Chapter 22
Patuyang Banta Nito Clarence
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 906 words
14 : Huli ! -1 14 : Huli ! MABIBILIS ANG hakbang ko nang pumasok ako sa entrance ng apartment building kung saan naroon ang tinitirhan ni Yuri . "Sir sandali - "dinig kong habol ng security guard na abala sa pagseselpon nito . "Saan ho kayo ? Ngayon ko lang kayo na kita dito ? " "I'm meeting my wife sa 7th Floor bakit ? Unit 7112 "Walang gatol kong saad dito saka ko ito tinalikuran , heading my way to the lift . Nakita kong nag - iwan naman ng calling card si Javier sa guard na nagkamot na lang . "Mas gusto niyang tumira sa ganitong klasing lugar , how cheap of you Yuri Ann .
"Pikang lintaya ko . Bago sumara ang pinto ng lift ay nakahabol naman kaagad si Javier "Sir naman , masyado kang nagmamadali eh , "reklamo nito . Pero hindi ko na pinansin iyon . Dahil ang utak ko , abala sa pag - iisip kung paano ko parurusahan si Yuri sa ginawa nitong pag - alis ng walang permiso . "Eh di ba nga paaalisin mo na rin naman siya ? "Singit ng utak ko na lihim kong ikina - iling . Mula nang umalis si Yuri iyon na ang paulit - ulit na naglalaro sa utak ko . Pero kahit anong tangi ko iba ang ginagawa ko .
Sa wakas ay bumukas na ang lift kaya tuloy - tuloy na ring akong lumabas . Ilang pinto rin mula sa lift ang apartment na hinahanap ko . At walang pagdadalawang isip kong pinindot ng mariin ang maliit na bell button na naroon . Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto , para lang magulat akong makita ko si Clarence Saavedra doon . Saglit na hindi ako makahuma at tila may kung anong sumipa sa sikmura ko . Dala ng presensya ng lalaking nasa harap ko ngayon ? "Anong ginagawa mo dito ! "Matiim kung usig sa lalaki . Pero isang nakaka - insultong ngiti lang ang namutawi sa labi ni Clarence .
His young pero hindi kababakasan nang takot o pagka - ilang ang awra nito . "Ikaw ang dapat kong tinatanong n'yan ? Bakit nandito ka sa bahay ng asawang hihiwalayan mo na ? Huwag mong sabihing na mimiss mo si Yuri ? "Patuyang saad nito na ikinatangis ng bagang ko . "Wala kang paki - alam kung anong ginagawa ko dito , "asik ko kay Clarence . "Yuri ! "I called her out , saka ako humakbang papasok pero bigla na lang humarang si Clarence . "Move out of my way , Saavedra ! "Madiing utos ko dito . "What if I don't want too ? Sinabi ko na sa'yo I'll protect Yuri from you .
"Kompiyansang saad pa nito . "Sino ka para maki - alam sa problema namin . Umalis ka sa daanan ko ! " "No ! "Determinadong saad nito . Kita kong tumayo naman si Yuri at ang kaibigan nito . "Bakit ka nandito ? "Tila hindi makapaniwalang tanong ni Yuri . "Para ano pa ba ? Umuwi na tayo kung ayaw mong kaladkarin pa kita ngayon Yuri ! "Kuyom ang kamaong banta ku dite habang hindi ko inaalis ang titig ko dito . "Subukan mong humakbang , Mr. Dela Merced kung hindi ko bangasan ang mukha mo . "Patuyang banta nito Clarence .
"Ikaw ang mababangasan kapag hindi ka tumabi d'yan , "ganting banta ko dito . Akala ata ng lalaking ito wala siyang alam sa pakikipagbasag ulo . "Ano bang problema mo at ayaw mong tantanan si Yuri , baka nakakalimutan mong maghihiwalay na kayo . Kaya normal lang na maghiwalay na rin kayo ng tirahan . O baka naman gusto mo pang magpatira ng dalawang babae sa iisang bahay . Ibang usapan na ' yan Dela Merced . "Nanunuyang saad nito . "Ginaga- " "Zade ! "Sabat ni Yuri na napalapit pa sa likuran ni Clarence .
At halos mag - init ang bumbunan ko nang makita kong kumapit pa ito sa braso ni Clarence . "Huwag kang gumawa ng eskandalo dito ! " "Kung ayaw mong gawin ko ang eskandalong sinasabi mo , lumabas ka diyan at umuwi na tayo ! " "Yuri , you don't have to - " "Wag kang maki - alam sa amin Saavedra . "Kuyom ang kamaong sabat ko , pakiramdam ko kasi gusto ko nang suntukin ang mukha ng lalaking kaharap ko . Nagwawala ang utak ko sa isiping kasama ito ni Yuri sa bahay .
"Bakit , di ba kaya nang pride mong may ibang kasamang lalaki ang asawa mo , dapat higit kanino man ikaw ang mas nakaka - unawa sa nararamdaman niya , kapag nakikipaglandian ka sa kabit mo na kapatid pa niya ! "Walang prenong sabad ni Clarence kaya muntik nang umangat ang kamay ko kung hindi lang ako hinawakan ni Javier . "Yuri , sinasabi ko sa'yo . Umuwi na tayo , kung ayaw mong magulo tayo dito ! "Dama kong nagtatangisan ang bagang ko sa pagpipigil ng galit sa dibdib ko . Lalo't kitang kita ko ang kamay ni Yuri sa braso ni Clarence . "Let's go !
" 8 Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.