Chapter 21
Pikang Baling Niya Dito
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 1,016 words
His Evil Side - 2 "Fine I'm leaving ! "Padaboy nitong sagot sabay talikod . Alam niyang dapat sinusundan niya si Atasha pero hinayaan na lang niya ito . "Sir , tumawag na si Gray , "nagmamadaling turan ni Javier na ikina - angat ng tingiti niya dito . "Natrace na niya ang lokasyon ng asawa mo ! "Tila may spring ang puwet niyang napatayo mula sa swivel chair . "Nasaan , puntahan natin ." "Nga - ngayon na sir , kasi ... " "Kung busy ka . I'll go there myself . Humanda sa akin ang babaing iyon , "matiim niyang saad sabay kuha nang susi ng kanyang kotse .
Napapakamot namang napasunod si Javier dito . "Hindi na ako makakapag - asawa kung ganito katigas ang ulo mo . Malamang mabaliw ka pa lalo kapag tuluyan ka ngang nilayasan ng asawa mo , "mahinang lintaya ni Javier na sumunod na sa lift . "Huwag mo masyadong ipahalatang excited ka Sir . " "Ano ? "Pikang baling niya dito . "Hindi ako excited ! I'm pissed off ! " "Okay sabi mo eh . "Tumango - tango pang sagot ni Javier na halata namang hindi kumbinsido sa sagot niya . kaya lalo lang siyang naasar . "I DON'T think you'll be safer here , Yuri .
"Puna ni Clarence na dumating ring sa apartment ko . "Marami akong properties sa tingin ko ... " "Clarence ano na ba ? Ayos lang ako dito . I swear . Saka safe naman ako eh . Maganda ang security ng building at isa pa . Ayaw kong maging pabigat sa iba . " "Hindi ka pabigat okay , magkaibigan tayo ,"giit ni Clarence . "Kasi naman ang kulit mo na rin , Clarence , "sermon dito ni Moira na galing lang sa malit kong kitchen at dala ang niluto nitong fries , nagcrave kasi ako bigla at talagang inutusan pa nito si Clarence para daw magsawa ang anak ko sa fries .
"Kasama ko si Yuri kaya safe siya , saka pinapalitan mo na nga ang lock . Sa lahat ng floors dito itong apartment lang ni Yuri ang may digital lock . " "Mabuti na ' yon . Para hindi ako mag - aalala . Siya nga pala , invited kayo sa party next week okay . Dalawa kayong date ko . " "Ang harot mo naman Clarence , dalawang date talaga ang gusto mo ? Make up your mind okay . " "Bakit may boyfriend ka ba ? Wala naman diba ? " "Grabe ang sakit mong magsalita , "pairap reklamo ni Moira dito sabay tabig ng kamay ni Clarence na aktong kukuha nang fries . "Sa buntis at sa naglutu ' yan .
" "Akong bumili n'yan . "Ungot naman ni Clarence na ikinangiti ko pa . "Alam n'yo sana datipa pala akong namuhay mag - isa , malayo sa pamilya ko . Siguro mas masaya pa ako ngayon ."Nasabi ko na lang sa mga ito "Ngayong narealized mo nang hindi naman kailangan ipilit ang sarili mo sa pamilya o sa asawa mo , dapat mas maging masaya ka na . At magfocus ka na lang sa magiging baby mo . " "At sympre sa annulment mo . Oras na magfile na ang asawa mo ng annulment , gagamitin ko ang koneksyon ko para mapawalang bisa kaagad ang kasal n'yo . "Pag - aassure naman ni Clarence sa akin . "Tama !
Alam mo Yuri suwerte ka ring nakilala mo itong si Mr. Knight and Shining Armor mo . "Naka - ngusong saad ni Moira . Alam ko ang gusto nitong ipahiwatig naiinis itong masyadong attentive sa akin si Clarence . Pero sa tingin ko sadyang mabait lang si Clarence at matulungin kaya ganun . Wala naman akong nararamdaman o nakikitang may romantic feelings siya para sa akin . And I feel the same way too . I just feel safe with Clarence . "Hindi ko na alam kung paano ka pa pasasalamatan Clarence .
Kaya huwag mong damihan ang utang na loob ko sa'yo kasi baka wala na akong maipambayad , "pabirong saad ko dito . "Ayos lang , sabi ko nga ikaw lang ang kaibigan ko na galante ako . " "Eh bakit sa akin kuripot ka , ice cream lang libre mo kanina . " "Ice cream lang naman ang sabi mo ah saka - "natigil sa pagsasalita si Clarence ng tumunog ang doorbell na ipina - install rin nito . "Are you expecting someone ? "Kunot noong tanong nito . Umiling ako ng balingan ko si Clarence , "wala naman . Kayo lang naman ang nakaka - alam na nandito ako . " "Ako na .
"Presenta ni Clarence na kaagad na ring tumayo . Subalit may parti sa pagkatao kong tila inaataki ng kaba at mula kung saan dinig ko pa ang banta sa akin ni Zade . r "Sinasabi ko sa'yo pagsisisihan mo kapag nahanap kita . " "Anong ginagawa mo dito ! "Muntik nang umalsa ang puwet ko sa upuan ng marinig ko ang pamilyar na tinig ' yon na nagpabulis nang kabog ng pulso ko . "Hinanap ba talaga ako ni Zade . Nagawa ko pang lumingon sa direksyon ng pinto dahil doon . "Hindi ko alam na mas natindi pa sa baliw ang asawa mo , girl .
"Zindy Rivera Mukhang mas lalong nag - iinit ang ulo ng Zade ko . Hello everyone , maraming salamat sa walang sawang support . Sa mga di dipa naka - add sa nyong libarary . Please add na at palambing ng #VQTE sa mga nakadream app diyan ... Thank you so much po . May update ako mamaya . kay Marcus . Sana suportahan pa rin n'yo si Marcus para manatili siya sa top 10. Maraming salamat po . 38 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.