Chapter 87
Kaya Magtiwala Ka Lang Anak
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 883 words
46 : The Invitation "NAIPADALA na ba ang mga imbitasyon ? "seryosong tanong ni Sir Gaston sa assistant nito nang dumating sa bahay . Palapit ako sa mga ito dala ang ihinanda kong inumin para dito at sa assistant nitong si Mr. Oliver . "Almost 70 percent na sir ng VIP ang naipadala na . "magalang na sagot nito . Maagang dumating kanina bago maglunch si Sir Gaston . Mula nang umuwi ako sa bahay ni Clarence , madalas na kaming nagkakasama sa pagkain . Maging si Clarence umuuwi na rin . Pero ang sabi sa akin ng kasama sa bahay bihira daw umuwi si Clarence noong wala pa kami .
Madalas raw sa condo nito ito nanatili o kaya sa main mansion ng mga Saavedra . Ganun ko nararamdaman ang pagpapahalaga nila sa akin at sa anak ko . "Zayu , huwag ' yan kay Lolo Sir ' yan , "saway ko sa anak kong may hawak na ballpen at papel nito . Hindi ko kasi sinasanay si Zayu sa mobile phone at gadgets kahit may tablet na itong regalo ni Clarence . Nag - eenjoy naman siya sa paglalaro niya . "Hayaan mo na anak . Hindi naman gagamitin ni Oliver ' yan . " "Mukhang gusto rin niyang nagpipirma , ano sir ?
Napakagandang bata , kamukhang - kamukha mo siya Ma'am Yuri , "di napigilang puna ni Mr. Oliver . "Ten you , "sagot naman ng batang makulit na ikinatawa ni Sir Gaston saka ginulo ang buhok ni Zayu . "Welcome baby Mia . Punta ka rin ba sa party ? "kausap dito ni Mister Oliver ? "No..no no hmm ... "sagot nitong umiling - iling pa . Napangiti naman si Mr. Oliver bago binalingan si Sir Gaston . "Malalaking tao ang ininvite natin dito , Sir . Pakiramdam ko tuloy may importanting mangyayari sa party . Kasama ba doon ang pagpapakilala sa babaing Saavedra ?
"kapwa napatingin sa akin ang mga ito at ngumiti naman si Sir Gaston . Mukhang concern ito sa damdamin ko . "Oo naman , kailangan ko nang ipakilala ang anak ko sa lahat . Dapat protektado siya ng pamilya ko . "seryosong sagot nito . "MOMMY , bakit ganun si Zade , napakasama niya ? "Mangiyak - ngiyak na sumbong ni Atasha . "Sigurado ka bang positive ang resulta nang test ha ? Mapagkakatiwalaan ba talaga iyong 46 The invitation 1 kilala ni Dad . "Claim "Oo naman , anak . Kaya kumalma ka lang . Mas lalo kang pagdududahan ni Zade kapag masyado kang nagpapanic .
Ang dapat mong siguruhin ay hindi lalabas ang tungkol sa - ano ba ' yon , insemination na iyon . " "IUI , ( Intrauterine insemination ) "sagot niya . Totoong may namagitan sa kanila ni Zade dahil siya ang nag - initiate ng lahat . Pero pumalpak iyon , hindi siya nabuntis . Kaya nang sumunod na buwan ginawa na kaagad niya ang plano niya . Iyon ang naisip niyang tamang rason para pakasalan siya ni Zade . Para na rin hindi ito magalit kapag lumabas ang totoo . She decided to take her chance . She wanted to make sure na makakasal sila ni Zade .
Akala niya hindi magtatagumpay ang IUI pero nabuntis nga siya . Kailangan kasi niyang panindigan ang deklarasyon niyang buntis siya . Kaya naging pabor sa kanya ang pagpunta sa ibang bansa . Pinalabas na lang niyang premature ang bata nang isilang niya . At salamat sa kanyang ina naagapan ang plano ni Zade na DNA test sa bata . Hindi niya alam kung anong ginawa ng ina niya para maisaayos ang plano kahit nasa US pa sila . Pero hindi na iyon ang mahalaga sa kanya . Ang importante lumabas ngang anak ni Zade si Zen . "Kumalma ka na , "may inilabas ito mula sa mini drawer na katabi ng couch .
And to her surprise invitation card iyon mula sa mga Saavedra . Ang event na gagawin ilang lingo mula sa araw na ito . "Oh diba , ipapakilala ka na bilang isang Saavedra , kaya magrelax ka . Kung noong nasa US nga tayo nagawan ko ng paraan ang anak mo , dito pa kaya . Nagawa ka nga naming Saavedra eh . Kaya magtiwala ka lang anak . Maraming koneksyon ang Dad mo kaya madali lang ang lahat . " "Mommy ... "tila batang tawag ni Atasha sa ina saka yumakap dito . "Ano na lang ang gagawin ko kung wala ka . Your the best mom ever .
"Nagkikislapan ang matang saad ni Atasha sabay halik sa pisngi ng ina . "Okay ! Relax na ako ngayon Mommy ! Kapag opisyal na ang identity ko bilang Saavedra ako mismo ang gagawa nang paraan para matulungan natin si Dad sa problema sa kompanya ,"kumpiyansang saad ni Atasha saka tumayo na . "Aalis ka na ba ? " "Kailangan ko na hong umuwi . Alam n'yo na , dapat maging ina pa rin ako sa batang iyon . "H 2.3K Comments admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels.
With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.