Chapter 88
Panic Na Bulalas Ni Natasha
Zindy Rivera - CrushRead · about 4 min read · 877 words
"Oo nga pala anak , dapat inalam mo rin kung sino ang sperm donor ? " "Saka ko na iisipin ' yon , Mom . Saka kung tatangapin siya ni Zade hindi na mahalaga kung sino ang ama ng bata . Anak ko pa rin naman siya . "lyon lang at tuluyan nang umalis si Atasha . Nagdidiwang naman ang kalooban ni Natasha at muling tinitigan ang gold invitation card . "Kaunting tiis pa , magiging maayos rin ang lahat . " "O akala ko nandito ang anak mo ? "tanong ni Gener sa asawa ng dumating ito . Nakagolf outfit pa ito dala ang golf bag nito .
"Mukha ka talagang don sa outfit mong ' yan honey ,"puri ni Natasha sa asawa . "Bagay rin naman sa'yo ang golf outfit mo bakit ba ayaw mo kasing sumama . Kailangan natin ng socialization para naman mas makilala pa tayo . Marami akong naka - usap na negosyante kanina , "proud nitong balita sa asawa . "Magaling iyon mahal . Kailangan natin ' yan . "Ipinakita nito ang invitation card kaya excited na napa - upo si Gener sa tabi ng asawa . "Sa susunod na buwan na pala ' yon ? "Nanlalaki pa ang mata nito sa excitement . Pero kaagad ring naglaho ang ngiti nito ng may maalala .
"Tumawag pala si Atty Fortunato ,"tukoy nito sa anak ng dating lawyer ni Charlene . Kaya nasira ang mukha ni Natasha . "Gusto raw niyang makita si Yuri . " "Ano ? Bakit ? "Panic na bulalas ni Natasha . "Hindi sinabi pero alam kong may kinalaman sa shares ' yon . " "Teka , honey baka ibibigay na niya kay Yuri ang rights , tanda mo ba dati sabi kapag 25 na si Yuri saka mapapasakanya ang share's rights . Ang laki na noon . Hindi man lang natin magalaw . Buwisit talaga ' yang kapatid mong ' yan eh . " "Sa susunod na taon pa ang 25th birthday ni Yuri .
Pero paano natin makukuha sa kanya ang shares ? "Napapa - isip na saad ni Gener . "Sa tingin ko kailangan na natin siyang hanapin , tutal naman diba . Siya ang dapat nating kilalaning anak . "umiling si Natasha . "Pero saan natin siya ulit hahanapin . Mas makakabuting wala siya para sa anak ni Atasha . Kung puwede nga lang huwag na siyang bumalik dito . Para sa atin na ang bahay na ' to . Ilang taong ako nang nangalaga dito kaya dapat lang na sa atin ' to mapunta . Kung puwede nga lang mamatay na lang ang babaing 46 The Invitation - 2 iyon . "Gigil na sambit ni Natasha .
Claim Pero isang nakakalukong ngisi ang kumawala sa ngiti ni Gener . "Kaunting panahon na lang naman , honey . Oras na makuha na niya ang shares - wala na tayong dapat isipin pa . Iyon lang ang dahilan kaya nabubuhay pa siya hanggang ngayon . " "ANO KA BA , lumabas na kaya tayo ngayon . Nandiyan naman si Ate Rita , siya na ang bahala kay Zayu , diba baby dito ka lang ha , bait yan .. "kausap ni Moira sa batang karga ko . "Pero kasi - " "Sshh ... Isang taon na kayo dito , at itong subdibisyon na lang ang mundo para sa'yo , Yuri . Hindi ka ba nagsasawa ?
"Nakapamaywang na usig sa akin ni Moira . "Paano naman ako magsasawa kung kasama ko lagi ang anak ko . Saka alam mo namang ... " "Hanggang kailan ka matatakot ha ? Saka magsisimula ka na sa kompanya ng mga Saavedra , kaya mas mataas na ang chance na magkita kayo ng asawa mo . Malay mo naman wala nang paki - alam ' yon sa'yo ? "Natigalan ako dahil doon . Oo nga naman ano bang ikinatatakot ko kasi ? Plinano ko nang mabuti , kaya bakit nga ba natatakot pa rin ako ? "Oo na nga sige , lumabas tayo pero libre mo kasi alam mong wala pa akong trabaho at may anak akong binubuhay .
"sa wakas ay sang - ayon ko dito . Bahala na sa laki nang Maynila malabo naman sigurong basta na lang kami magkita ni Zade . Ang tanging hiling ko lang naman huwag na sanang magtagpo ang landas namin . Zindy Rivera Pagbigyan kaya ng langit ang hliling mo Yuri ,, Kaninong dasal kaya ang mas malakas hehehhe.Hi everyone thank you sa walang sawang support . Dahil over word count tayo for this month bali Alternate po ang posting ko ng 2 chapters simula bukas di puwede ang daily 2 chapter per day . Baka di marank si Zade ko And also . Pahinga tayo kapag sunday moving forward .
Maraming salamat po sa pag - unawa . Nadadalas kasi ang sakit ng finger ko lately nasusubrahan sa dotdot ng walang pahinga . #Vote sa mga nakadreame app maraming thank you . 26 Comments LUCK DRAW > admin Olivia Harris is an emerging author celebrated for her captivating romantic and steamy novels. With a talent for crafting deep emotional connections and fiery chemistry between her characters, Olivia's stories offer readers an escape into worlds filled with passion, intrigue, and heart-stopping drama.