Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 14 of 422 · Walang Emosyong Tangi Ko Dito

Chapter 14

Walang Emosyong Tangi Ko Dito

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 857 words

Conflict - 1 10 : Conflict PARANG TUMALON ang puso ko nang makita ko ang galit na mata ni Zade na nakatayo sa may kotse nito . Kasama nito ang assistant nitong si Javier . Ilang ulit ko nang nakita si Javier dahil madalas itong nagpupunta sa bahay kapag may iniuutos si Zade dito . Dalawang araw kaming hindi nagkita ni Zade , o mas tamang sabihing hindi ito nagpakita sa akin . "What are you doing here ? "malalim ang tinig at mabalasik ang tinging ipinukol nito sa akin ng makalapit ito at sumulyap pa saglit kay Clarence . "Hindi ba halata , bumibili ng pizza .

"sabat ni Clarence na masama rin ang tingin kay Zade . Si Moira ang nagkuwento ng tungkol sa amin ni Zade dito . "Hindi ikaw ang kinakausap ko Mr. Saavedra! "madililim ang mukhang baling ni Zade dito . "Alam ko , but I'm with Yuri kaya poprotektahan ko siya laban sa mga taong gustong manakit sa kanya . "Walang ligoy na sagot nito kay Zade . Mas matangkad ng kaunti si Zade kay Clarence , pero halos magkasing katawan lang ito . Clarence looks mature too , kaya hindi ito nangingilag kahit kay Zade pa . "Ano ka ba nang asawa ko ha ?

"Nagtatangis ang bagang na usig nito , pero hindi nakaligtas sa akin ang salitang asawa mula dito . Kita kong pagkuyom ng kamao ni Zade . And when did he address me as his wife . "Ako ..."nang aasar ang ngiti ni Clarence na ikinaisang linya ng kilay ni Zade . Nagulat pa ako ang baliwalang akbayan ako ni Clarence . "Ako lang naman ang poprotekta kay Yuri laban sa'yo . At sa mga taong mananakit sa kanya . Hinahantay ko nga ang annulment paper n'yo . I'll make sure you'll be out of Yuri's life as soon as possible ,"halata ang panunuya sa tinig ni Clarence . "What !

"Kuyom ang kamaong sambit ni Zade na lalong nagdilim ang aura nito . Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang galit na galit ito ngayon ? "Clarence tara na , "yakag ko dito , naiilang kasi ako sa pagtatalo ng mga ito , binalingan ko pa si Clarence asking him in silence na huwag na nitong patulan si Zade . At tumango naman ito na tila nauunawaan ako . Aktong tatalikuran ko na si Zade ng marahas nitong hawakan nito ang braso ko . "Huwag mong kakalimutang kasal pa rin tayo Yuri , have some manners , bago ka makipaglandian sa ibang lalaki .

"Matalim ang boses na saad nito , habang dama ko ang pagdiin ng hawak nito sa aking braso . Napalingon naman ako kay Clarence na nanunuyang tumawa . "For someone cheating on his wife with her sister , you talk like a saint , Dela Merced . " "Damn it ! Let's go Yuri ,"bakas ang pagpipigil ng galit sa namumulang mukha ni Zade na kinabig pa ang braso ku . "Hindi ako sasama , "may diing tangi ko dito saka ko kinabig pabalik ang kamay kong hawak nito . "We are getting an annulment soon Zade kaya wala ka nang karapatang manduhan ako . "Walang emosyong tangi ko dito .

If not for Clarence baka wala akong nagawa pa kundi sumama kay Zade . Pero dahil nasa tabi ko si Clarence para akong nagkaroon ng kakampi na hindi ko maipaliwanag . Kita kong labis na iritasyon sa mata ni Zade dahil sa pagtangi ko dito . "Huwag mong piliting kaladkarin pa kita Yuri , "banta nitong madilim ang tingin sa akin . "Sir ... "agaw pansin ni Javier dito . "May meeting tayo sa taas , "mahinang paalala nito sa boss nitong ipinaglihi ata sa kasungitan . "Kung ganun aali - " "Reschedule mo ang meeting ! "Pabulyaw nitong sagot dito pero sa akin naman nakatingin . "Sir ?

" "Puwede ba Zade be reasonable . Aalis na kami , Ikaw na rin ang nagsabi , ayaw mong sinasayang ang oras mo para sa akin ."saway ko dito saka nabilis na akong naglakad palayo dito . "Yuri ! GET BACK HERE ! "Sigaw nito . Pero hindi na ako lumingon pa . Wala na akong dahilan para matakot pa . May anak na akong dapat kong unahin . Kaya hindi tamang magpatinag pa ako kay Zade . Kahit ang totoo , dama ako ang malakas na pintig ng puso ko sa sandaling ' yon . "Good decision , Yuri , "ani ni Clarence na binuhay na ang makina nang kotse .

Mula sa rearview mirror kita ko pa ang nakatayo pa ring si Zade na madilim ang anyo . Bakas ang galit sa mga mata nito . "Sa tingin ko malaki ang problema ng asawa mo ,"basag si Clarence ni pananahimik ko kaya napalingon ako dito . 31 Comments LUCK DRAW > Vote 1.7K 10 Canthig- admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.