Chapter 13
Salamat Ng Sagad
Zindy Rivera - CrushRead · about 3 min read · 714 words
9 : Become my Family -3 "Ah ... pero may pagkamm ba tayo dito , gutom na ako eh . "nasabi ko na lang nang biglang kumalam ang sikmura ko . "Wala pero may mga convenient store sa baba , may grocery rin kaso wala pa tayong gamit dito para makapagluto ."paliwanag ni Moira na halatang disappointed .. "Sige baba lang ako para bumili , "ani ko . "Sasamahan na kita . Baka mahilo ka pa sa labas . "presenta ni Clarence na tumayo na rin . "Dito ka lang muna Moira , anong gusto mo , ibibili ka namin . " "Kahit ano na lang , bilisan n'yo ha ."habol na bilin pa nito .
Nasa 7th floor ang apartment ko kaya nag - elevator na rin kami . Pero pagdating ko sa convienent store wala akong maisip kainin . Until I decided I want pizza . Pumayag naman si Clarence na magdrive kami para humanap ng makakain kahit puwede naman sana kaming magpadeliver . Hindi naman nagtagal ay nakita namin ang hinahanap ko . "Hindi mo na sinagot ang tanong ko , Yuri . Gusto mo bang maging parti ng pamilya namin . Mas mapoprotektahan kita ."seryosong saad ni Clarence habang nag - aantay kami . "Ayos lang naman ako , saka Clarence kasi ... naiilang akong masyado kang attentive sa akin .
"nahihiyang saway ko dito . "Hindi ako sanay . " "OA na ba , sorry . Hindi ko kasi talaga alam kung bakit masaya akong kasama ka . As if I've found a part of me that has been missing for a long time . Hindi ko maexplain pero - wala akong ibang intensyon I just want to see you happy . Ang lungkot mo kasi at nasasaktan ako para sa'yo . " "Siguro sa hormones ko kaya pabago bago ang mood ko . Kaya huwag mo akong alalahanin pa ." "Kaya nga hayaan mo na lang ako , Yuri . Natutuwa lang talaga ako sa'yo . At dahil magkaibigan na tayo kaya umasa kang tutulungan kita sa abot ng makakaya ko .
And mind you hindi ako generous sa iba ha , kahit sa mga naging ex ko pa . At totoo gusto kong maging pamilya kita . "natatawa nitong pag - amin . "Ang suwerte siguro nang mga kaibigan mo . "pabirong saad ko . "Hindi rin , iilan lang ang kaibigang maituturing ko dahil na rin sa estado ko sa buhay . Mahigpit si Dad pagdating sa mga nagiging kaibigan ko . Pakiramdam niya pera lang ang gusto ng lahat sa akin . " "Buti hindi mo naiisip ' yan sa amin ni Moira . " "Hindi , kasi alam kong totookang tao Yuri . I can see it . At alam kong makikita rin ni Dad ' yon kapag nakita ka niya .
Kaya sa fifty - fifth birthday niya gusto kong i - invite kayo ni Moira . At bawal kang tumangi "Oo na , sa kulit mo sino pang makakatangi . "natatawang palatak ko noon naman dumating ang take out erder namin . At sa sobrang gutom kʊ ata hindi na ako nakatiis na bukasan ang isa . "Sa kotse ka na kumain , para mainit pang makain ni Moira ang pizza ."anito na kinuha na ang isang box . Ako naman ay walang paki - alam na kumuha nang isang slice at kaagad kong kinagat ' yon . Saka ako sumunod kay Clarence na naiiling na lang .
Subalit kong kailan palabas na ako nang pizza store ay saka ko makikita ko ang madilim na pares ng mga matang matalim ang titig sa akin . "Yuri! "basa ko sa buka nang bibig nito at halatang galit ito . Dahilan upang kumabog na naman ang puso ko . Zindy Rivera Hi Everyone Paki - add naman sa library n'yo .. Please # VOTE # na rin at paki - follow na rin sana .. Salamat ng sagad . 99+ 1 Comments LUCK DRAW M Vote 1.7K 10 Corthat pa admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.