Chapter 38
Ako Ang Fiancée Ni Zade
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 879 words
22 : Ruin "BAWAL KA dito Ma'am , "napalingon ako sa may pinto ng marinig ko ang tinig ni Aling Susan . "Hoy tanda , di mo ba ako kilala ? Ako ang fiancée ni Zade . Kapag ako hinarangan mo , lagot ka kay Zade . Soon ako na ang magiging amo mo . Kaya kung ayaw mong masesante huwag kang humarang diyan . "Mataray na lintaya ni Atasha na nakapamaywang pa . Najiling na napalapit na lang ako dito . Ano na naman kaya ang kailangan nito . Kung puwede lang pagbawalan ko ang mga security na papasukin ito ginawa ko na . Pero ano namang karapatan kong pagbawalan ang babaing mahal ng asawa ko .
Ewan ko ba kung anong nakita ni Zade kay Atasha . Maganda naman sana , napakasama lang ng ugali . "Pero hindi pa naman hiwalay si Sir kaya- "Huwag mo nga akong inisin tanda ! "Asik nito kay Aling Susan kaya napalapit na ako sa mga ito . Hindi pa naman ganun katanda si Aling Susan 45 pa lang naman ito . "Ano bang kailangan mo at nangugulo ka dito ? " "Oh there you are . Ikaw talaga ang sadya ko , babae . " "Ano naman ang kailangan mo ? "kibit balikat na tanong ko dito . Iba talaga ang kapal ng mukha ni Atasha . "I want the dress ! "deklara nito na ikinatawa ko . "Don't laugh at me .
Hindi ka naman sasama sa party kaya kukunin ko ang dress . "Nakapamaywang pang mando nito . "Baliw ka na ano ? Lahat ng sa akin gusto mong kunin ? "sumbat ko dito pero wala namang epekto kay Atasha ' yon . "Bakit , sino ka para magkaroon ng bagay na dapat para sa akin , ha Yuri ? Everything you have , belongs to me . "Kumpiyansang deklara nito . "Now give me the dress kong ayaw mong sabunutan pa kita diyan . "Makikita ang kompiyansa sa mukha ni Atasha habang minamanduhan nito si Yuri . "EVERYTHING you have , belongs to me Yuri . "Tahimik na sigaw ni Atasha sa utak niya .
"Dahil ampon ka lang ! "Nagawa pa nitong ngumiti . Sa pamilya si Yuri lang ang walang alam . Bata pa siya noon . Pansin na niyang iba ang pagtrato ng ina niya kay Yuri . Kaya nga ginagamit niya iyon para makuha niya ang mga bagay na nagugustuhan niya mula kay Yuri . She made sure that Yuri is always below her . Sa school , sa mga gamit , sa lahat . At lalo siyang naging madamot kay 1/2 00 15 O 22 Run - 1 Yuri nang marinig niya ang pag - uusap ng magulang niya noon . +25 Points "Malapit nang magdiesotso si Yuri . Kailangan na nating ayusin ang lahat .
Sawang - sawa na ako sa pagmumukha ng batang ' yan Gener . Kinikilabutan ako sa tuwing tatawagin niya akong Mama . " "Tumigil ka nga , kaunting tiis pa . Pasasaan maayos rin ang lahat . Sa ngayon dapat walang ibang makaalam na hindi tayo ang magulang ng bata . Lalo na si Yuri . Wala dapat siyang malaman hanggang maisaayos ang lahat . Kaya magtiis ka na lang muna . "Noong araw na iyon naunawaan na niya kung bakit siya ang mas mahal nang kanyang ina . Pero ang hindi niya maunawaan kung bakit may malaking shares na nakapangalan kay Yuri . Kung ampon lang naman ito .
At iyon ang labis niyang ikinaiinis . She kept quiet dahil ayaw niyang makasira sa plano nang magulang niya . Kung ano man ang inaayos ng mga ito . Pero naiinip na siya . She wanted Yuri out of her life . Out of Zade's life dahil may parti sa utak niyang natatakot sa pinapakitang emosyon ni Zade para kay Yuri . At iyon ang hindi niya matatangap . "Pumunta ka para lang diyan ? Akala ko ba binilhan ka ni Zade ng dress ? Dahil ba matipid masyado si Zade ? " "Of course not ,"deny niya . "Ayaw ko lang pumunta ka sa party kaya kukunin ko ang damit . " "Kung gusto mong kunin , di kunin mo .
Pero ikaw ang maghanap . "kaagad nagliwanag ang mundo niya sa sinabi ni Yuri . Parang ang bilis ata nitong kausap . "Fine ! Nasaaan ang kuwarto mo ? " "Eh di hanapin mo , "baliwalang saad ni Yuri pero hindi na siya nagdalawang isip pa . Nagmadali na siyang umakyat sa hagdan . Limang pinto ang nasa harapan niya . Nagmamadaling binuksan niya ang isa sa silid at sa hula niya ang masterbed room ' yon . Malamang kuwarto ni Zade . Mapangiti siya . Iyon ang magiging kuwarto nila ni Zade soon . Pero kailangan niyang magmadali inuna niya ang nasa katabing silid ng master bedroom .
At pagbungad pa lang niya alam na niyang kay Yuri iyon dahil sa malaking painting na na naroon . Comments 15 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.