Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 41 of 422 · Opo Nagawa Ko Pang Tumango

Chapter 41

Opo Nagawa Ko Pang Tumango

Zindy Rivera - CrushRead · about 7 min read · 1,510 words

23 : Stop Crying - 2 +25 Points Hindi ko kasi matandaan ang dinaanan namin kanina . Kung makakabalik nang ako sa school . Baka matulungan ako ng guwardiya o kaya nang teacher . Pero padilim na rin kaya natatakot na ako at nanlalamig na rin . Muli akong naglakad para hanapin ang daan pero sa bawat maliliit kong hakbang tila lalong lang akong naliligaw . "Mama , Papa , Atasha .. "sigaw ko sa kawalan . Lumalakas na rin ang pag - iyak ko kasabay ng paglakas ng ulan . "Mama , Papa , tulong . "mahina pero paulit ulit kong tawag . Habang walang tigil ako sa paglalakad .

Nagsimula nang magliwanag ang mga poste sa daan at tumila na rin ang ulan . Walang parte ng katawan ang hindi basa kaya nanginig na rin ako . Hindi ko na pinansin ang pagkalam ng sikmura ko . Kaunti lang ang lunch ko dahil limitado ang pagkain na ibibinigay sa akin ni Mama . Tapos wala pa akong snack . Wala rin akong pera . Hanggang makarating ako sa may simbahan . Hindi pamilyar sa akin ang lugar na iyon . Madami namang mga tao . Pero parang wala man lang nakakakita sa akin . Iyong dalawang babaing nakapayong umiwas pa nang lumapit ako para sana magtanong .

Damang dama ko walang may gusto sa akin . Hindi ko na alam ang gagawin ko . Gusto ko na lang na maglaho sa sandaling iyon . Gutom at nilalamig na ako . Kaya nagpasya akong pumuwesto sa isang bench na naroon . Masakit na ang paa ko sa kakalakad pero kaya ko pa naman . Gusto ko na lang maka - uwi . Pero paano ? Mabilis kong pinahid ang luha ko . "Bata ayos ka lang ba ? "Dinig kong tanong ng isang tinig malapit sa akin . Pero hindi na ako lumingon dahil malabong ako ang kausap nang magandang boses na iyon . Noon naman kumalam ang tiyan ko kaya napahawak ako doon .

"Gutom ka na siguro , ito oh , sayo na . "Nagulat pa ako nang makita ko ang burger na gustong gusto ko at madalas kong maamoy sa bahay namin kapag umuungot si Atasha kay Mama ng burger . "Kunin mo na , "aluk nito . Noon ko ito tiningala sa nanlalabo kong mata . Kita kong nagulat pa ito . Natakot siguro sa hitsura ko . Pero sumilay ang maganda ang ngiti nito . "Bakit basang basa ka . Hindi ka dapat nagpapa - ulan . "Malumanay nitong saad . Hindi ko alam pero sa unang pagkakataon naramdaman kong tao akong kinausap ng taong kaharap ko . "Sa Immaculate ka nang - aaral bakit nandito ka ?

" "Kasi - kasi po ... "nanginig pa ang boses ko . 15 OONN O 23 Stop Crying - 2 +25 Points "Kumain ka muna . Mukhang gustom ka na . "Sabi nang teacher namin huwag daw tumangap ng kahit ano sa mga taong di mo kilala lalo na kung pagkain o candy . Dahil madami raw masamang tao . Pero sa sandaling iyon . Hindi masamang taong ang nakikita ko . Isang taong kumausap sa akin ng hindi nakasigaw o galit . At may pagkain pang gustong - gusto ko . Nagulat pa ako nang kunin nito ang kamay ko . Mainit ang palad nito . Saka inilagay doon ang burger . Hindi naman ako nagdalawang isip pa .

Gutom na ako at nilalamig pa . "Kainin mo ' yan huwag kang aalis / diyan . "Bilin nitong patakbo nang umalis . 1 Kaya kumain na lang ako para mawala ang gutom ko . "Ang sarap naman , "sambit ko . Ang babaw ko pero parang lahat ng pagod at takot ko nawala dahil sa burger na iyon . Sa tv ko lang napapanood ang ganitong pagkain . Nang minsang bigyan kasi ako nang katulong namin , napagalitan ni Mama at kinabukasan hindi na pumasok . Kaya kahit naawa sa akin ang iba . Wala nang naglalakas loob na tumulong sa akin . "Oh ... tubig .

"hinihingal pang saad ng lalaki na bumalik pa dala ang bottled water . Hindi na ako nahiya kinuha ko iyon at binuksan "Marami pong salamat . "Nasabi ko matapos kong makalahati ang laman ng bote . "Zade Larson ano na ? "Sigaw nang isang tinig na ikinalingon namin sa tatlong lalaking naroon sa di kalayuan . "Sandali lang . Susunod ako , "ganting sigaw nito . "Teka bata , makaka - uwi ka ba sa n'yo . May curfew ako kaya hindi kita maihahatid . Delekado ka dito maraming luko sa kalsada . Alam mo ba kung saan ang bahay mo ?

" "Alam ko po ang address pero - hindi ko alam kung paano makaka - uwi wala kasi akong pera . "Pag - amin ko dito . "Ah ... "sambit nito at may kung anong dinukot sa bulsa nito . "Saan ka ba nakatira ? "tanong nito saka inilabas ang brown wallet nitong mukhang mamahalin . "Sa Norton Village po . " "Malapit lang iyon dito . Halika . Pasasakayin na lang kita ng tricyle . " "Po ? " "Bilis na gumagabi na at basang basa ka . Sige ka papangit ka niyan , ang cute mo pa naman . Hindi ka safe dito kaya- "natigalan ito na napatitig sa akin . "Salamat po ...

"sambit ko kasabay ng pagpatak ng luha ko . Madalas akong umiiyak pero ngayon lang ako naiyak na masaya ako . 15 OINN O 23 : Stop Crying - 2 +25 Points "Hey stop crying , baka sabihin pa nila masama akong tao . Tara na . "yakag nitong hinawakan pajang- kamay mo . "Ito kunin mo ' to . "Inabot nito sa akin ang limang daang piso . "Wow , ang ganda naman nito . Totoong pera ito ? " "Oo naman . "natatawang saad nito . "Ibili mo nang pagkain kung nagugutom ka . Itago mo para di mawala okay . " "Opo , "nagawa ko pang tumango .

"Pero wala po akong ibabayad sa'yo ." "Walang bayad ang tumulong . Sige na itago mo na yan . "Utos nito saka ako isinama na sa sakayan ng tricycle . Ibinilin ako nito sa tricycle driver at kinunan pa nito nang picture ang tricycle . Ito na rin ang nagbayad nang pamasahe ko . Bago ako bumama ng tricycle sa mismong harap ng bahay namin itinago kong mabuti ang pera para di makita ni Mama . "Isang araw makakabayad di ako sa unang taong naging mabait sa akin , "nasabi ko saka ako naglakad palapit mataas na gate .

Pero pagpasok ko pa lang sa main door ng bahay , malakas na sampal na ang isinalubong sa akin ni Mama . "Peste kang bata ka ! Bakit ka umaalis ng walang paalam . Iniwan mo pa sa kapatid mo ang bag mo . Hindi mo katulog si Atsaha . "Napaigik na lang ako nang simulan akong hapasin at paluin ni Mama ng stick na hawak nito . "Peste ka talaga . Paano kung nawala ka ha . Masira ang lahat buwisit ka ! "Nakikita ko ang bawat hapas ng stick na hawak ni Mama na ikinatikom lang ng bibig ko . At habang sinasaktan ako naroon si Atasha nakangiti , si Papa naman ay umiling na lang at tinalikuran kami .

Gusto kong sabihing wala akong kasalanan pero baka mas lalo lang ako masaktan . Madalas umiiyak ako kapag sinasaktan ako ni Mama . Pero sa sandaling iyon . Wala akong kahit anong maramdaman . Hanggang sa nagdilim na lang ang paligid ko . read the authors note po . # 00 Zindy Rivera +25 Points Hi everyone . Salamat sa walang sawang support . Malapit nang magptr si Zade and Yuri . But I hope you keep supporting my story . Here on app . Monthly ranking na po kami pero probably next month pa ang laban ni Zade sa rank Huwag sanang magalit kung di madami ang update ko .

since may limit po ang word count namin sa ranking para sa snr .. Then another rank on longform ( monthly din po ) sana huwag kayong magsawa na sumuporta . May munting pa games ako sa readers ko .. Sa mga sasali pa abang na lang ng annuncement ko . lyong sa promotion end of the month din po ang announcement nu'n . Maraming salamat po sa mga sumasali . May mga post akong nakita pero wala sa wall ko..kaya di ko ma trace but mag announce pa rin ako ng mention sa mga hindi nagtag sa akin sa posting . Accepted pa din po until the final announcement salamat ng madami .

45 Comments LUCK DRAW Vote 2.2K OO 15 00 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.