Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 25 of 422 · Hindi Ako Puweding Magtagal Dito

Chapter 25

Hindi Ako Puweding Magtagal Dito

Zindy Rivera - CrushRead · about 5 min read · 1,041 words

Pagbabago - 2 "Fvck ! "Asar kong sambit dala nang part na nalalasahan ko . "Kaya ka nahihirapan ngayon Zade . Bakit hindi na lang natin tapusin ang lahat kahit walang basbas ng magulang mo . Buhay mo naman ' yan , at hindi ka na bata kaya- " "Yuri , ano bang gusto mong mangyari ? Wala akong ginagawang masama at kapatid mo si Atasha . Why do you hate her so much ? "Di ko napigilang usig dito . Hindi ko maintindihan kung bakit labis ang galit nito kay Atasha . Isang pagak na tawa ang kumawala dito . Kaya napikon na ako at hinampas ko ang mèsa .

I used to do that back then kapag nagtatalo kami ni Yuri at bigla na lang itong tatahimik . Pero sa sandaling iyong nakangiti pa rin ito . Ngiting hindi ko alam kung bakit tila mumunting karayom sa tumutusok sa loob ng dibdib ko . 質 Ngayon alam ko na , tanga ka nga Zade . " $ "What ! "Bulalas ko dito , dama kong pag - alsa nang dugo ko sa sinabi nito . "I manage to ran a multi - billion worth of business , tapos tatawagin mo lang akong tanga Yuri ! " "Yes . Akala ko nga noon perpekto ka Zade . Because you have everything : Money , fame , and looks . But for the past year . I realized .

Your .... brainless and heartless ." "Sumusobra ka na ! Kung ginagawa mo ' yan para paalisin na lang kita . Nagkakamali ka dahil tandaan mo ' to . You'll only leave me when I say so . "Pikang saad ko saka ako tumayo na . "Kumain ka na , nawalan na ako nang gana . Lintek ! "gigil kong sambit nang tumalikod na ako . NOON KO lang nagawang pakawalan ang luhang kanina pa gusto kumawala sa mata ko . Kahit malayo sa akin ang phone ni Zade dinig ko ang maarting boses ni Atasha sa kabilang linya . Ayaw ko mang maramdaman pero , hindi ko lang maiwasan .

Napakatanga ni Zade para hindi maintindihan na mali ang ginagawa nito . Pero baka nga sa akin lang mali dahil , nasasaktan ako . Pero para kay Zade walang mali dahil si Atasha naman ang mahal niya at isa lang akong asawang napilitan niyang pakasalan . Kaya bakit ayaw niya akong hayaan na lang lumaya at maging masaya ? Pass ten am na nang umalis si Zade . Saka ko tinawagan si Moira . Kailangan ko pa ring umalis . Dahil kapag nagtagal ako kasama si Zade siguradong malalaman niya na buntis ako . At iyon ang ikinatatakot kong mangyari . "Ano , gusto mong sunduin ka na namin d'yan ?

"Bungad nito nang sagutin ang tawag ko . It was my old phone na pinaglumaan pa ni Atasha dati at ibinigay sa akin ni Mama . Maingat naman ako sa gamit kaya awa nang diyos gumana pa naman matapos kong i - charge . Nagpabili lang ako ng charger kay Aling Susan , Lumang model na kasi iyon , buti malakas pa rin ang internet . Sa pagmamadali kasi kahapon . Naiwan ko ang phone ko sa apartinent Hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip eh ? Hindi ka ba niya sinaktan ? " "Hindi naman . "saget ko nagawa ko pang ikuwento ditong nagluto pa nga ng almusal si Zade .

"Naku girl baka naman natauhan na ang asawa mo at narealized niyang ikaw na pala ang kanyang - " "Tumigil ka nga , "saway ko dito . Muntik na rin akong umasa saglit kanina . Buti na lang nagpigil ako . "Gagawa ako nang paraan para makaalis dito . Hindi ako puweding magtagal dito . " "Okay . Waiting lang ako . Saka si Clarence gagawa rin daw siya nang paraan . Sa party kasama sa imbitado si Zade at inilagay ka niya bilang companion ng asawa mo . " "Okay, pero susubukan ko pa ring umalis mamaya , kung hindi ako haharangin ng mga security . "Ani ko dito .

Pakiramdam ko kasi nagmamadali na ring lumaki ang t'yan ko ngayon . Kaya kinailangan ko nang magdress dahil parang himigpit na ang shorts ko . "Sige pero huwag kang magpilit at baka makahalata ang bugok mong asawa . Oo nga pala , invited rin pala ang baliw mong kapatid at magulang sa party ng mga Saavedra . Investor rin pala ang kompanya nang Papa mo ang matandang Saavedra . " "Talaga ? "Nag - aalangang tanong ko dito . "Yep . Kaya dapat isama ka ni Zade . " "Ang dami mo kaagad nalaman ah ? "Nasabi ko . Never naman kasi akong hinayaang maki - alam ng ama ko sa negosyo namin .

At may ilang pagkakataong tanda kong pinapirma ako nang ama ko sa papeles na hindi ko naman na nabasa . Tungkol daw iyon sa shares na ipapangalan niya sa akin noong mag eighteen ako . Pero sa nakalipas na taon wala akong natangap na pera sa kanila . Sapat nang pinapakain nila ako araw araw at may inuuwian akong bahay . Pero si Atasha , may malaking cash allowance pa at may kotse noong nag - aaral pa kami na kahit na minsan ay hindi man lang ako pinasakay kahit umuulan pa . Sa isiping iyon muli na naman akong nakadama nang pait sa dibdib ko .

Kapag kasi naiiisip ko kung paanong walang pagpapahalaga sa akin ang sarili kong pamilya . Hindi ko maiwasang makadama ng labis na lungkot . Kaya nga gusto kong magbago ang lahat sa buhay ko . Gusto ko nang sarili kong pamilya . Masaya at iyong mararamdaman kong bahagi ako ng isang pamilya . Iyong hindi ako makiki - amot ng munting atensyon sa kahit na kanino . Lalo na kay Zade . "Hindi na ako mag - iisa dahil may anak na ako . "Nasabi ko saka ko hinaplos ang aking tiyan . admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.