grocery store .

Namimili kasi ito nang supply para sa anak ni Zade at Atasha . Nalaman niyang hindi naman pala itinuloy ang annulment ng mag - asawa . At wala na raw plano si Zade na pakasalan si Atasha dahil sa mga kasinungalingan na nalaman ni Zade . "Next time huwag mo nang bangitin ang Zade Larzon na yan sa harap ko . I will never accept him as my brother - in law . Sa lahat ng katangahan niya hindi niya deserve si Yuri . Hindi bagay sa kanya ang second chance . " "Ewan ko sa'yo masyado kang ampalaya alam mo . Sa tingin ko ikaw ang dapat walang second chance , hmp !

" "Moira , tumigil ka nga sa kalukuhan mo . At tandaan mo hindi kita mapapatawad kapag sinabi mo kay Yuri ang alam mo . "banta pa nito . "Wala akong planong sabihin sa kanya , okay . Ang gusto ko lang tulungan natin silang magkabalikan at maging maayos ang lahat para sa anak niyl . You love Zayu Mia right? Kaya anong masama ? " "Ang masama may anak na rin si Zade Larzon sa bruhang Atasha na ' yan . Alam mo ang Date Me Claim naging buhay ni Yuri sa pamilyang ' yon . Kapag nakisama siya sa asawa niya . Hindi ba maoobliga pa siyang maging ina sa anak ni Atasha . Don't be stupid okay !

"Singhal nitong ikina - init ng ulo niya . Kaya padabog na tumayo si Moira at hinarap si Clarence . "Alam mo ang hirap mong kausap . Magbreak na nga tayo . Ayaw ko na sa'yo ! Ako pang ginawa mong stupid ha ! Tsss ... "iritadong singhal niya dito . "Hindi ba katangahan naman talagang mag - isip ka nang ganyan . "Umiling si Clarence na lalong ikinainit ng ulo ni Moira . Sanay na siya sa hamon ni Moira nang break - up . Pero sa huli nagkakasundo rin naman sila dahil ito ang kusang lumalapit sa kanya . Moira's in love with him kaya sanay na siya sa drama nito .

Hinayaan niyang padabog itong umalis . At nang sa wakas ay tahimik na ang condo niya saka siya nagpasyang bumalik sa kanyang trabaho . "Nag - iinarte ka naman eh . "naiiling niyang saad . Sa kabilang banda . Kung puwede lang sakalin na niya si Clarence kanina ginawa na niya . "Mukhang hindi nga tayo bagay , Clarence . Bahala ka sa buhay mo ."Pasakay na sana siya sa kotse nang matigilan siya . Regalo sa kanya ni Clarence ang kotse kapalit ng luma niyang sasakyan . "Love kita pero iyong amo mo , baliw at sira ang tuktok . Ampalaya sa lahat ng ampalaya .

"Kausap niya sa kotse saka siya muling naglakad pabalik sa building . Ibinilin na lang niya sa security officer ang susi ng kotse pagkatapos picturan at i - send kay Clarence ang larawan . "Ipapahatid ko na lang ang susi ng kotse mo , bye . "Pagkatapos noon ay saka siya umalis . Naiinis siya sa sariling kailangan niyang maglakad patungo sa taxi area kahit nakatakong siya . At sa inis niya ay muntik pa siyang mapasigaw sa busina nang kotse sa likuran niya kaya malutong siyang nagmura . Handa na siyang ibato ang sandals niya sa kotse ng bumukas ang bintana sa tapat niya.

"Bakit naglalakad ka ? "anang tinig na familiar sa kanya . "Sorry nagulat ba kita ? " "At nagtanong ka pa talaga ? Huwag mo akong asarin ngayong bad mood ako okay , "asik niya kay Javier na nakangiti pa kahit banas na banas na siya . Feeling close na kasi ito mula nang tulungan niya ito sa grocery . "Get in , malayo pa ang lalakarin mo . "aluk nito . Dahil totoo naman ' yon sumakay na rin siya kaysa maglakad pa . "Nasaan ang kotse mo ? " "Wala , itinapon ko na . Walang kuwenta eh . "Date Me Clam "Iyong kotse o iyong may - ari ?

"seryoso nitong tanong na parang alam na hindi sa kanya ang kotse . "Iyong may - aring baliw at walang utak . Sobrang ampalaya pa , sarap igisa sa sarili niyang itlog , "walang prenong lintaya niya dito . Pero tumawa lang si Javier na tila amuse sa inis na nararamdaman niya . "Anong nakakatawa ? " "Ilang beses na tayong nagkita lately , noong na grocery ka asar na din dahil sa ampalaya . lyong ampalaya kasi , binababad muna sa tubig na may asin para mawala ang pait . " "Alam ko , pero iyong ampalayang kilala ko . Kahit habang buhay mo atang ibabad sa asin , hindi na gaganda ang lasa .

Kaya mabuti pa itapon ko na at makipagdate ako sa iba . Teka single ka pa diba ? Gusto mong magdate tayo ? "Muntik na siyang masubsob nang bigla itong nagpreno at napatitig sa kanya na para siyang nakakatawang bagay sa tabi nito . "Ayaw ko nang may sabit , " "Single na ako as of 15 minutes ago . "sagot niya . "Wow , ibang klase ka rin Miss . Ganun kadali kang magpapalit ng ka - date . " "Oa naman . "Napapangusong saad niya dito . Ang totoo hindi niya pinangrap na siya ang mag - initiate sa lalaking gusto niya noon .

Pero dahil saksakan ng katorpehan si Clarence kaya napilitan siyang ligawan ito kaysa mag - antay na lang siya . "Mas madaling magmove on kapag may kapalit kaagad ,"palusot niya . "Hindi ko alam kung anong trip mo , pero sige . Masyado akong free ngayon dahil abala sa panliligaw ang boss kong tanga ." "Talaga , nililigawan na niya si Yuri ? Wala pang ikinukuwento ang babaing iyon ah . " "Hayaan mo na sila . Saka mabait naman talaga ang boss ko na ' yon madali lang talagang mauto , dahil madali rin siyang maawa sa mga nagpapa - aawa .

" "Pero mukhang mahihirapan siya kay Yuri , kaya dapat tulungan mo ang boss mo , "utos niya dito . Kung puwede nga lang sabihin niyang para sa anak ng mga ito pero nagpigil siya . Kahit gusto niyang tulungang magkabalikan ang mag - asawa . Desidido si Yuri na huwag ipaalam kay Zade ang tungkol kay Baby Zayu . At ayaw naman niyang pangunahan ito . "Then we could use your date offer para magkalapit sila nang hindi halata diba ? "Biglang turan nitong ikinalingon niya dito . "Oh m ... gy , Javier ang witty mo . "Di niya napigilang puri dito . "Maliit na bagay .

Pakiramdam ko naman kasi mukhang may pag - asa pa sila , "katuwaan ang dala sa kanya ang sinabi ni Javier . 57 Date Me "Bakit ba hindi naiisip ni Clarence ang ganyang bagay . Di ba mas madali sana ang lahat . Okay we have a deal then . Let's play cupid for Zayu's sake . " "Za .... Ano ? "Claim "Ah ang ibig kung sabihin , for Zade and Yuri , ganun . Parang love team ba , "alanganing sagot niya dito pero parang nagdudu naman ang tinging ipinukol sa kanya saglit ni Javier . "Anong ibig sabihin nang love team - "wala sa sariling tanong nito na ikina - ikot ng mata niya .

Saang planeta ba nangaling ang taong to ? "Nahawa ka na siguro sa boss mo ano ? "Zindy Rivera Paktay ka na Clarence ... So kaya pala ZAYU . Mas witty si Moira .... maraming salamat po sa mga nag - aabang . Enjoy reading huwag sana kayong magsawa sa pagmamahal kay Zade at Yuri 28 Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.