Chapter 39
At Heto Na Naman Ako Ngayon
Zindy Rivera - CrushRead · about 2 min read · 500 words
22 : Ruin - 2 +25 Points 22 : Ruin - 2 Walang pagdadalawang isip na pinasok niya ang silid nito . Pero hindi niya maiwasang makadama nang inis ng makitang napakaayos ng silid ni Yuri . Malayong malayo sa silid nito sa basement ng bahay nila . "Hindi ka bagay dito , Yuri , asik niya na parang nasa harapan niya ito . Then she went to open the closet . Mabilis na inisa isa niya ang dresser looking for the dress . Kakaunti lang ang laman ng damitan pansin niya . Pero nabuksan na niya ang lahat ng pinto ng drawer wala siyang dress na nakita .
Kaya sa inis niya ay hinablot niya ang ilang nakahanger at itinapon sa sahig . "Nasaan ang lintik na dress , Yuri ! I need to see it myself . "Gigil niyang saad . Habang walang habas na pinagtatapon ang mga gamit ni Yuri sa closet . "What the hell are you doing ! "Tila siya nanigas sa malakas na tinig na ' yon sa kanyang likuran . NAGPASYA AKONG umuwi ngayon . Isang bagay na hindi ko alam kung bakit ko naisip . Kahapon basta na lang din ako umuwi para sermunan si Yuri pero hindi ko naman nagawa . At heto na naman ako ngayon . Hindi ko ugaling umuwi ng lunch .
Pero nagtaka ako nang maabutan kong nakatayo si Yuri sa may hagdan katabi si Aling Susan . May kung anong pinag - uusapan ang mga ito . "Bakit n'yo ibibigay ang dress n'yo sa kanya ? "dinig kong tanong ni Aling Susan . "Kung mahahanap niya di sa kanya na . "nakangiting saad ni Yuri na tila ba nasisiyahan sa kung ano . "What's going on here ? "Kapwa pa napalingon sa akin ang dalawang nakaharap sa hagdan .
"Naku sir , iyong si Miss Atasha mukhang baliw na sumugod dito , hinahanap ang dress ni Ma'am Yuri , "lintaya ni Aling Susan , habang si Yuri nakangiti lang pero kita ko sa mata nito ang lungkot na tila gusto nang umiyak . "Ano ? "sambit ko . "Pagsabihan mo ang babaing mahal mo . Mukha na siyang tanga . "napapalunok nitong saad saka tumalikod na . Sa malalaki kong hakbang nagawa kong marating ang silid ni Yuri . "Nasaan ang lintik na dress Yuri . I need to see it myself . "Dinig ko ang gigil na tinig ni Atasha .
At kaagad na umalsa ang dugo ko nang makita ko ang nagkalat na damit at gamit sa sahig . "What the hell are you doing ! "Kita kong natigilan ito sabay lingon sa akin . Kaagad nawalan nang kulay ang mukha nito . OO 15 OONN O Vote 2.2K 0015 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.