Chapter 124
Bakit Ba Masyado Ka Nang Matapang
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 898 words
69 : Push or Pull - 1 69 : Push or Pull MALAKAS akong napadaing nang walang kaabog - abog na tinapakan ni Yuri ang paa ko . "Damn it , Yuri ! "sigaw ko , feeling the pain on my foot . "Subukan mo pa ulit gawin ' yan . Ang injury mo ang susunod , "banta nito sa namumulang mukha . I was sure I saw the anticipation in her eyes in a snap of seconds . Buong araw akong hindi mapakali dahil sa sinabi ni Wendel . Tungkol sa batang sinabi nito . Kaya inutusan ko si Javier na imbestigahan iyon . Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko sa kaka - isip .
Paano nga kong may anak na pala si Yuri kay Martin . Iyon ang naglalaro sa isipan ko . But on the other part of my head naroon ang pagtutol . Bakit hindi sasabihin ni Yuri na may anak na ito sa ibang lalaki ? Kaya ang isang bahagi nang utak ko may munting tinig na bumubulong . Pero natatakot akong umasa . "Dadaan ako Zade , "mando nito kaya wala akong nagawa kundi ang umalis sa may pinto . Hindi biro ang sakit ng balikat ko na kahit ilang araw na kumikirot pa rin . And seeing Yuri's serious gaze , alam kong hindi ito nagbibiro . "Bakit ba masyado ka nang matapang ? "reklamo ko dito .
"Kasalanan ko ba ' yon ? "balik tanong nito sabay irap pero halos magkulay pula na ang mukha nito . Oo akong may kasalanan , kung bakit nagbago si Yuri . Kung bakit hindi ko na ito maabot ngayon . Kung bakit malamig pa sa yelo ang mga titig nito . "Pasensya na . Bumalik ka agad , palitan mo ang bandage ng sugat ko ,"nakangiwing bilin ko dito . At walang salitang umalis na rin ito . Asar na napahiga na lang ako sa kama ko nang magring ang phone ko . At muntik na akong mapamura nang makita ko ang larawang ipinadala ni Javier sa akin .
Muntik nang malaglag ang puso ko habang nakatitig ako sa larawan . Si Martin karga ang isang batang babae na cute na cute sa pink headband nito . Ang cute ito at hindi maitatago ang pagkakahawig nio kay Yuri . Magtitipa sana ako para malaman kong ilang taon na ang bata nang muling magmessage si Javier . Kaya napa - upo akong sa kama . 69 Push or Pull 1 Claim "Sampung buwan pa lang raw ang bata sabi noong Yaya . "Para akong nanigas dahil doon . I count in my head . Kung may anak kami ni Yuri nasa isang taon na dapat ang bata . Sa inis ko ay tinawagan ko si Javier .
"Sir , " "Sabihin mo , sinong ina nang bata ? Bakit kamukha ni Yuri ang anak ng Martin na ' yan ? "gigil at sunod - sunod na tanong ko dito . "Nagtanong ang tauhan natin sa nag - aalaga sa bata , pero hindi pa raw niya nakita ang ina nang bata . Inuuwi lang raw sa bahay nila Martin paminsan - minsan ang baby "paliwanag ni Javier . "Natutuwa raw kasi si Mrs. Alejeros sa bata na anak nga raw ni Martin . Ang sabi bawal pa raw kasing ipaalam sa iba ang tungkol sa ina nang bata . Komplikado daw kasi at baka makasira sa image ng mga Alejeros at ng pamilya nang babae . " "Ano ?
" "Ang speculation raw nang mga katulong , may secret affair daw si Martin sa babaing may asawa kaya - " "Bullsh * t "di ko napigilang sigaw . "Sigurado ka ba sa mga source mo Javier ? " "Galing mismo ' yan sa mga imbestigador , sir . Naisip ko nga baka - " "Shut up okay ! Mag - fact check kayo , huwag puro tsismis lang mula sa katulong ."Singhal ko dito . Sabay tapos ng tawag . "Secret affair sa babaing may asawa . "Nakuyom ko ang kamao ko sa inis . "I have to see them my self . "Iritadong nasabunutan ko pa ang sarili ko . "Anong ginagawa mo ?
"Natigilan ako nang makita ko si Yuri sa may pinto ng kuwarto . Bitbit nito ang medicine box para sa aking sugat . Kampati itong naglakad palapit sa akin . Wala na rin ang pamumula sa mukha nito . "Hubarin mo na ang damit mo , "utos nitong nasa medicine box ang atensyon para kunin ang gagamitin nito . "Hindi ba nandito ka para - "masamang tingin ang ibinaling nito sa akin . "Sasabihin mo lang kung hindi mo kaya ,"sermon nito . Bumuntong hininga pa ito bago naupo sa tabi ko at pormal ang mukhang isa isang tinatangal ang butones ng polo ko .
Nakayuko lang itong halatang ayaw salubungin ang titig ko . Gustong - gusto ko nang magtanong , kung totoo ba ang nalaman ko . Subalit tila naka - glue ang bibig ko na walang masabi . 69 Push or Puti 7 Claim 69 : Push or Pull - 2 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.