Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 40 of 422 · At Sa Kamalasan Bigla Pang Umulan

Chapter 40

At Sa Kamalasan Bigla Pang Umulan

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 934 words

23 : Stop Crying - 1 23 : Stop Crying Flashback "YURI BILISAN Mo nga ! "Mataray na utos sa akin ni Atasha . +25 Points "Saan ba tayo pupunta , Atasha . "Nakayukong tanong ko kay Atasha habang pilit akong hinihila nito . Galing kami sa eskuwelahan . Wala pa raw ang sundo namin kaya lalabas na lang daw muna kami ng campus . Inayos ko ang reading glass ko . Habang hila hila ako ni Atasha . "Baka dumating ang sundo natin ?"sabi ko pa pero biglang huminto si Atasha at namaywang sa harapan ko kaya napayuko ako . "Kasi ... " "Susunod ka ba o mag - iingay ka na lang .

Bibili lang tayo nang pagkain at sasamahan mo ako . Kung hindi isusumbong kita kay Mommy , "banta nitong hinawi pa ang nakatirintas nitong buhok . Laging maganda ang pagkaka - ayos na buhok ni Atasha pero sa akin nakalugay lang dahil iyon lang ang kaya ko . Never kasi akong inayusan ni Mama . Mas maputi rin ang damit ni Atasha dahil laging bago samantalang sa akin iyong mga pinaglumaan lang niya . Kahit ang sapatos ni Atasha makintab at maganda . Bumuntung hininga na lang ako at napasunod dito . Ayaw kong pagalitan at mapalo na naman ni Mama .

Hindi ko kabisado ang daan sa paligid dahil lagi naman kaming may school service . Kaya hindi ko na napapansin kong saan kami papunta . Pumasok kami sa isng eskinita at muling lumabas . Kalsada na iyon at wala naman akong nakikitang nagtitinda doon . "Nasaan na tayo . "Kinusot ko pa ang ilong kong nangati dahil sa alikabok mula sa mga nagdaraang sasakyan . "Ibili mo ako ng babana que . Doon sa kabila . "utos nito sabay turo ng kabilang kalsada . "A - ako . Di ... di pa ako marunong tumawid . "napapayukong tangi ko .

Grade 5 na ako pero dahil hindi naman ako laging pinapalabas ng bahay kaya marami akong hindi kayang gawin . Isa pa ang laki ng kalsada paano ako tatawid tapos may nga sasakyan pang dumadaan . "Ang tanga mo naman Yuri! Tumakbo ka lang at bumili ka tapos tumakbo ka ulit . Bilis ! "Mando nito na umalsa pa ang kamay kaya napaatras ako . "Bilisan mo kung ayaw mong isumbong kita kay Mama . " "O - Oo na . "Sagot ko , huminga pa ako ng malalim bago ako tumakbo ng malayo pa ang isang sasakyan . 00 15 OONN 111 1/2 23 : Stop Crying - 1 +25 Points "Mabilis lang diba !

"sigaw nito sa kabilang kalsada . "Bumili ka bilis . "Palapit na ako sa tindahang naroon nang maalala kong wala nga pala akong pera . Hindi naman ako binibigyan ni Mama ng baon . Si Atasha lang dahil ito raw ang magbibigay sa akin dahil ito ang mas matanda . Pero never akong binigyan ni Atasha . Kaya sa tuwing recess wala akong snack . Wala ring nagbibigay sa akin na classmate namin dahil inaaway ni Atasha . Paglingon ko para sabihing wala akong pera . Hindi ko na nakita si Atasha . "Atasha ! "sigaw na tawag ko dito . Gusto ko sanang tumawid pero dumami na ulit sasakyan .

At sa kamalasan bigla pang umulan . Kaya napatakbo ako sa tindahan . "Oi bata ! Huwag kang magnanakaw sa paninda ko ha . "anang babae na may makapal na kilay at nakangusong mapulang labi . "Hindi po makikisilong lang po , "napapayukong saad ko . Lalong lumakas ang ulan kaya nagsumiksik ako sa tabi ng tindahan pero dahil may butas rin ang yero sa bahaging iyon kaya natuluan rin ako . Nabasa na rin ang sapatos kong idinikit lang ni Ate Silia nang glue . Hindi pa kasi bumibili ng bagong sapatos si Atasha kaya wala pa akong magagamit .

Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal nakasiksik sa gilid ng tindahan . Hanggang sa tumila na rin ang ulan . "Ne uwi ka na sa n'yo . Huwag ka nang tumabay diyan , "taboy sa akin ng babae . Kahit hindi ako sigurado kung paano makakabalik ay nagpasalamat na lang ako sa babae na nagliligpit na nang paninda nito . "Malas na ulan naman oo ... "Hinantay kong mawala ang mga sasakyan bago ako tumawid . Nagawa ko naman nang maayos kaya natuwa na rin ako sa sarili ko . Nagsimula na akong maglakad babalik sa daang tinahak namin kanina . Pero hindi ko na makita ang eskinita na dinaanan namin .

Pabalik balik akong naglakad . Wala ring gaanong tao sa bahaging iyon . Nagsimula nang dumilim at nakadama na na ako nang takot . Basa na rin ang paa dahil napasok nang tubig ulan . "Atasha . "Nanginig pa ang boses ko habang tinatawag ko ito . "Mama . Papa . "Nagawa kong sambit . Pero muli na namang bumuhos ang ulan . Kaya napatakbo ako sa ilalim ng malaking puno . Pero baliwala rin dahil tuluyan na akong nabasa . Tanging mabibilis na sasakyan ang nakikita ko . Habang unti - unti nang dumidilim ang paligid . Parang malalamig na yelo ang malalaking patak nang ulan sa balat ko . "Atasha .

"naiiyak na tawag ko dito . Comments 00 15 LUCK DRAW > 2.2K 1 Vote N ||| admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.