Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 122 of 422 · Nakatalikod Ito Sa Direkyon Ko

Chapter 122

Nakatalikod Ito Sa Direkyon Ko

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 871 words

68 : Back Home - 1 68 : Back Home IKA - APAT na araw namin sa hospital ngayon . Sa wakas pinayagan nang lumabas si Zade nang doctor . Pero ibig sabihin rin nu'n kailangan kong bumalik sa bahay nito . Nangako ako noong hindi na ako babalik sa bahay ni Zade pero wala naman akong choice ngayon dahil kasalanan ko kaya siya nasaktan . Papasok ako sa pinto nang private room ni Zade nang magsalita ito . Nakatalikod ito sa direkyon ko . Habang may kausap ito sa phone . "Siguruhin mong malalaman mo ang totoo , Javier , "may diing mando nito bago ito muling nagsalita . "Si Atasha nakalabas na ba ?

"he paused . Ako naman ay nakinig na lang saka napayuko . Plastering a fake smile on my face . Bakit ba kasi nasasaktan pa ako ? Ano bang paki - alam ko ? Lihim na nakuyom ko ang kamao ko . "Okay , sige balitaan mo ako kaagad . Ipaunawa mo sa kanilang hindi na nila puweding lapitan si baby Zen . They accepted the money kaya wala na silang karapatan sa bata . "lyon lang at tinapos na nito ang tawag . Ikinabigla ko ang huling tinuran ni Zade . Binayaran ba nito ang bata sa mga Montefalco ? Bakit ? Nagulat pa ito nang pagharap ni Zade nakita ako . "Kanina ka pa ba d'yan ?

"May bahid nang sarkasmo ang tinig nito na ipinagtaka ko . But I choose to ignore him . "Ngayon lang , "sagot ko saka ako lumapit sa maliit na paper bag na naiwan . Ipinakuha ko na kanina sa driver ni Zade ang gamit nito . "Kung ready ka na , nag - aantay na puwede na tayong umalis . " "Okay , "anitong bumuntong hininga . "Yuri , "tawag nito kaya muli akong napalingon dito . "Wala ka bang - "umiling ito . "Wala , I'll find it out myself , tara na . "nagtangis ang bagang na saad nito saka nauna nang lumabas . Nawiwirduhan ako sa kilos ni Zade .

Parang bumalik na ulit ito sa dating ugali nito noon . Pero ang higit na nagpapa - isip sa akin . Bakit kailangan niyang bayaran si Baby Zen sa sarili nitong ina ? Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan namin sa kotse . At sa paghinto nang sasakyan sa tapat nang mataas na bakod na bakal na gate . Mabilis na rumagasa ang mga alaala sa diwa ko . Wala akong natatandaang masayang alaala sa bahay na iyon . Pero hindi naman kasing hirap ng dating bahay kasama nang kinilala kong pamilya . 6 Back Home 1 Claim Bumilis ang pintig nang puso ko nang tuluyang makapasok na ang sasakyan sa gate .

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang paligid . Wala pa rin namang pinagbago . Maganda pa rin ang mansion ni Zade . "But I never belonged here . "piping usal ko bago ako kusang bumaba nang sasakyan . "Ma'am Yuri , "napangiti ako sa tawag na ' yon ni Aling Susan . Subalit umagaw sa atensyon ko ang ginang na katabi nito . Saglit akong napatitig dito . Pilit kinikilala ang pamilyar na ngiti nang babae . "Manang Elisa ... "mahinang sambit ko . "Yeah , she's Manang Elisa , "anang seryosong tinig ni Zade na nasa tabi ko na . Napitangala pa ako dito .

Kaya kita ko ang seryosong ekspresyon sa mata nito . "Teka , paano mo nakilala si - " "Importante pa ba ' yon , "baliwalang sagot nito saka ako nilampasan ni Zade . Ako naman ay nilapitan ng dalawang ginang na naroon sa may main door . Naiiyak pa si Aling Susan na pinasadahan ako ng tingin . "Ang ganda mo pa rin Ma'am Yuri ,"maluha - luha pang sambit nito sabay yakap sa akin . Masaya naman akong gumanti ng yakap kay Aling Susan bago ko binalingan si Manang Elisa . "Kumusta na po kayo ,"dama ko ang pag - init ng sulok ng aking mata .

Si Manang Elisa ang nagsilbing ina ko sa mga panahong madalas akong nalulungkot at nasasaktan noon . "Masaya po akong makita ulit kayo ,"ani kong hindi ko na napigilan ang pagbagsak nang luha ko . Alam kong nagtiis ito ng matagal dahil sa akin . "Ako din , masaya akong makita ka ulit . "sagot nito saka ko ito niyakap nang mahigpit . "Pasensya na kung hindi ko kayo nagawang hanapin . Kasalanan ko kaya kayo nawalan ng trabaho . Ang tagal ko na hong gusto kayong makita . "Di ko mapigilang ang emosyon ko sa sandaling ' yon .

Maliban kasi sa pangalan ni Manang Elisa wala na akong ibang impormasyon dito . "Kasalanan mo kaya maramin tao ang napapahamak . Kaya huwag mo na silang lapitan , minamalas sila dahil sa'yo , Yuri . "mula kung saan ay dinig ko naman ang tinig ni Mama Natasha . 68 Hack Home 2 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.