Chapter 123
Mananatili Tayong Kasal
Zindy Rivera - CrushRead · about 5 min read · 1,259 words
68 : Back Home - 2 "Batang ' to . Wala kang kasalanan . Ang tanging kasalanan mo lang ay napunta ka sa mga taong tulad nila Ma'am Atasha . "Basag ang boses na saad nito saka pinahid ang luha sa pisngi ko . "Teka paano po pala kayo napunta dito ? " "Kasi - " "Ni refer siya nang agency sa akin . Nalaman kong dati siyang nagtatrabaho sa mga Montefalco kaya tinangap ko siya . "salo ni Zade na ikinagkunot noo ni Manang Elisa . "Hindi ko ba manang ? " "Ay - ay oho Sir . "Napapatango pang sang - ayon nito . "Pumasok na tayo sa loob ,"anito pang kaagad na rin kaming sumunod .
"Iyong gamit n'yo pala Ma'am nasa kuwarto na sa itaas . "Imporma sa akin ni Aling Susan . "Umakyat ka na muna Yuri . Manang magpahatid na lang kayo kay Ivan sa bahay nila Dad ."Baling nito kay Manang Elisa . Noon ko napansing ang maliit na maleta sa may pinto . "Aalis po kayo ? " "Pansamantala lang , wala pa kasi ang Yaya ni baby Zen kaya si Manang Elisa muna ang nag - aasikaso sa bata . Babalik rin siya sa susunod na linggo . "Pag - aassure sa akin ni Zade kaya napatango na lang rin ako . "Hinintay lang talaga kitang makabalik , hija . Sige na . Magpahinga ka na muna .
Magkita ulit tayo sa susunod ,"anitong nagpaalam na at niyakap pa ulit ako . Masaya akong kahit paano nagkita na rin ulit kami ni Manang Elisa . "Ahmm .. "agaw atensyon ko kay Zade na pasunod kay Manang Elisa . "Maayos ba ang naging buhay niya ? "hindi ko napigilang tanong dito ng hindi ko na makita si Manang . Kita kong paglambot ng ekpresyon ni Zade na kaagad rin naman nagbago . "Oo . "Tipid na sagot nitong nagpaluwag sa paghinga ko . "Salamat kung ganun . "nasabi ko . Muli itong napatitig sa akin . Subalit mabilis na ako nitong tinalikuran .
Nagpasya akong umakyat na lang muna para magpahinga na rin sa dating silid ko sa second floor . Kaagad na akong nagtungo sa dating silid na ginagamit ko . Subalit natigilan ako nang Back Home 2 hindi ko mabuksan ang pinto . "Bakit naka - lock ? " "Ma'am Yuri , nasa kuwarto ho ni sir Zade ang mga gamit mo . Sabi ni Javier doon daw ipinalalagay ang gamit mo ni Sir . "Claim "Ano ? "gulat na tanong ko dito . "Nagpapatawa ba siya ? "asar na sambit ko . Tatlong taon akong nakatira dito bilang asawa ni Zade pero hindi ako natutulog sa kuwarto nito . Dahil ayaw niya . Kaya bakit ?
"Pabuksan na lang po itong dating room ko . Ako nang maglilipat ng gamit ko , "paki - usap ko dito . Iniwan kong nagkakamot si Aling Susan . Saka ako dumiretso sa kuwarto ni Zade para kunin ang maliit kong maleta . Kaagad ko namang nakita iyon kaya kinuha ko . Buti na lang hindi pa nailalagay sa closet . Palabas na ako nang makasalubong ko sa may pinto si Zade . "Anong ginagawa mo ? "salubong ang kilay na tanong ni Zade sa akin habang nakatitig sa maletang hila ko . Kaya tinaasan ko ito ng tingin . "Doon ako sa dati kong silid , "saad ko dito pero hindi ito umalis sa may pinto .
"Lalabas ako ." "Dito ka matutulog mula ngayon ," "Excuse me ! "hindi ko napigilan ang pagtaas ang boses ko . "Zade Larzon Dela Merced . Tatlong taon akong tumira dito bilang asawa mo pero never akong natulog ng magdamag sa kuwarto mo . Ngayon pa kayang empleyado mo -" "Mag - asawa pa rin tayo , Yuri . Saka paano mo ako maalagaan kung sa kabilang kuwarto ka . "Walang kangiti - ngiting tanong nito . "Una , hindi ka baldado para bantayan ko ang 24/7 . Ikalawa hindi magandang tingnan na magkasama tayo -" "Dahil ba kay Martin ? "matiim nitong usig na ikinagitla ko .
Paano naman napasok si Martin sa usapan . "Sabihin mo nga Yuri , ano ba talagang relasyon n'yo ni Martin? "Nagdilim ang anyo nitong sinalubong ang titig ko . "Ano naman sa'yo , kung may relasyon kami ni Martin . Wala siyang kinalaman dito . " "Mag - asawa pa rin tayo at kasal pa rin - "Hindi ko maiwasang matawa nang pagak dito . "Kasal , kasal lang tayo sa papel Zade . Because for your reason I don't even understand . Why do you keep clinging on that piece of paper . Hindi lang sa papel ang salitang asawa . At iyon ang wala sa atin .
Besides , para kuwestsyonin mo pa ako tungkol kay Martin ? Nakakalimutan mo bang may anak na kayo ni Atasha ? Sapat na grounds na para mapawalang bisa ang kasal natin . " "Stop saying impossible things , Yuri . Mananatili tayong kasal . At hindi na magbabago ' yon . Back Home ? Claim Hindi mo kailangang kilalanin si baby Zen . My parents will take care of him . Matagal na rin naman nilang gustong magka - apo . "seryoso pa ring sagot nito sabay buntong hininga . "Sa loob ng tatlong buwan , magiging mag - asawa tayo at - dito ka mananatili sa silid ko ! "May autoridad na dagdag pa nito .
Siguro kong ako ang dating Yuri na basta na lang susunod sa sinabi ni Zade . Baka sakali pa . Pero hindi . Matatag na sinalubong ko ang titig nito . Kita kong natigilan si Zade . "Ipapaalala ko rin lang sa'yo . Hindi ako bumalik sa bahay mo para maging asawa mo , Zade . I came because I had no choice . Pero hindi ibig sabihin wala na rin akong choice na umalis kapag ipinilit mo ang gusto mo . "Matatag kong saad dito na ikinabagsak ng balikat nito . "I will never sleep , or wish to sleep with you ever again . "Muli na namang nagtangis ang bagang nito .
"You wanna bet , I will make you sleep on my bed , Yuri "napaatras ako nang yumuko ito pero bago pa man ako makalayo ay nahapit na nito ang baywang ko , drawing me closer to him . Kulang na lang pigilin ko ang paghinga ko sa sandaling iyon . Tumambol ang pulso ko nang unti - unting lumapit ang mukha ni Zade sa mukha ko . Para akong kinakapos ng hangin sa baga ko . "NO ! "sigaw ng utak ko . Pero nanatiling tikom ang bibig ko at nakatitig sa matalim at galit na mata ni Zade . Zindy Rivera Hello , sa mga beautiful readers , may maling tsimis na darating ... Will make or break ...
Hehehe pero bukas na iyon . Isang update lang ang person ngayon . Pinagod ako ni Ninong Nick ahahahah .. Sa holiday baka 1 upate lang po ako mga madam kailangan nating magnilay - nilay . Pero bukas 2 update pa po .. salamat sa support . Sagad na salamat sa mga napaka generous sa MT #vote # . God bless you all 29 29 Comments LUCK DRAW > Vote 2.3K admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.