Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 54 of 422 · Sa Kabilang Banda

Chapter 54

Sa Kabilang Banda

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 987 words

III O 29 : She'll Pay - 2 "Galit ka pa rin ba anak , huwag ka nang magalit . Kinailangan ko lang gawin iyon . Mula ngayon dapat maging mabait ka na kay Yuri , anak ha . "Nakangising saad ng kanyang ina na ikinasalubong ng kanyang kilay . "What do you mean , joke ba ' yan , Mom ? Alam mong ayaw ko kay Yuri ! " "Makinig ka anak , "seryosong saad nito na hinawakan pa ang kamay ni Atasha . "Sa bahay na natin pag - usapan yan , "seryosong saway ni Gener sa mag - ina nito na ipinagtaka ni Atasha . "Ano bang mayroon , bakit parang hindi ata ako nainform ?

"pangungulit ni Atasha pero hinila na ito ng ina nito pasakay nang kotse nila . SAAVEDRA MANSION "BAKIT WALA na ang kaibigan ni Clarence , I told her na kakausapin ko pa siya diba ? "usig ni Gaston sa asawa nito . "Hindi ko rin alam , nagmadali ring umalis ang anak mo kanina . Parang nag - aalala nga eh . Wala namang sinabi kong bakit ? Kausapin mo na lang pagbalik niya , "malumanay na saad ni Daisy dito . "lyong DNA test , magagawa ba ? " "Ah ... oo , "nag - iwas ang tinging saad ni Daisy .

"Sige na , magpahinga ka na muna , sabi mo masama ang pakiramdam mo diba , "taboy nito sa asawa . Dahil talagang kanina pa nanakit ang ulo ni Gaston hindi na rin ito tumutol pa . Besides si Daisy ang inaasahan niyang gumawa ng maraming bagay para sa kanyan kahit noon pa man . Sa kabilang banda . Palakad - lakad si Daisy sa opisina niya habang nag - aantay sa kanyang katiwala . Hindi naman nagtagal ay dumating ang isang matangkad na lalaking may seryosong tingin . "Madam , "magalang na bati nito . "Eric , sabihin mo ? Paanong kamukha ng batang iyon si Charlene ?

"nahihintakutang saad ni Daisy . Nang makita niya si Yuri kanina para siyang natakot sa multong matagal na niyang tinatakasan . "Namatay ang batang babae na kakambal ni sir Clarence nang ipinanganak iyon , "pag - aassure nito kay Daisy . "Kung ganun , sino si Yuri ? Anong kaugnayan niya kay Charlene ? Kailangan mong alamin ang lahat , Eric . Magwawala si Gaston kapag nalaman niyang may isa pa siyang anak at hindi ko sinabi ang 15 O tungkol doon , "panic na paki - usap niya dito . "Ako nang bahala Madam , "seryosong sagot nitong nagpaalam na .

PASS TEN na nang makarating ako sa bahay ko . Ang madilim na katahimikan ang sumalubong sa akin . Kaagad akong umakyat sa ikalawang palapag upang puntahan ang silid ni Yuri . Subalit malamig at nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin ng buksan ko ang pinto ng silid nito . Bumaha ang liwanag sa malamig na silid ng switch on ko ang ilaw . Napakalinis nang kuwarto at walang bakas na dumating na si Yuri . Naglakad ako palapit sa kama nang mapansin ko ang bagay sa ibabaw ng tokador . Naroon ang nakatuping papel , ang atm card nito ang ang jewelry box na regalo ng aking ina kay Yuri .

Tatlong taon nang na kay Yuri ang mga gamit na iyon pero hindi ko nakitang isinuot niya kahit minsan . "Sana maunawaan mo na lang si Yuri hijo , bukod sa pagiging waldas sa pera eh maluho rin ang batang ' yan dahil lumaking nasusunod ang lahat ng gusto . Ikaw na sanang bahalang magturo sa kanya nang tama . "Mula kung saan ay dinig ko ang tinig ni Natasha . Sinabi nito iyon matapos ang kasal namin ni Yuri . Ito rin ang nagsabing may pagkarebelde si Yuri at mahilig umalis ng walang paalam , kaya nag - aalala ito . They even told me na mahilig sa mamahaling gamit si Yuri .

Pero ang mga iyon , hindi ko nakikita kay Yuri . Noon hindi na ako naniniwalang rebelde nga itong anak , until recently . Dahil na witness ko ang ugali nitong iyon . Bihira kaming magkita ni Yuri sa tatlong taong pagsasama namin bilang mag - asawa . Pero alam kong masama nga ang ugali nito dahil baliwala dito ang magulang nito . At iyon ang ikina - iinis ko kay Yuri . Wala itong pagpapahalaga sa pamilya . Tulad na lang ngayon basta na lang itong nawawala nang walang paalam kahit hindi ko pinayagan . "Kapag nakita kita , humanda ka sa akin Yuri . I'll make you pay for this .

Ginagawa mo akong tanga ! "madiing usal ko habang napapahigpit ang hawak ng kamay ko sa jewelry box nito . Alam kong madali kong mahahanap si Yuri , wala naman siyang koneksyon at lalong hindi siya makakalabas ng bansa . "Mahahanap rin kita Yuri Ann ! At pagsisihan mo kapag natagpuan kitang babae ka ! "Matiim kong saad sa kabila nang kakaibang pakiramdam na umaataki sa pagkatao ko . 15 批 O Sub Pay - Z Zindy Rivera Kalma lang Zade , baka may pag - asa pa . Hehehe.Hi everyone salamat sa walang sawang support , lampas na ako sa limit ng wc ko kaya po isa isa lang muna tayo .

Huwag kalimutang maclaim ng free coins daily . Maraming salamat po . Iyong 2nd batch pa games ko binago ko nalang po instead na 1-4 lang ang makakakuha ng cash may add akong tatlong ( 3 ) 300 para sa share . Announcement will be on March 30. Sunday . 45 Comments LUCK DRAW > Vote 2.2K 00 admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.