Chapter 53
Ano Bang Ikinagagalit Mo Dela Merced
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 891 words
29 : She'll Pay - 1 29 : She'll Pay "ANO ! Nasaan siya ? Nasaan si Yuri ! "nag - iinit ang ulong usig ko kay Clarence na mukhang inosente talaga , inisa - isa ko na lang lahat ng guest room . At sa pangungulit ko pumayag rin si Clarence na pumasok ako sa silid nito . Pero hindi ako makapaniwalang makikita ko doon isa sa malaking painting ni Yuri . Painting iyon ng isang malawak na parang na may maraming puting bulaklak na hindi ko malaman kung ano . "Huwag ka ngang sumigaw , ' wag mong kalimutang nasa pamamahay ka namin . Bakit di mo kaya tawagan si Yuri ? "utos nitong umiling pa .
Kulang na lang idagdag pa nito ang salitang ' tanga ' base sa ekspresyon nito . Kaya nagmadali na akong tawagan si Yuri . Naka - ilang ring lang naman ng phone ay sumagot rin ito . Pero para lang manlumo ako sa tinig na narinig ko . "Sir , naiwan ata ni Ma'am ang phone niya , nakita ko dito sa backseat ,"ani Dan na siyang sumagot sa kabilang linya . Kaya sunod - sunod akong nagmura . "Lintek , bakit mo hinayaang maiwan niya ' yan ! "malakas na singhal ko dito . Sorry Sir , ngayon ko lang napansin ang phone pagtawag n'yo , "bakas ang kaba sa tinig ni Dan .
Nagpa - install ako ng tracking app sa phone ni Yuri para maiwasang mangyari ulit na maghanap ako sa kanya . Pero iniwan nito ang phone nito . Sinadya ba nitong gawin iyon ? "Nawawala ang asawa ko , hanapin n'yo siya . Tawagan mo si Javier ! "Utos ko dito saka ko tinapos na ang tawag . Hindi nakaligtas sa mata ko ang mapanuyang ngisi ni Clarence kaya iritadong binalingan ko ito . "Sabihin mo , saan mo itinago ang asawa ko ? "pakiramdam ko nanliliit ang mata kong nakatitig kay Clarence . Wala akong paki - alam kung pamamahay niya ' to .
Pero hindi ako papayag na layasan ako ni Yuri dahil sa lalaking kaharap ko ngayon . "Ano bang ikinagagalit mo Dela Merced ? Maghihiwalay na kayo ni Yuri . Hindi ba dapat mas pabor pa nga sayong iwan ka na niya para maging malaya ka ,"seryosong saad ni Clarence . Blanko na ang ekspresyon nito kaya hindi ko masabi kong wala nga itong alam . O baka nag - o - over think lang ako . "No ! It can't be ! Hindi puweding lumayas si Yuri . "iyon ang paulit - ulit na naglalaro sa utak ko . # 00 15 O "My wife has no where to go , kaya tumigil ka sa pakiki - alam mo.
"kuyom ang kamaong tinalikuran ko ito . "Yan ba ang dahilan kaya ayaw mo siyang umalis ? "usig sa akin ni Clarence na ikinahinto ko sa paghakbang pababa ng naghagdan . "Ayaw mo ba siyang mawala dahil alam mong wala siyang pupuntahan o dahil alam mong kailangan mo rin si Yuri bilang asawa mo ? "saglit na hindi ako nakahuma sa sinabi ni Clarence . Kailangan ko ang asawa ko ? Mapaklang ngisi ang pinawalan ko bago ko ito binalingan . "Concern lang ako sa kanya bilang asawa niya dahil hanggang kasal kami obligasyon ko si Yuri . lyon lang ang dahilan ko at wala nang iba .
, "matigas kong saad dito . "Kung ganun , ipasa mo na ang annulment papers , sisiguruhin ko sa'yong magiging mabilis ang lahat para hindi mo na kailangang hanapin si Yuri dahil lang obligasyon mo siya . Palayain mo na siya at hayaang maging masaya sa taong kaya siyang mahalin at alagaan . "Hindi ko alam kung bakit pero parang malakas na suntok sa sikmura ko ang sinabi ni Clarence . Subalit ipinagsawalang bahala ko na lang ' yon . "Kapag hindi ko naabutan si Yuri sa bahay , humanda siya kapag nakita ko siya . Pati ikaw ! "banta ko dito na ipinagkibit balikat lang ni Clarence .
Nakahilira pa rin ang mga sasakyang naroon sa parking area . Subalit nagpasya na akong umalis para malaman kung nasa bahay na si Yuri . "WHAT DO you mean na umalis na si Zade ? "Litong napatitig si Atasha sa usher na nilapitan niya . Hindi na kasi niya mahanap si Zade sa loob .. "Nakita ko ho siya kanina Ma'am . "Magalang na saad ng usher na ikinapadyak pa niya sa inis . "What wrong anak ? "kaagad na napasimangot si Atasha nang marinig ang boses na ng ina . Masama ang loob niyang pinagalitan siya nito kanina sa harap ng maraming tao . "Ano na namang mukha mong ' yan Atasha ?
Umuwi ka na , "seryosong saad ng kanyang ama . "Paano ako uuwi dad ? Umalis na si Zade , iniwan ako . " "What ! Bakit ? Ihinatid talaga niya ang kapatid mo ? "Bulalas nito . "Hindi ko alam Mommy, "pairap kong sagot dito . Comments # 00 15 ONK Vote 2.2K O LUCK DRAW 00 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.