Misery of His Unlove Wife Novel

Chapter 55 of 422 · Ganun Raw Talaga Si Yuri

Chapter 55

Ganun Raw Talaga Si Yuri

Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 919 words

30 : Baliw - 1 30 : Baliw "LINTEK ! "MALAKAS kong bulyaw sa mga tauhan sa harapan ko ngayon . Isang buong araw ang lumipas pero hindi mahanap si Yuri . Even the detective has not given me news yet . "Sir ,"kung i - report kaya natin sa pulis . Nag - aalangang suhésyon ni Dan kaya binalingan ko ito ng masama . "At anong magagawa ng pulis sa taong ayaw magpakita ha ! Mag - isip ka nga , "singhal ko dito na ikinayuko na lang nito . Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakaisip , magbibigay pa ito nang walang kuwentang suhesyon . Hindi ko akalaing lalayasan pa rin ako ni Yuri .

At iyon ang hindi matangap ng utak kong hindi ko na ata kayang kontrolin . "Nagdagdag na ako nang detective na maghahanap sa Misis mo . Pati sa airport nag - abiso na rin ako . Hindi pa naman siya lumabas ng bansa kaya mahahanap natin si Ma'am Yuri , "relax na pag - aassure sa akin ni Javier . Pero ako , hindi ko magawang magrelax . Hindi ako nakatulog kagabi sa kaka - isip kung saan ko pupuntahan si Yuri . Kahit sa apartment nito wala . Ang kaibigan naman nitong si Moira ay pinasusundan ko na rin . "Alam kong may kinalaman si Clarence Saavedra dito , sigurado ako doon !

"nagtatangis ang bagang nasa saad ko . "Pero buong maghapon kahapon hindi umalis si Mister Saavedra , ayon sa tauhan natin . At mukhang hinahanap rin daw si Yuri ? " "So what are you trying to say ? Na basta na lang makaka - alis si Yuri sa mansion ng Saavedra nang walang nakakakita . Hindi ako naniniwalang wala siyang alam . Sa yaman nila walang CCTV ang bahay , kalukuhan ! "pikang usal ko na naikumpas ko pa ang kamay ko sa ere . lyon kasi ang idinahilan ni Clarence nang sabihin kong gusto kong makita ang CCTV footage sa paligid ng mansion .

"Make sure na pagpapa - imbistiga ka sa lintik na lalaking iyon . Isama mo na rin si Martin Alajeros . " "Pati- "kusa ibinitin ni Javier ang sasabihin nang tinginan ko ito ng masamang tingin . "Okay ... magdadag ako nang tao . " "Isama mo na ang mga ' to , wala akong pakinabang sa kanila dito . Tatlo na kayong nakasunod sa asawa ko natakasan pa kayo , "singhal ko pa rin sa mga ito . Wala akong paki - alam kung sila ang maging shock absorber ko ngayon . 00 15 O "Sir , pasensya na pero , paano kung nagtago lang sa mansion ng Saavedra si Ma'am ?

"biglang sabat- ni Ivan ang isa sa bodyguard ni Yuri . Natigilan naman ako sa sinabi nito . "Sa tingin ko rin Sir , nakabantay kami sa mga exit , kaya imposibling hindi namin makita si Ma'm . "nag - aalangan pa ring saad ni Dan . "Kung ganun , kailangan alamin n'yo , "napapahilamos kong utos sa mga ito . "At siguruhin n'nyong mahahanap n'yo ang asawa ko sa lalong madaling panahon , "tiim bagang saad ko dito . Saka walang paalam na tinalikuran ko na ang mga ito . Sumakay na ako sa nag - aantay kong sasakyan . Hindi naman nagtagal ay nakasunod na rin si Javier na siyang magdi - drive .

Sumasakit ang ulo ko kaya naisandal ko ang ulo ko sa headrest saka hinilot ko ' yon . "Buwisit ka talaga Yuri Ann ! "gigil kong sambit . "Saan tayo Sir ? " "Sa Montefalco residence , "mabilis kong sagot . Hindi naman ito nagkomento . Isang oras ring ang ginugol namin sa biyahe para makarating sa Norton Village . Dahil kilala naman ako nang security ay kaagad na rin akong pinapasok , pero nagpasyang magpa - iwan na lang si Javier . At ganun na lang ang pagtataka ko nang mapansin ko na nagkakasayahan at nagsasayaw pa ang mag - asawa sa di kalakihang patio sa garden ng bakuran ng mga ito .

Tinawagan ko sila kagabi para sabihing hindi umuwi si Yuri . Pero ang sabi lang ni Mrs. Montefalco ay baka raw kung saang kaibigan na naman daw ito nagpunta . Ganun raw talaga si Yuri . Pero alam ko namang walang ibang kaibigan ang asawa ko . Kaya hindi ko alam kung sino ang mga kaibigang sinasabi nito . And how could they be celebrating , when I told them that Yuri left our house ? May wine pa akong nakita sa mesa at ilang pagkain at prutas na nakahanda . "It will be over soon , honey . Magiging atin na ang lahat , "bakas ang kasiyahan sa tinig ni Natasha Montefalco .

"Of course matagal na panahon rin tayong nagtiis at sisiguru- "nabitin ang sasabihin ni Gener Montefalco nang mapansin ako nito . Kaya kaagad na huminto ito sa pagsayaw sa asawa nito . "Zade , "Malambing na sambit ni Mrs. Montefalco nang makabawi sa pagkagulat . Pero hindi kababaksan ng pag - aalala ang mukha . Mukhang masaya pa nga ito . "What brings you here hijo ? "Noon ako nagpasayang maglakad palapit sa mga ito . Comments 15 Vote 2.2K admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.

With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.