Chapter 24
This Was Never My Plan
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 876 words
Pagbabago - 1 15 : Pagbabago NAKA - UPO AKO sa gitna nang kama . Bababa na sana ako dahil nagugutom na ako pero nakita ko si Zade na palabas pa lang ng kuwarto nito kaya kaagad na akong bumalik sa silid ko . Binuksan ko ang bintana sa kuwarto para marinig ko kung lalabas na si Zade . Pero kumalam na ang sikmura ko hindi pa rin ata ito umaalis . Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahinang katok sa pinto ng silid ko . "Ma'am Yuri baba ka na ready na ho ang breakfast ,"anunsyo ni Aling Susan . At dahil gutom na rin naman talaga ako matapos kong magsuka kanina .
Kaya nagpasya na akong bumaba . Di ko na kita si Zade sa kumedor kaya nakahinga na ako nang maluwag . Pero kung kailan kakain na ako saka naman ito lumabas sa kusina na naka - apron pa . Kaya muntik ko nang mabitawan ang hawak kong kubyertos . Saka ako napatingin sa pagkaing nasa harapan ko . "Kumain ka na , "anito sa seryoso at malalim na tinig . Tumikhim pa ito . "I'd like to apologized - what happened last time , "anitong tuluyang ikinalaglag ng kutsarang hawak ko kaya lumikha iyon ng ingay . For three year , I never heard him say sorry . Kaya medyo kinabahan ako . "Ang clumsy mo ?
"reklamo nito na nangunot pa ang noo . "Nakakagulat kasing nagsosorry ka . " "I had no choice ! Para hindi ka basta na lang lumalayas dito sa bahay . Dapat nandito ka hanggang makabalik sila Dad . At ayaw kong nakikipagkita ka pa sa Clarence na ' yon . Maliwanag ba Yuri Ann . "Masamang tingin ang ibinigay ko dito . "Nagluto ka ba para kumbinsihin ako o para manduhan ako ? Alam mo Zade wala akong ibang kaibigan kundi si Moira at si Clarence , kaya sino ka para turuan ako ? " "Yuri , huwag mong sirain ang araw ko puwede ba . I'm trying to be nice to yo -- " "Then don't be !
"sansala ko dito . "Hindi ko gustong maging nice ka sa akin . Just treat the the way you treat me before . Iyong parang hindi nag - eexist . Iyon ang dapat mong gawin . Dahil iyon na rin ang plano kung gawin . "Walang prenong lintaya ko para itago ang kabang nag - uunahan sa aking dibdib . "Yuri bakit ba ang hirap mong kausap ? " "Eh bakit ba ang kulit mo rin kasi ? "Balik tanong ko dito . "Kung hinayaan mo na lang kasi ako di sana di mo kailangang magpretend na gusto mong itrato akong tao . " "When did I ever- Yuri , ikaw ' tong may mali pero bakit ikaw pa ang matapang ha ?
"usig nitong napapikit pa . ILANG ulit akong bumuntong hininga para kalmahin ang sarili ko . This was never my plan . Hindi ko gustong maging mabait kay Yuri pero sa mga sinabi nito kahapon . Hindi rin ako napakali kagabi dahil sa kung anong guilt na hindi ko maunawaan . At heto nga natagpuan ko pa ang sarili kong naghahanda ng almusal nito . Baliw na ata ako dahil paulit - ulit na naglalaro sa isipan ko ang sinabi nito kagabi . "Ikaw at ang pamilya ko , no one like me ? Kahit bilang tao na lang walang sinuman ang nagparamdam sa akin na mahalaga ako .
Ang gusto ko lang naman , mamuhay nang masaya , "at iyon ang ulit - ulit na umuusig sa utak ko . Bagay na hindi ko maipaliwanag kong bakit . "Subukan nating magkasundo Yuri , "nasabi ko kasabay nang pagmulat ko . Kita kong natigilan ito saka umiling . "Nakakapanibago ang kilos mo Zade at -"nabitin ang sasabihin nito nang magring ang phone ko . Nasa mesa ' yon kaya nakita kong si Atasha ang tumatawag . "at imposibling magkasundo tayo . "mahinang dagdag nito na lumamlan pa ang mga mata . Pero dahil walang tingil ang ring ng phone ko kaya napilitan kong sagutin ang tawag ni Atasha .
"Honey ! Nasaan ka na sabi mo sabay tayong magbreakfast . "Excited na saad ni Atasha sa kabilang linya . "Later na lang tayo magkita , meet me at the office before lunch . "Nagawa ko pang sabihin saka ko tinapos na ang tawag nito . Kita ko ang mapaklang ngiti sa labi ni Yuri na ikinairita ko . Pakiramdam ko kasi tinutuya ako ni Yuri . "Alam mong si Atasha ang -- " "Alam ko ! Alam kong siya ang babaing mahal mo at magiging ina ng anak mo , "paasik pang saad nito na nakaismid pa ang mukha .
Hindi ko alam kung nakangiti ba o kung gusto nitong umiyak dahil sa kislap sa sulok ng mga nito at sa kung anong dahilan parang bigla namang nanikip ang lalamunan ko . 2 Comments LUCK DRAW Vote admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.