Chapter 12
Giit Ko Sa Sarili Ko
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 921 words
9 : Become my Family - 2 "Sabihin mo nga Aling Susan , si Yuri ba . " "Itinulak si Miss Atasha , "umiling ito . "hindi ho Sir , sinugod niya si Ma'am , nakaiwas lang si Ma'am Yuri kaya nadapa si Miss Atasha . Bakit kasi nagpupunta siya dito . Alam naman niyang aalis na rin si Ma'am Yuri . Nagtataka lang ako kung bakit parang hindi man lang kayo naaawa sa asawa n'yo , Maiwan ko na kayo sir . "paalam nitong tumalikod na , pero huminto ito ng biglang may naalala . "Iyong mga damit po pala , ayos lang ba kung ipapamigay ko na lang . Magaganda pa kasi iyon eh .
Alam n'yo kasi iyong mga damit na iyon pinili niya dahil gusto niya . Sobrang pihikan si Ma'am Yuri sa mga gamit at matipid rin . Nakakapanghinayang lang . " "Gawin n'yo ang gusto n'ya . Ah , bakit nga pala siya sumuka ? " "Hyper acidity daw ho . Uminum na raw siya nang gamot ." "Ganun ba , sige . Salamat . "nasabi ko na lang saka ko ito iniwan . Natagpuan ko ang sarili kong patungo sa silid ni Yuri . Ilang sandali na akong nakatayo sa may pinto . Nag - aalangan na parang may nagawa akong pagkakamali dito . I just want to check on her . Giit ko sa sarili ko .
Saka ko nagawang ipihit ang door knob para buksan ang pinto . Katahimikan ang bumungad sa akin . Habang nakatuon ang atensyon ko sa babaing mahimbing ang tulog sa gitna nang kama . Pero sa halip na lumapit pa dito ay mabilis na akong lumabas ng silid nito . DALAWANG araw ang matuling lumipas . Pagkatapos nang nangyari ay hindi na kami halos nagkikita ni Zade . Pabor naman sa akin dahil mabuti na rin ' yon . Naipadala ko na kay Moira ang mga painting materials ko . Sa susunod na araw na ang dating ng mag - asawang Dela Merced . "Malapit na tayong umalis dito .
"kausap ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang aking tiyan . Wala pa rin namang gaanong pagbabago sa katawan ko , malibang nararamdamang kong pumapayat ako dahil nagiging pihikan na rin ako sa pagkain . Minsan pa nga wala akong gana sa pagkain kaya nakakatulog na lang ako nang walang kain . Kaya binabawi ko na lang sa pag - inum ng gatas at vitamins at kapag may prutas akong gusto . Pero nitong nagdaang dalawang araw , parang madalas gusto kong makita si Zade . Pero alam kong kailangan kong pigilan ang sarili ko . Dahil hindi tamang nararamdaman ko na parang gusto ko talaga siyang makita .
"Yuri ! "nagitia ako sa tinig na ' yon . Magkasama nga pala kami ni Clarence . Nangulit itong gusto umanong makita ang bagong painting na ginagawa ko . I consider him as one of my top fans kaya pinagbigyan ko ito . Naroon kami ngayon sa apartment ko . "Ano ' yon ? " "Tinatanong ko kung magiging komportable ka ba dito ? Maliit lang ' to at- " "Mas gusto kong maliit na place lang , Clarence salamat sa offer pero nakakahiya talaga ang suggestion mong tumira ako sa bahay mo ." "Ewan ko ba kasi , parang hindi ko matiis na dito ka titira . Hindi bagay sa'yo.
" "Hindi ako namimili ng tutuluyan ko Clarence , sapat nang may masisilungan ako na ligtas at matatawag kong sa akin , "anitong tipid kong nginitan . "Okay sige , but I suggest papalitan ko iyong lock , tapos dapat may double lock ka rin para safe . At huwag mo nang tangihan para hindi ako mag - alala . " "Alam mo nakaka - inis kayo bakit parang wala ako dito kung mag - usap kayo ha . "Nakasimarigot na saad ni Moira . "Sabihin mo nga , may gusto ka na ba sa kaibigan ko ha Clarence . Feeling close ka na d'yan eh ." "Masaya lang akong nakikita ko si Yuri .
Sabi mo nga parang soulmate kami , but not romantically . Solong anak ako kaya feeling ko si Yuri ang kapatid na gusto kong magkaroon ako . " "Talaga , kung sabagay pareho ang kulay nang mata n'yo . Teka baka naman nawawala mong kapatid si Yuri ! "bulalas ni Moira na ikinailing ko . "Tumigil ka nga , kasasabi lang ni Clarence nag - iisang anak siya saka may mga magulang at kapatid ako . "mahinang saad ko . Ang totoo may pagkakataong tinatanong ko rin sa sarili ko kung ampon ba ako nila Mama . Dahil kahit minsan hindi ko naramdamang mahal nila ako .
Mas mabait pa nga sa akin ang mama ni Moira "I'm not sure sa side ng Mama ko , hindi ko siya nakilala noong nagkaisip ako . Galit rin ang Dad ko kapag nagtatanong ako tungkol sa kanya kaya nasanay na rin ako . Mabait naman ang step mom ko kaya parang siya na rin ang Mommy ko . "pagkukuwento ni Clarence . "Pero puwede kitang maging pamilya Yuri . Matutuwa si Mommy kapag nakilala ka niya . "suhesyon ni Clarence na halatang excited . 71 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.